Diether Ocampo is happy for Kristine Hermosa and Oyo Sotto

IMAGE 0


"Sino ba naman ako para hadlangan yun, di ba? Alam ko naman na magiging maganda ang pagsasama nila. 'Andito lang naman ang mga tao sa paligid natin para mag-wish din sa kanila ng magaganda, di ba? Marami na ang nangyari, tapos na. It's a new chapter," says Diether Ocampo about the upcoming wedding of former girlfriend Kristine Hermosa and Oyo Sotto.


Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang makabuluhang pagdiriwang ni Diether Ocampo ng kanyang kaarawan noong July 19, Sabado, sa pamamagitan ng outreach program ng Kabataang Inyong Dapat Suportahan (KIDS) Foundation. Mahigit isang libong mga bata ang dumalo sa Bacolor Covered Court sa Pampanga at nabiyayayaan ng school supplies from Star Paper, backpacks from Pizza Hut, at mga pagkain.

Ani Diether, "Lagi ko lang inaasam na sana makagawa pa rin ako ng magagandang proyekto para naman makabawi naman ako dun sa mga naitulong sa akin ng mga kasamahan ko sa industriya, di ba?

"At siyempre, para mapasaya pa rin natin ang mga kababayan natin. Na-realize ko kasi lately nung umikot kami sa ibang bansa dahil dinala kami ng TFC [The Filipino Channel], we were able to meet a lot of Filipinos na nagtatrabaho sa ibang bansa, imadyinin n'yo, ang layo ng pinagtatrabahuhan nila pero dahil sa mga napapanood nilang mga palabas natin, mga teleserye, mga pelikula, lalo na kapag na-meet mo sila personally, parang gumagaan ang pakiramdam nila dahil siyempre, malayo sila sa pamilya nila."

Diether's actual birthday is July 19.

WHERE IS RIMA? Hinanap ng PEP ang girlfriend ni Diet na si Rima Ostwani dahil last year ay kasama niya sa ganitong event, pero kapansin-pansin na wala ito this year.

Paliwanag ni Diet, napakaraming proyekto ng KIDS Foundation at maraming pagkakataon naman daw na kasama niya ang girlfriend. Nataon lang na hindi ito nakasama nang araw na 'yon.

"Makakasama natin sila, kasi sobrang dami ng proyekto ng KIDS Foundation. At hindi ko naman kaya itong mag-isa, kaya lahat sila sa KIDS Foundation ay nakakasama ko, hindi lang si Rima," sabi ng aktor.

Matatandaang napabalitang break na sila ni Rima kamakailan, pero itinanggi na ito noon pa ni Diet saying na okay naman ang relasyon nila.

KRISTINE-OYO WEDDING. Inurirat din si Diet kung wala pa bang wedding bells soon para sa kanila ni Rima, since ang dati niyang pinakasalan na si Kristine Hemosa ay napapabalita ngang ikakasal na next year kay Oyo Sotto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para namang minamadali n'yo ako!" natatawang sabi ng 34-year-old actor. "Ako naman, e, madali namang pasukin 'yan. Pero gaya ng sinabi ko, sa dami ng responsibilidad ko bilang isa sa mga nagtaguyod ng KIDS Foundation, parang ang dami ko pang gagawin. Yun naman, e, pinaplano nang maigi. Pero definitely, we'll let you know pag ano."

Ano ang reaksiyon niya sa kasalang Kristine-Oyo?

"Siyempre, masaya naman ako para sa kanila. Sino ba naman ako para hadlangan yun, di ba? Alam ko naman na magiging maganda ang pagsasama nila. 'Andito lang naman ang mga tao sa paligid natin para mag-wish din sa kanila ng magaganda, di ba? Marami na ang nangyari, tapos na. It's a new chapter," sabi ni Diet.

Pupunta ba siya kung sakaling maimbitahan siya sa kasal nina Oyo at Kristine?

"Medyo busy ang schedule natin," ani Diether, na ikinatawa ng kanyang mga kausap. "Hindi, hindi naman. Siyempre, ayaw naman nating pangunahan 'yan. ako, I'd rather na dito na lang, ayaw naman nating makagulo. Hayaan na natin. Kumbaga, maging masaya na lang tayo para sa kanila."

Reregaluhan ba niya si Kristine sa wedding?

"Pagpe-pray na lang natin na lalo pang gumanda ang kanilang pagsasama," sambit ni Diether.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN