Jennica Garcia defends rumored boyfriend Alwyn Uytingco against "bad influence" issue

IMAGE 0


Young actress Jennica Garcia makes a special guest appearance in Pilyang Kerubin as "taong-baboy" who works in a perya. For her role, Jennica has to wear prosthetics that remind her of Bakekang. "Grabe, ang hirap pala no'ng kay Bakekang! E, serye pa yun kaya bilib po ako kay Bakekang. Ang hirap po, pero kaya. Kailangan pong dedma lang, basta happy," she says.


Muling ibinabalik ng GMA-7 ang tambalan nina Jennica Garcia at Carl Guevara na unang napanood sa episode ng Dear Friend na "My Stalking Heart." Although sila rin ang magka-partner sa upcoming GMA-7 sitcom na Jejemom starring Eugene Domingo, mas mauuna silang mapanood sa episode ng Pilyang Kerubin starting tonight, July 23.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people kay Jennica sa set visit ng Pilyang Kerubin noong Miyerkules, July 21, sa St. Vincent Seminary, sinabi ng young actress na natutuwa siya na nasundan ang team-up nila ni Carl.

"Okey naman po kami ni Carl. At saka, hindi na 'yan tahimik. Mapang-asar na 'yan. Sa umpisa lang 'yan shy type. Pero mabait 'yan!" natatawang sabi niya about her leading man.

TAONG BABOY. Sa Pilyang Kerubin ay ginagampanan ni Jennica ang papel ng isang "taong baboy" na nagtatrabaho sa peryahan.

"Episodic na kasi ang Pilyang Kerubin, so nakakatuwa. Sana maulit kung episodic na siya, sana maulit dito. Masaya kasi aside sa Jejemom, meron pa akong isang ginagawa, ito nga. And then, hopefully, sana matuloy yung sinasabi ng manager ko na project sa August, sana matuloy."

Kuwento niya sa kanyang role, "Ako rito si Betty. Taong-baboy. Si Carl, best friend ko siya. Siya yung hindi tinitingnan ang panlabas kong anyo. Parang naging best friend niya ako dahil sa ugali ko.

"Yung mga kerubin naman, hindi ko alam na angels pala sila. Na kaya kami naging magkaibigan dahil may misyon sila para sa akin. So, it's good versus evil. Kung sino ang mananalo sa dalawa, kung saan ako magpapadala."

Hindi ba siya nahirapan sa prosthetics na ikinabit sa kanya?

"Medyo hirap po, pero hindi ko na lang pinapansin. Alam n'yo naman ang taping, hanggang umaga. So, ako po, hindi na lang ako tumitingin sa orasan," sabi ni Jennica.

Dahil sa prosthetics niya ay naalala tuloy ni Jennica ang Bakekang na pinagbidahan ni Sunshine Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Grabe, ang hirap pala no'ng kay Bakekang! E, serye pa yun kaya bilib po ako kay Bakekang. Ang hirap po, pero kaya. Kailangan pong dedma lang, basta happy," aniya.

ALWYN UYTINGCO. Nang madako ang usapan sa lovelife, tila na-conscious na si Jennica at naging maingat sa kanyang mga salita.

Kumusta na sila ng nababalitang boyfriend niya na si Alwyn Uytingco?

"Okey naman po," nakangiting sabi ni Jennica.

Pero aniya, "Sa totoo lang po, nahihiya rin po ako na panay pag-usapan si Alwyn. Una na nga po, taga-ABS [CBN] siya, di ba? Different network, tapos at the same time, hindi naman po kami... Hindi naman po kami love team."

Totoo bang lilipat na ng network si Alwyn?

"Yung lilipat, hindi ko po alam. Wala naman po akong alam do'n," sagot ni Jennica. "Kung lilipat siya o hindi, yung company po niya, okey na ako ro'n, masaya na ako. Kasi, trabaho po niya yun."

Kung lilipat nga si Alwyn sa GMA-7, mas okey ba ito sa kanya?

"Hindi ko rin po alam," sagot niya.

Ano naman ang sinasabi ng mommy niya na si Jean Garcia tungkol kay Alwyn?

"Nagpupunta naman po siya sa bahay, wala naman pong nasasabing hindi maganda si mommy sa kanya," sabi ni Jennica.

Dalawang beses na rin daw nakikita si Alwyn sa event ang GMA-7 kung saan kasama si Jennica. Yung isang beses nga raw, nagkita pa si Alwyn at ang dating boyfriend ni Jennica na si Mart Escudero. Ayon sa isang panayam kay Mart, si Alwyn pa ang unang lumapit sa kanya kaya okey naman daw silang dalawa.

Ano ang masasabi ni Jennica rito?

"Okey naman talaga ang dalawang yun," sambit niya. "E, magkakaibigan kami, paanong hindi magiging okey yun? Yung barkada ni Alwyn at barkada ni Mart, sa pagkakaalam ko, iisa."

Sila rin daw ni Mart ay okey at walang problema sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BAD INFLUENCE? Ipinagtanggol din ni Jennica si Alwyn tungkol sa isyu na kesyo nagiging "bad influence" o B.I. ang young actor sa kanya.

"Alam n'yo, sa totoo lang, kawawa naman si Alwyn. Yung sa B.I., ano lang, nakakalungkot kasi naakusahan siya ng ganoon. Siyempre, kaibigan ko rin yung tao. May pakialam din talaga ako sa kanya. So, nakakalungkot marinig na nagiging B.I. siya sa akin, kasi hindi naman siguro. Hindi talaga... Actually, hindi talaga!" diin ng young actress.

Dugtong niya, "Like ako, sa trabaho, kahit gaano ako kapuyat, nai-inspire niya ako. In fairness to him, napapasaya niya ako. Kung gaano ako napapasaya ng kapatid ko, gano'n. At saka alam mo yung kapag wala kang trabaho, nandoon ang barkada mo, tapos nandoon din siya. Ang saya lang.

"At saka, magtu-twenty-one na po ako. Alam ko na kung ano ang tama at mali. Ganoon po yata talaga. Dadaanan ko yun at kailangan kong daanan yun. Like yung first heartbreak ko, ganoon talaga...makakarami pa po akong heartbreak. Ine-expect ko na yun.

"Like my mom, di ba, yung mommy ko, gaano siya ka-strong ngayon? Dahil po yun sa lahat ng experience niya sa buhay. So ako, gusto ko, kahit anong problema pa 'yan, sige lang, ibato n'yo lang. Kasi, sure naman ako na hindi Niya ako bibigyan ng problema na hindi ko kayang lusutan. I'm sure, I will learn from it."

Itinanggi rin ni Jennica ang napabalitang dinalaw niya si Alywn sa shooting nito ng indie film na Pendong sa Nueva Ecija. Ayon sa report, galing sa pictorial sa Makati ay dumiretso na raw si Jennica sa Nueva Ecija.

"Hindi, hindi nga po ako nagpunta," sabi ng dalaga. "May pinuntahan kaming shooting niya, barkada kami dahil malapit yun sa Commonwealth, sa bahay naming lahat. Palagi kong kasama sina Dominic Roco, palagi ko silang kasama, si Maxene Magalona. Kasi ang nangyari, lahat kami sa Commonwealth. Tapos, ang taping ni Alwyn, sa Circle lang. E, naglo-longboard kami, di ba? Ang sarap mag-longboard do'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In love ba siya ngayon?

"Hindi ko naman po itinatanggi sa inyo na masaya ako," sagot ni Jennica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN