Jhake Vargas and Bea Binene not out to compete with Joshua Dionisio-Barbie Forteza love team

IMAGE 0


"Mahirap nang makatapat ang team-up nila Barbie at Joshua kasi nandoon na sila... Sobrang established na ang love team nila. Kami ni Jhake, pasimula pa lang. Pero we are praying na makapantay lang kami sa popularity nila Barbie at Joshua," says Bea Binene about her love team with Jhake Vargas.


May bagong binuong love team ang GMA-7 sa katauhan nina Jhake Vargas at Bea Binene, na unang nagkasama sa First Time. Sila ang magkapareha sa bagong fantaserye na Ilumina, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, August 2.

Ang balita pa nga, sila ang ipantatapat sa tambalan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza. Pero ayon kina Jhake at Bea, hindi sila ginawan ng love team para kalabanin sina Barbie at Joshua. Magkakaibigan daw silang lahat at ayaw nilang mag-clash ang kanilang mga tagahanga.

Sabi ni Jhake, "Okey lang po yung may love team kami ni Bea, pero it doesn't mean na kami na ang magiging katapat nina Barbie at Joshua. Magkakasama kami before sa First Time at magkakaibigan kami. Mas maganda ang ganito na nagtutulungan kami para mapaganda ang mga shows namin."

Ayon naman kay Bea, nagsisimula pa lang ang love team nila ni Jhake, hindi tulad ng kina Barbie at Joshua na established na at may mga fans na sila dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

"Mahirap nang makatapat ang team-up nila Barbie at Joshua kasi nandoon na sila," sabi ng dating child actress. "Since Stairway to Heaven, Dear Friend, First Time, at ngayon sa Pilyang Kerubin, sobrang established na ang love team nila. Kami ni Jhake, pasimula pa lang. Pero we are praying na makapantay lang kami sa popularity nila Barbie at Joshua.

"Kumpara sa fans, mas marami talaga sa kanila. Kami ni Jhake, may mga nagsimula pa lang sa Facebook na supporters namin. Nakakatuwa nga kasi gusto nila kaming dalawa at susuportahan daw nila ang Ilumina. Kaya nagpapasalamat kami sa GMA-7 sa magandang project na binigay nila para sa team-up namin."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jhake at Bea sa press launch ng Ilumina noong Martes, July 27, sa Glass Garden sa Santolan, Pasig.

GETTING CLOSER. Parehong produkto ng GMA-7 shows sina Jhake, 18, at Bea, 13. Si Bea ay isa sa finalists ng Starstruck Kids noong 2004, samantalang si Jhake ay nagsimula bilang isa sa teen stars sa Walang Tulugan With the Master Showman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsisimula pa lang maging mas close nina Jhake at Bea. Madalas nga raw silang magkasama ngayon para mas maging pamilyar na sila sa isa't isa.

"Okey naman kami ni Bea. Since First Time naman, magkakilala na kami. I want to get to know her better pa kaya madalas na lumalabas kami with our friends," sabi ni Jhake

Paglilinaw naman ni Bea, hindi sila nagde-date ni Jhake dahil napakabata pa niya para sa bagay na ito.

Aniya, "Hindi naman date 'yon, e. Usual na paglabas lang with our friends o minsan ang family namin ang kasama. Gusto ko rin makilala si Jhake nang husto para na rin sa ikabubuti ng aming love team."

Ano ba ang mga katangian na gusto nila sa isa't isa?

Bea: "Si Jhake kasi, tahimik siyang tao. Hindi siya yung palakuwento. Hindi ko alam kung shy lang ba siya or ganyan lang talaga ang personality niya. Kailangan kulitin pa siya para magsalita or magkuwento. Pero kapag nagbiro naman siya, okey siya. Nakakatawa siya."

Jhake: "Si Bea naman, masayahing tao. Lahat ng mga nakasakubong niya, binabati niya at may ready smile siya kahit kanino.Yun ang gusto kong matutunan sa kanya kasi may pagkamahiyain pa ako. Siguro kapag matagal na ang loveteam namin, mahahawa ako sa pagiging ma-PR niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN