Claudine Barretto celebrates 31st birthday with sadness

IMAGE 0


"Para kasing ang hirap mag-celebrate ng birthday namin ni Raymart knowing na may kaibigan kaming biglang nawala. She's the wife of our pastor and talagang naging close siya sa amin ni Raymart. Lahat ng bagay-bagay sa buhay namin ay kinukonsulta namin sa kanya. She was not just a friend kundi part na siya ng family namin," says Claudine Barretto about her decision not to have a big celebration on her and Raymart's birthday.


One month na magiging special guest host ng Showbiz Central si Claudine Barretto. Nagsimula na siya kahapon, July 18, dahil sa naturang showbiz talk show ng GMA-7 na siya nag-celebrate ng kanyang birthday.

Kasabay ni Claudine na nagdiwang ng birthday sa show ang kanyang mister na si Raymart Santiago. Pareho kasing sa July 20, Martes, ang kanilang kaarawan; Claudine turns 31 while Raymart turns 37. Sumalang sila Face-Off Edition ng "Don't Lie To Me."

Natuwa naman si Claudine nang bigyan siya ng GMA-7 ng pagkakataon na mag-host ng isang showbiz talk show. First time daw niyang gawin 'yon at nag-enjoy naman siya sa first Sunday na pagtrabaho niya sa show.

"Marami palang surprises ang Showbiz Central, nag-enjoy talaga ako," sabi ni Claudine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room. "Kasi nga, kilala ko naman ang mga host dito like si Sweet [John Lapus], P-chi [Rufa Mae Quinto], Mond [Raymond Gutierrez], and Pia [Guanio]. Kaya hindi ko na kailangan mag-adjust pa with them. Maganda na agad ang rapport namin.

"But of course, dahil first time ko to do a show like Showbiz Central, I need to learn from them kasi sila ang sanay na. And since one month nga akong mapapanood, masasanay din ako. Excited nga ako dahil it's my chance to interview mga celebrities. Ako naman ang magiging intrigera this time."

BIRTHDAY WISH. On her birthday, wish ni Claudine na maging maganda pa rin ang takbo ng kanyang career at parating maging safe at malusog ang kanyang pamilya.

"Yung mga wishes ko naman, hindi na para lang sa akin kundi para na rin sa family ko," sabi ng multi-awarded actress. "I want my kids to be happy and healthy. Gusto ko yung wala silang sakit at okey sila sa school.

"Si Raymart naman, pareho kami ng birthday kaya ang pinaka-gift ko sa kanya ay prayers na safe siya sa araw-araw na gawain niya. Masyadong masipag ang mister ko and ayokong nagkakasakit din siya. I always remind him to take care of himself, lalo na't pareho kaming may trabaho. I'm not always there to take care of what he needs."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT A PERFECT MARRIAGE. Biglang nalagay sa intriga ang pagsasama nina Claudine at Raymart. Pero sabi ni Claudine, walang katotohanan ang lumalabas na balitang may problema ang pagsasama nila.

Aniya, "I guess normal lang naman sa mag-asawa na may tampuhan kayo at meron kayong hindi mapagkasunduan. It's a normal thing and sabi nga nila, healthy 'yon dahil nagkakaroon kami ng interaction parati.

"Hindi perfect ang marriage namin ng mister ko. May mga pinagdadaanan din kaming mga problema ng mga mag-asawa. But we always make it a point na maayos ito. Kaya nga we attend Bible studies and we go through counseling. Gusto naming malaman kung ano pa ba ang kailangan naming gawin for our family and for our relationship as husband and wife. Marami pa kaming kailangan malaman and we want to know that. Para na rin sa ikaaayos ng takbo ng pamilya namin."

SIMPLE CELEBRATION. Wala raw balak magkaroon ng malaking celebration si Claudine sa darating niyang birthday dahil may malapit na kaibigan sila ni Raymart na pumanaw kamakailan.

"Para kasing ang hirap mag-celebrate ng birthday namin ni Raymart knowing na may kaibigan kaming biglang nawala. She's the wife of our pastor and talagang naging close siya sa amin ni Raymart. Lahat ng bagay-bagay sa buhay namin ay kinukonsulta namin sa kanya. She was not just a friend kundi part na siya ng family namin.

"She died because of breast cancer at talagang naapektuhan kami ni Raymart. But we prayed for her and alam namin that she will be in a better place. Alam namin na gusto niyang huwag kaming maging malungkot sa pagkawala niya. Our lives have to go on. Nandito pa kasi kami. But our prayers will always be with her and her family. Nandito kami para sa naiwan niyang pamilya," saad ni Claudine.

Sa pagsalang nga nina Claudine at Raymart sa "Don't Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon ay hindi napigilan ng mag-asawa na maging emosyunal nang mapag-usapan ang pumanaw nilang kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simpleng celebration na lang daw ang gagawin nina Claudine at Raymart. Isasabay na rin daw nila ang birthday ng kanilang anak na si Santino, na nagdiriwang naman ng kanyang third birthday ngayong araw, July 19.

"May reason pa rin naman to celebrate because Santino will turn three years old," sabi ni Claudine. "So, simpleng celebration na lang, but it's all for Santino. Kami naman ni Raymart, masaya na kami kapag nakakalabas kami. May date night kami kapag may time kaming dalawa."

BACK ON THE BIG SCREEN. Malapit na ring ipalabas ang movie ni Claudine with Anne Curtis and Richard Gutierrez na In Your Eyes, na produced ng Viva Films at GMA Films. Huling napanood sa big screen si Claudine noong 2006 via Sukob, ang Star Cinema movie kung saan nakasama niya si Kris Aquino.

"It feels good to be back doing movies again," sambit ni Claudine. "Ang tagal ko na palang hindi gumawa ng movie kaya medyo nanibago ulit tayo. But I want to thank Direk Mac Alejandre for being so patient with me.

"Nag-adjust talaga ulit ako sa movie set. And I was able to give my best sa mga eksena namin. Lalo na ang mga kinunan sa U.S., mabibigat yung mga eksena namin nina Anne and Chard doon, and I want to thank God for giving this project.

"It was so much fun working with Anne and Chard. Pareho silang magagaling at mababait na tao. First time ko silang makatrabaho and I would love to work with them again if given another chance."

DRAMA ANTHOLOGY. Nilinaw rin ni Claudine na hindi mawawala ang kanyang weekly drama show na Claudine sa GMA-7. Hanggang August pa raw tatakbo ang kanyang drama show at marami pa siyang guests na naka-lineup na mapapanood sa show.

"Despite what other people say, tuloy pa rin ang Claudine. I am proud of our show because of the wonderful stories and the good directors na nakakatrabaho ko. I always look forward sa tapings ng Claudine, kasi nga we're always doing new stories and I love working with different actors. Plus, nakikita mo na masayang nagtatrabaho ang staff ng show. Mas maganda kasi yung may trabaho tayong lahat," saad ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO TO NEGATIVE VIBES. Dahil sa mga magagandang nangyayari sa career ni Claudine, hindi na lang niya pinapansin ang mga nagbibigay ng negative vibes sa kanya. Para sa kanya, maayos siyang nagtatrabaho at wala siyang inaagrabyadong tao.

"Sa edad natin ngayon, I don't need to entertain negative things," sabi niya. "Hindi magandang vibes 'yan, e. I just want to work with people who want to help me.

"Nakakapagtaka kung bakit may mga tao na gusto ay pilit na dina-down ka or gusto nilang hindi ka masaya. But I just pray for these people. Wala akong sasabihing masama sa kanila. I just lift it all up to the Lord."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN