Dra. Vicki Belo's camp clarifies botox procedure on Charice was "corrective, non-surgical procedure," not "anti-aging"

IMAGE 0


"Wala kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally looked three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice, but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya," says Dra. Vicki Belo about the botox procedure s


Naging malaking balita sa mga pahayagan, sa telebisyon, sa radyo, sa Internet, at sa iba't ibang social networking sites ang pagsailalim ng ni Charice sa botox procedure na isinagawa ng celebrity cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo last Saturday, July 17. (CLICK HERE to read related story.)

Iba't ibang reaksiyon din ang nilikha ng desisyong ito ng international singing star. Merong mga nakakaintindi at nagpahayag ng patuloy na pagsuporta kay Charice. Pero meron ding mga bumatikos na nagsasabing napakabata pa ni Charice sa edad na 18 para sumailalim sa botox. (CLICK HERE to read related story.)

Pinag-usapan nga ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa U.S. at sa iba pang panig ng mundo. Lumabas pa nga sa isang U.S. magazine na hindi na raw kailangang gawin ito ni Charice dahil tanggap naman ng mga tao ang hitsura niya. Tinangkilik siya sa States dahil sa kanyang angking talento.

Dahil sa mga batikos ay nag-react na rin ang isang representative ni Charice. Sa isang artikulo na lumabas sa website ng Us magazine, "Rep: Charice Did Not Get Botox To Make Her Face Narrow", itinanggi ng rep ni Charice na nagpa-botox ang Pinay singer "to change her appearance."

Ayon sa rep ni Charice, ginawa ang procedure "to relieve a jaw problem similar to TMJ."

Sabi pa ng rep sa Us interview nito: "It did not hurt; it relieved the pain. You've seen her face—she doesn't have a wrinkle in it so she wouldn't need it for cosmetic purposes. The Glee people are thrilled with the way she looks which is why she got the part."

BELO CLEARS THE ISSUE. Sa naunang artikulong lumabas dito sa PEP, ipinaliwanag ni Dra. Belo na safe naman ang botox procedure dahil corrective measure lang ang ginawa niya kay Charice. Hindi nga raw ito maituturing na retoke dahil wala namang binawas o idinagdag sa mukha ni Charice. Ginamit daw ang botox para ma-relax ang muscles sa mukha ni Charice lalo na sa may jaw area at nang mabawasan ang pagbilog ng pisngi niya na dulot ng madalas daw nitong pagnguya ng chewing gum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dra. Belo, "I don't consider this as a makeover kasi from the beginning, I think people like the way she looks and even abroad tanggap na yung looks niya. Kasi for me, when you say makeover, nandun na yung noselift, deep-set the eyes, ganun. E, wala nga kaming in-enhance, inayos lang namin kasi yung muscles niya sa face na hindi naman ginalaw or even undergo surgery, ginawa lang namin compact yung muscles niya. Binabalik lang namin how she originally looked three years ago na hindi pa ganun kalaki yung face niya. There might not be a big difference for people to notice, but sa camera, it will make a big difference kasi yung camera nagpapa-widen siya."

Dahil nga sa mga negatibong komento at batikos kay Charice ay sinubukan ng PEP na humingi ng statement kay Dra. Belo. Ayon sa aming nakausap mula sa kampo ni Dra. Belo, ayaw na sana nilang palakihin pa ang isyung ito. Gayunpaman, isang text message pa rin ang ipinadala nila sa PEP bilang paglilinaw sa isyu.

Ayon sa text, "Because they thought the botox done on Charice is for anti-aging. It was a corrective, non-surgical procedure."

Dahil ang pagiging bata pa nang sumailalim sa botox ang numero unong tinutuligsa ng mga bumabatikos kay Charice, nilinaw ng kampo ni Dra. Belo na hindi raw anti-aging procedure ang ginawa sa singer. Hindi raw dapat maging isyu ang edad nito.

Sa may bandang panga lang ni Charice in-inject ang botox, tatlong injections sa bawat side, kung saan naroon ang muscles na dapat i-relax. Bukod dito, wala na raw ibang parte ng mukha ni Charice ang sumailalim sa botox.

"Totally safe and no side effects" din daw ang botox procedure na ginawa kay Charice kaya hindi raw ito nakaapekto sa pagkanta niya. Sa katunayan, ilang oras pagkagaling ni Charice sa Belo Clinic ay nakapag-perform pa ito sa kanyang concert na ginanap sa Eastwood, Libis. Nasundan pa ito ng iba pang special shows hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bansa sa Asya na bahagi ng Asian tour ni Charice para sa promotion ng kanyang U.S. self-titled debut album kung saan kabilang ang hit song niyang "Pyramid."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOTOX RESEARCH. Ayon sawww.botoxforum.com, mas nakilala o naging pamilyar ang mga tao sa aesthetics at anti-ageing benefits ng pag-i-inject ng botulinum toxin type A—o mas popular bilang Botox—sa pamamagitan ng pagtatanggal ng wrinkles, frown lines at iba pang linya sa mukha na senyales ng pagtanda. Pero bukod dito, ang botox ay puwede ring gamitin bilang treatment sa ilang health conditions gaya ng "migraines, hyperhidrosis o excessive sweating especially in the underarms, bladder problems and incontinence, and muscle spasms."

Base sa impormasyong nakuha namin sa www.wikipedia.org, ang kondisyon ni Charice ay maaaring i-classify bilang "Bruxism."

"Bruxism is characterized by the grinding of the teeth and is typically accompanied by the clenching of the jaw. Some bruxism activity is rhythmic (like chewing), and some is sustained (clenching). Bruxism can also be regarded as a disorder of repetitive, unconscious contraction of the masseter muscle (the large muscle that moves the jaw)."

Sa kaso ni Charice, ang itinuturo ngang dahilan ng pagbilog ng pisngi niya ay dahil sa contractions ng muscles niya sa may jaw area dulot ng madalas niyang pagnguya ng chewing gum.

Isa raw sa treatment sa bruxism ay ang pag-i-inject ng botox. Ayon sa wikipedia, "In the treatment of bruxism, Botox works to weaken the muscle enough to reduce the effects of grinding and clenching, but not so much as to prevent proper use of the muscle. The procedure involves about five or six simple, relatively painless injections into the masseter muscle."

Tatlo sa bawat side ng mukha for a total of six injections ang ibinigay na dosage ni Dra. Belo kay Charice.

Ilan daw sa mga symptoms na maisasaayos ng botox ay "grinding and clenching, morning jaw soreness, TMJ (temporomandibular joint) pain, muscle tension throughout the day, migraines triggered by clenching, neck pain and stiffness triggered by clenching."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN