Willie Revillame's reported return to Wowowee "confirmed" by Cristy Fermin

IMAGE 0


"Baka akala nila, e, katapusan na ng mundo ni Willie at hindi na makakabalik sa Wowowee... Isang araw, malapit na malapit na... Isang malakas na sampal ang sasagupak sa pisngi n'yo!" says Cristy Fermin about the "return" of Willie Revillame to Wowowee

.


Babalik na raw si Willie Revillame bilang host ng Wowowee, ang popular noontime show ng ABS-CBN, ilang linggo mula ngayon. Ito ang sinabi ng showbiz talk show host na si Cristy Fermin, na kilalang very close at "nanay-nanayan" ni Willie sa showbiz mula pa noong nagsimula ito sa kanyang career.

Ito ay sa kabila ng paglalabas ng statement ng ABS-CBN na "espekulasyon" lamang ang lumalabas na balitang babalik na si Willie sa Wowowee.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristy sa taping ng Paparazzi sa studio ng TV5 sa Novaliches, Quezon City noong Sabado, July 17. Sinabi ng TV host at entertainment columnist na masaya siya para kay Willie sa "kumpirmado" nitong pagbabalik-Wowowee, matapos ang isang seryosong pakikipag-usap ng controversial TV host sa President ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio kamakailan lang.

WILLIE RETURNS AS HOST. "Kumpirmado!" ang sagot ni Cristy sa tanong namin kung totoo ngang balik-trabaho na si Willie as Wowowee host pagkatapos nitong mag-leave of absence ng mahigit dalawang buwan. (CLICK HERE to read related story.)

Kailan niya huling nakausap ni Willie?

"Kagabi," sagot ni Cristy. "Nag-usap sila nung kasagsagan ng bagyong Basyang ni Ma'am Charo... Babalik siya. Pinababalik na siya."

Maluwag ba sa puso ni Willie ang pagbabalik nito sa show?

"Oo. Meron pa siyang sinabi sa interview na forgiveness. 'Kasama na pagbabalik ko yung forgiveness.' Parang gano'n..."

May takot ba si Willie sa kanyang pagbabalik?

"Wala, wala siyang takot. Si Willie naman, handa na talaga siyang kung wala man ang Wowowee, tuloy pa rin ang buhay niya. Yun ang kanyang prinsipyo."

Sa palagay ni Cristy, nakapagpahinga na si Willie nang maayos pagkatapos ng kontrobersiyang kinasangkutan niya recently.

"Sabi nga niya, naging tao siya sa mahabang panahon. Kaya na-relax siya e. Kaya, babalik, babalik siya."

Sa pagbabalik ni Willie, alam ba niya kung may mga kundsiyones ito with the show or network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman. Nag-meet halfway yata sila."


POKWANG. Ano naman ang masasabi ni Cristy sa nasusulat na mga balitang kapag bumalik daw si Willie sa show ay aalis o matatanggal naman sina Pokwang at Mariel Rodriguez? Sa kanyang column sa Bulgar noong araw ding yun, binira ni Cristy ang isang insider ng ABS-CBN, gayundin si Pokwang, dahil sa Tweet message ng naturang insider.

Ayon kay Cristy, masyadong "blunt" ang nabanggit na insider sa pagtu-Tweet na: "Fyi, si Pokwang ang nagpapataas ng rating ng Wowowee, hindi si Willie. Magsama na lang sila ni Cristy Fermin sa TV-5! Eiowww!... Binigyan na siya ng chance na magbago, hindi lang bilang host, kundi bilang tao, pero nothing has changed."

"Ang punto ko naman," sabi ni Cristy, wala namang ginagawang masama sa kanya si Willie. Pangalawa, naturingan siyang PRO ng istasyon, pero parang naglalagay siya ng harang, hindi tulay, di ba? Kasi pag PRO ka ni Pokwang o ng istasyon, pinapalawak mo yung mundo mo, e, para maganda na yung produkto mo.

"Ito namang si Pokwang, ni-retweet niya pa para mabasa ng followers niya. Ang sa akin kasi, ang respeto... Lalo na, si Pokwang, di ba, e, nakipagpatayan si Willie na maging co-host siya ng Wowowee? Ang sa akin naman, ganito 'yan, e, parang pag sinabi mong, 'Tarantado si ganito. Please pass!' Kung kaibigan mo yung taong yun at may tinatanaw ka na utang na loob at may pagmamahal ka, papatayin mo yung [text message o Tweet], di mo yun ipa-pass. Siya [Pokwang], ni-retweet pa niya, e, para mabasa ng followers niya.

"Sabi ko nga, baka akala nila, e, katapusan na ng mundo ni Willie at hindi na makakabalik sa Wowowee... Isang araw, malapit na malapit na... Isang malakas na sampal ang sasagupak sa pisngi n'yo!" banta pa ni Cristy.

Sinabi pa ni Cristy na dapat mag-ingat si Pokwang sa mga pahayag nito sa publiko. Ang tinutukoy ni Cristy ay ang sinabi ni Pokwang sa panayam sa kanya ng showbiz talk show ng ABS-CBN na SNN. Natanong kasi ang komedyante tungkol kay Robin na naging special guest co-host ng Wowowee sa loob ng dalawang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ni Pokwang, "Kasi sa kanya namin naramdaman na babae pala kami. Sa kanya namin naranasan 'yong kalayaan para i-express kung ano 'yong ginagawa namin sa trabaho. 'Saka very vocal siya sa amin kung ano 'yong nararamdaman din niya. Kaya sobrang nami-miss namin siya." (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman kay Cristy, "Maingat dapat si Pokwang sa pagsasalita," sabi niya. "Una, may dapat siyang lingunin. Pangalawa, sensitibo si Willie. Pangatlo, ang laki ng utang na loob niya doon.

"Hindi siya dapat yung nagsasabing, 'Ako nga ay pinapanalangin ko ang pagbabalik ni Robin dahil siya lang ang lalaking nagpakita sa amin ng respeto. Kasi, in comparison with lagi ang dating noon, e.

"Sana man lang kung sinabi niyang 'Si Robin talaga ang nagpakita sa amin ng respeto.' Pero pag sinabi mong 'Si Robin lang', may pinapatamaan kang iba na dapat na magpakita, hindi naibigay. Hindi siya naging maingat.

"Si Pokwang pa ba ang magsasabi noon? Bakit si Mariel [Rodriguez], may nagtu-Tweet rin sa kanya, hindi nito nire-retweet? Tingnan mo si Mariel talaga, marunong tumanaw at marespeto. Si Valerie [Concepcion], yung si RR [Enriquez], yun ang mga may respeto. Si Pokwang daw ang hindi."

May lamat na ba ang friendship nina Pokwang at Willie?

"Meron na," sagot ni Cristy. "Knowing Willie, siyempre, hindi lang mambabastos ng babae 'yan... Ayaw din niya na may mawalan ng trabaho. Pero may lamat na 'yan. Pero si Pokwang, ang dami na kasing kuwento sa kanya ngayon, e, akala ko talaga hindi na lalaki ang ulo niya."

Sinubukan ng PEP na kunan ng reaksiyon si Pokwang tungkol sa mga pahayag ni Cristy laban sa kanya. Pero ayon sa Star Magic ay kasalukuyang nasa London ang comedienne for a show.

"VINDICATED." Feeling ba ni Cristy ay vindicated si Willie?

"Oo!" diretsong sagot nito. "Tinanong niya ako, e, 'Nay, ano, babalik pa ba ako?' Sabi ko, vindication yun, Willie. Kung saan ka bumagsak, doon ka bumangon.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galing kaya sa network ang interes na muling ibalik sa show si Willie?

"Palagay ko nga, kasi si Willie, nagpapa-release, e. The mere fact na nagpapa-release, that means he has no more intention of going back," sabi ni Cristy.

Kung totoong nagpapa-release si Willie sa kontrata nito sa Dos, totoo rin ba ang balitang ibinebenta niya ang kanyang contract?

"Walang bentahan. Nagpapa-release lang siya. Talagang ayaw na niya," diin ni Cristy.

Hindi totoong iba-buy-out ni Willie mismo ang sarili nitong contract?

"Ang alam ko, mayroong magba-buy-out ng contract, at hindi pumayag ang ABS. Dose na lang rating ng Wowowee, na dating 24? Kaya sabi ko nga, 'Ano ang sinasabi n'yo, uminom nga kayo ng kape!'

"E, dose na lang ang rating ngayon, a, nung mawala si Willie? Kung si Pokwang ang nagpapataas ng rating, dapat napataas 'yan ni Pokwang nung mawala si Willie. E, bakit sumadsad?" patutsada ni Cristy.

Nahirapan ba si Willie na makabalik?

"Sa punto siguro ng emosyon, parang may mga dapat pang ayusin. Kasi, nakatikim siya ng mga salita na, 'Ipagdarasal namin ang pagbabalik ni Robin [Padilla].' Si Pokwang 'yan, di ba? Sabi pa niya, 'Si Robin lang ang nagpatikim sa amin ng tunay na respeto...' Siyempre, nasaktan yung tao, na eto pa ba ang produkto niya, di ba?"

Posible kayang magmula rin kay Willie ang kundisyon na babalik lamang ito sa show kung wala na ang isa o dalawa sa kanyang co-hosts sa Wowowee?

"Ako, i-quote n'yo ako o hindi, okey lang sa akin, dahil totoo naman... Wala sa bokabularyo ni Willie ang magtanggal ng kasama. Kaya ang sabi ko, killing them with kindness ang gagawin niya. Kasi, may sinabi siya sa interview na kasama ang forgiveness... Kasama yun."

THE DATE. Kumpirmado bang sa July 31 ang pagbabalik ni Willie sa show gaya ng nababalita?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko alam yung July 31," sabi ni Cristy. "Siguro yung clamor, nakita ng ABS-CBN yun."

May reformat kaya na mangyayari sa Wowowee?

"Ang alam ko, wala," sagot ni Cristy. "At saka kung ano yung iniwan niya, yun ang babalikan niya. Lalo na yung 'Willie of Fortune' [segment]...na nagyayabang na 'Billy of Fortune' [of Billy Crawford] na lang daw... Painumin mo nga ng kape ang batang yun, at pakitaan n'yo naman ng multo nang kabahan naman paminsan-minsan!

"Saka bakit nag-dose ang ratings? Nilamon sila nang buong-buo ng Eat Bulaga! ngayon. Kung meron ngang Chowtime ngayon sa Trese, baka nga mas mataas pa sa kanila ngayon yun, e!" tawa nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN