PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cesar Montano: "I don't have a problem with PAMI." PAMI: "Wala pa kaming dayalogo with Cesar."

Cesar is set to appear in a yet-to-be-titled sitcom.
Published Aug 2, 2010
Actor Cesar Montano says that all's well between him and the Professional Artists Managers, Inc (PAMI), following a reported misunderstanding with his manager, Norma Japitana, over his decision to ink a one-year exclusive contract with GMA-7.

Bagama't late na dumating ay nakahabol pa rin ang aktor na si Cesar Montano sa engrandeng book launching ng GMA Network, kaugnay ng 60 aniversaryo nito, na ginanap noong Hulyo 30, sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Maagang nagsimula ang pagdiriwang, dala na rin ng pagiging on time ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, na nagsilbing keynote speaker. Pati sina Vice President Jejomar Binay, Senator Bong Revilla at ilan pang panauhin ay na-late, dahil inakala siguro nila, gaya ng marami, na usual showbiz event ito na mali-late magsimula.

Si Cesar nga ay late na talaga. Tapos na ang talumpati ng Pangulo at ng mga bosses ng GMA-7, tapos na ang audiovisual presentation, at tapos na ang kabuuan ng maiksing programa. Maraming mga bisita ang nakaalis na rin nang dumating si Cesar, ngunit meron pa rin namang mga naiwang nagsasaya sa Rizal Ballroom ng hotel, partikular na ang ilang network bosses, staff, at mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang malaking karangalan daw para kay Cesar ang maimbitahan sa nasabing okasyon, na kabilang sa series of events na inilatag ng pamunuan ng estasyon kaugnay pa rin sa selebrasyon ng 60th anniversary nito.

"I'd like to congratulate everyone," bungad ni Cesar nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Of course, the big bosses—Atty. Gozon, Jimmy Duavit, Wilma Galvante, and the rest of the bosses, and, of course, the stars of GMA-7. I feel very, very proud to be back here again at makapagtrabaho naman ulit as a Kapuso."

Matatandaang pumirma si Cesar ng one-year exclusive contract sa Kapuso network noong July 15, matapos mamalagi ng tuloy-tuloy na sampung taon din sa bakuran ng ABS-CBN.

Kasama si Cesar sa cast ng bagong fantaserye na Ilumina, at may sitcom na rin na inihahanda para sa kanya.

"Pero wala pang certainty kung ano ang title," sambit ng aktor.

MOVING FORWARD. Naging kontrobersiyal ang pagpirma ni Cesar ng kontrata sa GMA-7 dahil, ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP, hindi ito direktang ipinarating ng aktor sa kanyang manager of 26 years na si Norma Japitana.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa sa reliable sources mula sa PAMI, nalaman na lang ni Norma mula sa pahayagan ang paglipat ni Cesar.

Sa isang separate interview na ginanap sa press conference ng Ilumina sa Glass Garden, Pasig City, noong July 27, ay inamin ni Cesar na hindi pa sila nagkakausap ng personal ni Norma: "Hindi ko pa talaga siya nakakausap and I will be very prejudiced if I say something na iniisip ko lang, na hindi naman galing sa kanya. I need to sit down with her. Kaya nga hindi ako nagre-react even do'n sa mga ano [write-ups], kaya palagi kong sinasabi, I need to talk to my manager first."

At dahil nga sa mga pangyayari, naghain si Norma ng reklamo sa Professional Artists Managers, Inc (PAMI) laban kay Cesar, ayon na rin kay Shirley Kuan, ang spokesperson ng PAMI at manager nina KC at Claudine Barretto.

Kumilos naman agad ang PAMI, ayon pa rin kay Shirley Kuan, na mas kilala bilang SK. Tinawagan ng PAMI si Cesar upang humingi ng dayalogo at makuha ang panig nito upang mabuo ang mga pangyayari. Hindi agad humarap si Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang July 29 article rito sa PEP, na-quote si Cesar na nagsabing tinawagan niya si June Torrejon Rufino, ang presidente ng PAMI, at sinabihan niya itong gusto muna niyang makausap ang kanyang manager bago humarap sa isang dayalogo.

Sa book launching, bilang followup, tinanong ng PEP si Cesar kung kumusta na ang isyu niya sa PAMI. Ngunit naging matipid ang aktor sa kanyang sagot.

"Okay na," tugon ni Cesar habang naglalakad patungo sa bungad ng function room. "Okay na. I don't have a problem with PAMI."

Sa ngayon, ayon sa presidente ng PAMI na si June Torrejon, hindi pa natutuloy ang dayalogo ng PAMI at ni Cesar at hindi malinaw kung matutuloy pa. Depende raw ito kay Norma, ang miyembro nila na siyang naghain ng reklamo. Sa ngayon, ay wala pa rin daw abiso si Norma sa PAMI kung nagkaayusan na sila ni Cesar.

Kaya, ayon sa spokesperson ng PAMI na si Shirley Kuan, ang sitwasyon ay nasa "status quo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ghostbusters
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Cesar Montano says that all's well between him and the Professional Artists Managers, Inc (PAMI), following a reported misunderstanding with his manager, Norma Japitana, over his decision to ink a one-year exclusive contract with GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results