Glaiza de Castro gets Louis Vuitton bag from Diva co-star Regine Velasquez

IMAGE 0


"Masarap siyang kasama, masarap siyang katrabaho, hindi dahil namimigay siya ng mga bags o kung ano man, pero dahil napakabait niyang tao at magaling makisama," says Glaiza de Castro (in photo) about Regine Velasquez.


Isang Louis Vuitton bag ang "appreciation gift" ni Regine Velasquez sa co-star niya na si Glaiza de Castro nang magpatawag ng intimate dinner ang Asia's Songbird sa kanyang bahay. Ito ay para sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang pinagsasamahang kantaserye sa GMA-7, ang Diva.

Sa Diva, si Glaiza ang gumaganap bilang Tiffany, ang mahigpit na karibal sa career at pag-ibig ni Melody (Regine). Sa madaling-salita, si Glaiza ang kontrabida sa buhay ni Regine sa kantaserye. Pero sa totoong buhay ay nananatiling fan ang young actress ng Asia's Songbird.

Ikinuwento ni Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press people, sa thanksgiving presscon ng Diva last Friday, July 23, ang ginanap na intimate dinner sa bahay ni Regine at ang pagbibigay nito ng mamahaling regalo sa kanya at sa iba pang cast members.

"That time, nagpahinga ako kasi we're supposed to go to Iloilo. Kaya lang hindi ako nakapunta dahil nagkasakit ako. So, buong araw, nagpahinga lang ako sa bahay. Tapos medyo hesitant pa 'ko pumunta. Kaya lang nahihiya ako kay Ate Reg, and parang malapit lang naman pala yung bahay niya from my house. So, pumunta kami, sabay kami ni Chariz [Solomon]. So, kain-kain, ganyan-ganyan.

"Maya-maya," patuloy ni Glaiza, "lumalabas si Ate Reg with a big paper bag, na LV. Tapos parang ako, 'Ha? Sa akin?' Parang gano'n. Hindi niya sinabi na, 'Glayz, for you,' yung gano'n. Parang ibinigay niya lang na walang salita. Tapos siyempre hindi ako makapaniwala. Yung mga tao pala, alam na nagbigay na si Ate Reg bago pa ako pumunta kasi sila meron din, e. Parang kami, meron din, terno-terno tayo.

"Parang hindi ako makapaniwala... Emotional ako kasi I've never thought na someone would give me a bag na ganito ka-expensive. Alam mo yun, parang hindi ako makapaniwala... Gano'n kalupit, gano'n siya kalupit!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro ng PEP sa kanya, dahil sa nangyari ay malamang na sa next teleserye ni Regine ay gugustuhin niyang makasama ulit sa cast.

"Siyempre," sambit niya. Pero paglilinaw niya rin, "Hindi ko naman ine-expect na, alam mo yun? Parang masarap siyang kasama, masarap siyang katrabaho, hindi dahil namimigay siya ng mga bags o kung ano man, pero dahil napakabait niyang tao at magaling makisama."

SHOWDOWN WITH REGINE. Bagamat maganda ang kanyang boses, hindi nakilala si Glaiza bilang isang singer kundi bilang isang aktres. Kaya paano niya kinaya ang mga showdown nila ni Regine sa Diva na birit kung birit?

"Siyempre, hindi talaga ako makasabay," sabi niya. "Aaminin ko talaga, nahihirapan ako pag nagre-recording ako, yung nabibigla na lang, 'Ha? Kakantahin ko 'yan?' Parang, 'Wait lang, puwedeng huminga muna ng konti?' Pero kailangan, e.

"Dahil din sa Diva, na-push ko yung sarili ko na kumanta nang maayos, kumanta ng hindi ko talaga range. Nung sinabi nga ni Ate Reg... Kasi meron kaming kinanta na 'This Is My Now' 'tsaka 'Pangarap na Bituin.' Sabi niya, 'Oy, kakantahin natin 'yan sa Party Pilipinas.' Sabi ko, 'Po? Kakantahin natin? Medyo hindi po ako sigurado kasi mataas po yun 'tsaka ano po, live. Okay lang po kung recording.' 'Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan.'

"Tapos po, ilang weeks ko kargo yun, e. Nung time na sinabi niya sa akin, inisip ko na talaga, until dumating yung moment na 'yon, di nag-practice na kami ganyan-ganyan and parang she felt na kinakabahan na ako. Sabi niya, 'Glayz, suportahan kita,' ganyan-ganyan. Parang pinalakas niya yung loob ko. 'Kaya mo 'yan. Basta huwag mo lang isipin na mataas, kaya mo 'yan.'"

Ano ang pakiramdam na siya ang itinapat kay Regine Velasquez sa Diva?

"Hindi ko nga rin alam kung bakit, e," natatawa niyang sabi. "Pero kapag nasa eksena na kami, automatic na, Tiffany mode. Pero pagka-cut, nando'n pa rin ako sa... Kapag may mga eksena na sasabunutan ko siya, hindi ko tinototoo kasi comedy. 'Okay lang 'yan, batukan mo lang ako nang batukan.' 'Sigurado po kayo?' Para kasing ang hirap higitan, may gano'n, parang hesitant ka palagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero na-enjoy ko yung mga pagkamaldita ko dun, kasi maldita siya na parang baliw lang. Wala, and you're free to improvise, you're free to say and do whatever you want. Nagkakagulatan na nga lang kami sa eksena na ginagawa lang namin 'to, pero swak pa rin at nakaka-catch up lahat ng co-actors. Gano'n sila ka-eager din, gano'n din sila ka-passionate sa ginagawa nila, at gano'n nila kagusto kaya it comes out naturally, e."

SINGING CAREER. Nakapag-release na ng album noon si Glaiza. Ngayon ba pagkatapos ng Diva ay masasabi niyang she's a better singer?

"I don't think na magiging better singer ako. Siguro ano, parang driven ako na i-push pa yung singing career kasi iba talaga yung nararamdaman ko. Kumbaga, maraming artista ngayon, maraming pelikula, nagpapalit-palit. Pero yung mga singers, lalo na si Ate Reg, di ba, yung mga kanta niya before, until now pasok pa rin. Kapag kinanta mo, iba yung dating.

"And na-inspire ako na dahil sa show na 'to, na passion ko pala talagang kumanta. It's just that hindi ko pa na nakita o na-discover kung ano talaga yung dream kong kantahin. And now, na-discover ko yung mga gusto kong kantahin, like yung mga soul, yung mga R&B, yung mga alternative. Sinabi ko kay Ate Reg 'yon na hindi talaga ako marunong sa mga ballads."

Binanggit ni Glaiza na tutulungan daw siya ni Regine sa kanyang singing career.

"She's willing to help me na parang, 'Seryoso po?' Lahat na lang...parang di ako makapaniwala. Nakakatuwa kasi bago ako maging artista, gusto ko talagang maging singer. 'Tsaka sabi talaga nung mga magulang ko, 'Glayz, iba kapag ka kumakanta ka.' Sila rin kasi, singers."

So, magkakaroon na siya ng susunod na album?

"Sana, sana kasi ang sarap kumanta, e. Minsan doon ko talaga naibubuhos yung mga emosyon ko, e," sabi ni Glaiza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEXT PROJECT. May next project na siya pagkatapos ng Diva?

"Wala pa po sa ngayon. Pero meron pa naman akong Party Pilipinas, kumakanta rin ako dun, 'tsaka Laf En Roll," sagot niya.

Okay lang ba kung another kontrabida role na naman ang ibigay sa kanya?

"Ako, okay ako whatever yung ina-assign sa akin sa GMA. Whatever they give me, hindi ako tatanggi kasi, kumbaga, kapag nag-set ka ng limit, parang sinabi mong ayaw ko na nito. Maraming puwedeng pumalit sa 'yo, baka mamaya hindi ka na mabigyan ng projects. So ako, whatever opportunities na dumaan, kung ano mang projects, tanggap lang kasi nadi-discover mo rin sa sarili mo na kaya mo rin pala yung gano'n. Ang sarap sa pakiramdam."

What are your plans right now na wala ka pang definite projects. May balak ka bang magbakasyon or what?

MOVING TO A NEW HOUSE. Masaya ring ibinalita ni Glaiza na malapit na silang lumipat sa nabili niyang bahay sa may Commonwealth, Quezon City.

"Kasi nung bago pa lang 'tong 2010, goal kong makalipat. So, nakalipat na ako sa Q.C. Tapos, gusto ko ring makabili ng bahay. So, by the end of this year, lilipat na kami, magkakabahay na kami," excited na sabi niya.

Ilang bedrooms?

"Ilan ba yun...four?"

Ilang milyon ang bili niya sa bahay?

"Hindi ko pa alam, e. Si Nanay ang nakikipag-usap sa mga...siya yung lumalakad sa lahat."

Ano ang pakiramdam na meron na siyang sariling bahay?

"Ang sarap lang kasi ang tagal rin naming nag-rent, di ba? Bulacan kami. Ang gusto ko lang, Commonwealth o Q.C. lang, tapos ngayon parang lahat talaga natutupad," sabi ni Glaiza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN