Cogie Domingo treats his showbiz comeback seriously

IMAGE 0


Cogie Domingo says that negative publicity in the past was not the main reason he left showbiz for almost four years. "Parte na yan, e," Cogie told PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kasama na talaga 'yang mga intriga."


Late na dumating si Cogie Domingo sa press conference ng Inday Wanda—ang bagong comedy series ng TV5 na pinagbibidahan ni Eugene Domingo at ipalalabas itong darating na Setyembre.

Ginanap ang nasabing presscon sa Rembrandt Hotel sa Quezon City kahapon ng tanghali, July 21.

Bagama't hindi na umabot ang aktor sa pormal na Q&A kasama ang iba pang cast members ay nagpaunlak naman ito ng interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters na naiwan sa Stoffels Function Room.

Tinanong agad namin si Cogie kung ano nga ba ang dahilan at nawala siya ng halos apat na taon.

"Parang nagpahinga lang ako tapos ngayon ito balik na ulit. At least 'yon nga sabi ko pagbalik ko mas maganda 'yong bago na 'yong mga ginagawa ko," matipid na sagot ng mestisong actor.

This time nga raw ay seryoso at determinado na si Cogie na ituloy ang kanyang natenggang showbiz career. Marami rin kasi ang nanghihinayang sa aktor dahil may ibubuga rin naman ito pagdating sa pag-arte. Napatunayan ito ni Cogie nang makipagsabayan siya sa beteranong aktor na si Eddie Garcia sa pelikulang Deathrow noong 2000.

Nagsilbing comeback vehicle ni Cogie ang Father's Day episode ng Maalaala Mo Kaya na ipinalabas noong nakaraang buwan. Marami rin ang nagulat nang pumayag ang batang aktor na gumanap bilang isang closet gay lawyer sa independent film na Muli.

Sa kanyang pagbabalik ay nais ni Cogie na gumawa ng mga challenging at mature roles, kahit maaaring pag-ugatan ito ng mga intriga.

"Okay lang 'yon. Ganun talaga, good or bad publicity, publicity pa rin 'yon," nangingiting tugon ni Cogie.

FREELANCE ACTOR. Sa kasalukuyan ay freelancer si Cogie at malaya itong makakapagtrabaho kahit saang network o film company.

Kilala si Cogie bilang isang dating talent ng GMA-7. Inamin naman niya na nakausap niya ang pamunuan ng Kapuso network tungkol sa posibilidad na muling makapag-trabaho sa estasyon na itinuring niyang pangalawang tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-usap na rin kami ni Tita Wilma [Galvante, GMA-7 senior vice president for entertainment] and sabi niya sa akin kung meron kang work sa TV5 ba't di mo kunin 'yon? Kasi sabi niya rin na naka-lineup na 'yong programa nila para sa buong taon."

Positibo naman si Cogie na makakatulong para sa kanyang career ang pagiging freelancer at plano raw talaga niya ngayon at ng kanyang manager na si Noel Ferrer na maging isang non-exclusive talent para makapili sila ng tamang proyekto.

KEEPING MUM. Bagama't pansamantalang tumigil sa showbiz si Cogie ay hindi naman ito tinantanan ng mga intriga.

Nadawit ang pangalan ni Cogie sa alitan na namagitan sa pulitikong si Chavit Singson at ang live-in partner nito na si Che Tiongson noong nakaraang taon.

"Okay naman," seryosong sagot ni Cogie nang tanungin kung ayos na ba ang lahat sa kanila ni Singson. "Basta naayos na rin po. Huwag na lang po natin pag-usapan 'yon... Ayoko na ring balikan."

Umiwas na rin si Cogie na pag-usapan ang isyung lumabas tungkol sa kanila ni Angel Locsin. Sinabi kasi ni Cogie dati na nagkaroon sila ng relasyon ni Angel subalit tahasan naman itong itinanggi ng aktres.

"Wala 'yon. Ayoko nang magsalita tungkol dun," paiwas na sambit ni Cogie. "Mabait naman siya [Angel] talaga. Pero ayoko nang magsalita and hindi naman dapat akong magsalita tungkol dun."

Kung iwas si Cogie sa pagsagot tungkol sa mga intrigang nabanggit ay hindi naman ito nag-deny nang mapag-usapan ang kanyang napabalitang gambling habit noon.

Dala raw ng barkada kaya siya nahilig magpunta sa casino noong araw. Sinigurado ni Cogie na nalagpasan na niya ang pagsusugal at ngayon nga raw ay gusto lang niya magtrabaho at ibalik ang sigla ng kanyang naiwang acting career.

"Tapos na ko dun. Hindi na ko nagka-casino, matagal na kong hindi nagka-casino," diin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang darating na kaarawan sa Agosto ay ibang klaseng selebrasyon naman ang gustong gawin ni Cogie bilang pagpapasalamat na rin sa kanyang pagbabalik trabaho: "Magte-twenty five ako this year. Gusto kong gawin sa Hospicio de San Jose para sa mga bata na nandoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN