Geoff Eigenmann on Carla Abellana: "May understanding kami na... I guess MU nga."

IMAGE 0


"Hindi kasi namin pinag-uusapan, e. Basta we're happy being together, wala kaming pakialam kung ano ang iniisip ng mga tao about us. What we have hindi naman kami nagsisinungaling, pinapakita naman namin and we're very honest about things," says Geoff, who recently went to the US with Carla to put on a show for their Stateside fans.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Geoff Eigenmann noong Miyerkules, July 21, sa taping ng Sine Novela Presents Basahang Ginto sa 19th East Bar sa Alabang.

Kadarating lang nila ni Carla Abellana mula sa Amerika para sa show ng GMA Pinoy TV doon.

"Umalis kami Friday, so we arrived doon Friday night and then we left Monday, July 19, so three days doon, but we were gone for five days. We went sa LA, sa Anaheim, we stayed at Knotts Berry Farm and that's where the show was.

"We were with Jay-R, si Steven Silva, si Annamarie Julaton the boxer, then kaming dalawa [Carla]. First time niya [Annamarie] sumama, hindi naman siya kumanta or something pero pinakilala siya tapos hinarana siya ni Jay-R," kuwento ni Geoff.

Panalo sa ratings ang Basahang Ginto sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7, maging sa abroad.

"Very unexpected kasi bigla, e, bigla yung surge namin and from ano, balita namin the people in the States yung mga nanonood doon, yung mga Kapuso doon, number one din daw ang Basahang Ginto there...

"Lahat ng taong nakikita namin, they were calling us as 'Danny' and 'Orang,' walang Geoff and Carla. Kilalang-kilala kami."

MUTUAL UNDERSTANDING. May balitang sinagot na raw siya ni Carla sa States.

"Ha? May ganun? Wala, walang ganun... Nakikita naman kami ng mga tao, e. Though we're not together, hindi naman namin itinatago kung anuman meron kami, yung closeness namin, hindi namin itinatago which is siguro parang ganun na nga kami, people perceive us na together.

"But kami we really don't want to put a label on things, masaya kami ngayon and we want to keep it that way."

Hindi sila mag-MU [mutual understanding]?

"May understanding kami na... I guess MU nga. Hindi kasi namin pinag-uusapan, e. Basta we're happy being together, wala kaming pakialam kung ano ang iniisip ng mga tao about us. What we have hindi naman kami nagsisinungaling, pinapakita naman namin and we're very honest about things."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May arrangement ba sila na hindi manliligaw si Geoff sa ibang babae at si Carla naman ay hindi magpapaligaw sa ibang lalaki?

"Wala namang arrangement, hindi naman sa arrangement, no. Ako, for me, personal choice ko yun na not to go out with anyone else. 'Papakita ko talaga yung intentions ko na para sa kanya talaga, not with anyone else, na I'm serious about this."

TIME WITH DAD. Naisipni Geoff na siguro, kaya napagkamalang may relationship na sila ni Carla ay dahil nang magkita sila ng amang si Michael de Mesa ay lagi ding kasama si Carla. "'Pag umaalis kami magkasama kami, kasama din namin siya [Carla]."

"Matagal na silang magkakilala, actually before pa Rosalinda days, and when my brother got married." Yun din daw ang huli nilang pagkikita ng ama, na naganap last February.

Sa Irvine na naninirahan si Michael, isang oras ang layo sa Los Angeles. Sa isang ambulance provider siya nagtatrabaho. "Parang private medical facility siya na kunyari magka-emergency ka, instead of calling 911, kasi it's for everyone, you can call them and they will send you an ambulance," paliwanang ni Geoff.

"Tapos he also teaches classes sa mga... who wants to study nursing in the States, nagtuturo siya ng CPR [cardiopulmonary resuscitation], ng medical stuff."

Hindi na ba mag-aartista ang dad niya?

"Hmmm, hindi naman sa totally hindi na. Meron naman kaming conversations na sinasabi niyang minsan nami-miss niya ang show business, na parang gusto niya na, 'I wanna try it again,' ganun...

"It's in his blood, e, ever since bata siya ginagawa niya... 'Tsaka minsan may times na naiisip niya na... lalo na nung mag-isa siya dun, na, 'Nabo-bore ako dito, wala akong nagagawa, trabaho lang nang trabaho!'

"But now he's okay, he's very happy now. Naka-adjust na siya compared to the first year he was there."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FASHION ENDORSER. Ang bagong development sa career ni Geoff ay ang pagiging endorser niya ng Folded & Hung.

Papayag rin ba siyang magkaroon ng sexy billboards para sa fashion brand katulad ng ginawa ni Sam Milby?

"Yeah! I think ganun... With what you see sa Folded & Hung billboards now, I think the peg of mine will be that way also, so... hindi pa ano, but the contract has been signed pero wala pang pictorial."

Nilinaw niya na hindi naman raw niya pinapalitan si Sam.

Endorser rin si Geoff ng Hanford underwear. Ibig sabihin ba nito'y ready na siyang rumampa sa isang fashion show na naka-underwear lang?

"I guess if I have to do it. Dati ko pa namang sinabi na pictorial or whatever for Hanford game ako talaga, but it hasn't happened, e, hindi pa nangyayari so I'm just waiting."

THE YOUNG EIGENMANNS. At present, sa younger batch ng mga Eigenmanns, si Geoff ang pinakasikat sa mga lalaki, at si Andi Eigenmann naman sa mga babae.

"Hindi ko na iniisip iyon, na ako ang pinakasikat sa amin, kasi it was never a topic among us na magpipinsan or anyone in the family. We all had our own time, hindi naman kami sabay-sabay na pumasok sa show business.

"Like si Ryan started ever since before, bata pa lang siya. Si Gabby delved more into singing and hosting. Yung younger brother ko si AJ he tried it before sa Click, 'tapos ako time ko ngayon.

"Siguro nagsasabay lang ngayon kami ni Andi but she's with ABS and iba naman dito sa GMA."

Ano ang reaksyon ni Geoff sa pag-arangkada ng career ni Andi?

"I'm very, very happy for her kasi sobrang unexpected, e. Kasi sa aming magpipinsan, kami nung bata pa kami si Andi siya yung tahimik, very ano, very poised. Tapos yun nga last year she was very game for it [showbiz]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman namin from Geoff na nag-audition pala noon si Andi para sa Rosalinda, na eventually ay pinagbidahan nila ni Carla. Noong panahong iyon, sabi ni Geoff, "[Andi] was really trying to lose weight, nagpapayat talaga siya nang todo-todo, nag-workshop."

Kung natuloy si Andi sa Rosalinda, siguradong hindi si Geoff ang kukuning Fernando Jose.

"Hahaha! That would have been weird!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN