Vicki Belo on Charice Pempengco: "I think she's perfect the way she is."

IMAGE 0


"Wala akong ginawang surgical procedure kay Charice. Facial lang at saka thermage ang ginawa namin sa kanya para lumiit yung face niya. Tinatanong na nga ako ng lahat kung ginawa ko ba ang ilong niya, ni-lipo ko ba siya? Wala... wala akong gagawing ganoon," said the beauty mogul whose botox procedure on Charice Pempengco (left) became an international issue.


Nakapanayam ng Startalk si Dra. Vicki Belo sa binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana noong July 18. Hindi siya nakaabot sa seremonya sa simbahan kung kaya't sa reception na ito dumating.

Kuwento ni Dra. Belo nang sabihan daw siya ni Paolo na magnininang siya, "Sabi ko, Pao, baka ako ang oldest ninang for a baby. Kasi, palagi na akong nagwe-wedding ninang. Hindi na ako nagbe-baby ninang. But I said yes. Siguro they'll get married in three years, kapag puwede nang flower girl si Xonia."

Umamin naman si Dra. Belo na gusto na rin daw niyang magkaroon ng apo.

"Si Quark [Henares, her eldest son na isang director], yung girlfriend niya five years, nag-break. Tapos si Cristalle [Henares], eight years, nag-break. E, I was already counting on married, di ba?"

STILL IN LOVE WITH HAYDEN. Mag-isa lang na dumating si Dra. Belo sa binyag. Hindi nito kasama ang rumored boyfriend pa rin na si Hayden Kho Jr.

"The reason I'm involving his life I think it was not healthy. Although ako, ang gusto ko, palaging yung guy na kasama ko, involved sa business life ko. It's part of the alaga of me.

"Mahal ko yung tao talaga, as in mahal. Kahit mag-asawa pa yun ng iba or may ibang girlfriend, palagi kong sinasabi, 'Just tell me, okay lang sa akin. Honestly, that's all I ask, 'wag mo namang itago, there's no reason.'"

Pero, kakayanin ba niya kung magkaroon nga ng ibang girlfriend ito?

"Masakit pero... I miss him. Pero, ganoon talaga ang buhay."

Bukas, July 26, itutuloy ng Pasig City Regional Trial Court ang kasong isinampa ni Katrina Halili laban kay Hayden. Sinamahan ni Dra. Belo si Hayden sa unang hearing. Sasamahan niya ba ito uli bukas?

"Hindi na 'ko pupunta dahil sabi nga niya, iniisip niya, kapag nag-testify siya, he wants to say nothing but the truth. And he doesn't want to worry kung nakaupo ako ro'n, baka masaktan ako or something. So, nakiusap na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEAUTY ISSUE. Nilinaw rin ni Dra. Belo ang naging international issue na beauty enhancement na ginawa niya kay Charice Pempengco para sa napipintong paglabas nito sa hit U.S. TV series na Glee. Marami ang nag-react sa paggamit niya ng botox sa mukha ni Charice dahil napakabata pa raw ng international singer para kailanganin ito.

Paliwanag naman ni Dra. Belo, "Kaya ko lang ginawa yun, kasi, gusto ko lang lumiit nang konti ang mukha niya, binotox lang namin nang konti dito. Kasi, masyado siyang nagtsu-chew ng bubble gum."

Napag-alaman naman daw ng Startalk sa isang source na may bruxism si Charice. Ayon sa Wikipedia, "bruxism is a sleep disorder characterized by the grinding of the teeth and is typically accompanied by the clenching of the jaw."

Ang depensa ni Dra. Belo, hindi naman daw surgical procedure ang ginawa niyang beauty enhancement kay Charice.

Aniya, "Wala akong ginawang surgical procedure kay Charice. Facial lang at saka thermage ang ginawa namin sa kanya para lumiit yung face niya. Tinatanong na nga ako ng lahat kung ginawa ko ba ang ilong niya, ni-lipo ko ba siya? Wala... wala akong gagawing ganoon kasi I think she's perfect the way she is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN