Carla Abellana squashes rumor pitting her against Marian Rivera

IMAGE 0


"Wala akong sinabing kahit ano, wala akong sinabing kahit ano about Marian. Nagulat na lang ako na 'eto, ngayon lang kakasabi lang sa akin na may isyu daw. Sabi ko, 'Saan nanggaling yun?' Sabi daw sa...ewan ko kung may nagsulat, na sabi ko daw, yung career ni Marian hihigitan ko,'" says Carla Abellana about rumor pitting her against fellow Kapuso actress Marian Rivera (inset).


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng afternoon soap ng GMA-7 na Basahang Ginto sa Alabang, Muntinlupa kamakailan. Dito ay napag-usapan namin ng female lead ng soap na si Carla Abellana ang napapabalitang away diumano nila ng kapwa Kapuso actress na si Marian Rivera.

"Ayan, may nagsabi nga sa akin. Sabi ko, umalis lang ako ng tatlong araw, meron na palang ganun," reaksiyon ni Carla, na kararating lang mula sa show nila ng kaparehang si Geoff Eigenmann para sa GMA PinoyTV sa Knott's Berry Farm sa California.

Patuloy ng young actress, "Wala akong sinabing kahit ano, wala akong sinabing kahit ano about Marian. Nagulat na lang ako na 'eto, ngayon lang kakasabi lang sa akin na may isyu daw. Sabi ko, 'Saan nanggaling yun?' Sabi daw sa...ewan ko kung may nagsulat, na sabi ko daw, yung career ni Marian hihigitan ko.'

"Wala akong sinabing ganun," diin ni Carla. "Kahit kailan hindi ko mahihigitan ang career ni Marian Rivera. Kasi yung kanya, ilang taon niyang pinaghirapan yun. Blessings lahat yun na natanggap niya. So siyempre, ang blessings, hindi naman 'yan eksaktong nangyayari sa tao."

Hindi raw ugali ni Carla na magsasalita ng gano'n sa kapwa niya artista.

"Kaya nga, dyusko! Not even close to what she has achieved. Hindi ko alam, wala talaga akong sinabing ganun. At malayo pa, malayung-malayo pa!" natatawang sabi niya tungkol sa agwat ng career nila ni Marian.

Bakit kaya may ganung intriga na lumalabas?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Siguro para to create noise for the shows that we're doing, for Basahang Ginto and Endless Love. Hindi ko alam."

AVOIDING INTRIGUES. Bukod dito, tahimik naman ang buhay-showbiz ni Carla. Isa nga siya sa mga artistang hindi masyadong pinuputakti ng eskandalo at intriga.

Paano siya nakakaiwas sa intriga?

"Hindi, kasi ang intriga po, sabi ko nga before, ang intriga kahit anong iwas mo, mangyayari't mangyayari talaga because no matter how nice you are to the people around you, may maglalabas talaga ng issues para lang magkaroon ng noise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sabi ko, okay lang yun as long as I know I'm doing well, and I'm doing good to others. At least, alam ko ginagawa ko yung part ko para maiwasan ang mga intriga kasi siyempre nasa sa artista din 'yan, di ba? Yun lang naman," saad niya.

DREAM LEADING MEN. Halimbawang sa next project niya ay hindi na si Geoff ang kapareha niya, sino ang pipiliin niyang maging susunod na leading man? Sino ang top three choices niya?

"Si Dennis Trillo kasi I've worked with Dennis, sa Lovebug. Tapos may TVC [for Nescafe] po kami ngayon at saka sa StarStruck din dati.

"Two? Si Mark Herras! Si Mark Herras kasi hindi pa ako nag-aartista, nag-workshop kami under Direk Joel [Lamangan, direktor din ng Basahang Ginto], naku, the best na siya sa class naming umarte talaga!

"Number three, si Mark Anthony Fernandez. Tagal 'na 'yan, e, legend na 'yan. Magaling na siya, legend na ang galing niya kahit bata pa lang siya," pag-e-enumerate ni Carla.

Sa Kapamilya network, may tatlong choices din si Carla.

"Si Piolo Pascual at si John Lloyd Cruz. Parehong mahuhusay, sobra, di ba?" sambit niya.

Nasa list din ni Carla si Jake Cuenca. "Before, dapat nagkatrabaho na sana kami sa movie, sa Nieves, hindi nga lang natuloy," banggit niya.

Kasama si Carla sa cast ng Mamarazzi, ang 50th anniversary presentation ng Regal Films na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN