Sa dalawang segments ng The Buzz nag-guest ang Megastar na si Sharon Cuneta kahapon, August 1. Una ay sa interview sa kanya ng anak niyang si KC Concepcion sa "KCX (KC Exclusive)." Sumunod ay sa "Straight From The Heart," kung saan silang dalawa naman ni KC ang in-interview ng The Buzz co-host na si Charlene Gonzalez.
KC INTERVIEWS SHARON. Sa interview ni KC, inamin nito na ninenerbiyos siyang makaharap sa isang panayam ang kanyang Mama Sharon. Kaagad nga niyang kinumusta ang kanyang ina.
"I'm okay," sagot ni Sharon. "A little bit under the weather but...ganun naman lagi bago mag-concert, di ba? Marami tayong iniisip. At saka yung panahon. So, I came down, naka-antibiotic pa ako."
Ang concert na tinutukoy ni Sharon ay ang Megadrama, na gaganapin sa August 7, Saturday, sa Araneta Coliseum.
Pinansin din ni KC ang pagpayat ni Sharon. Kaya nagpasikat pa ang Megastar sa pag-ikot para ipakita sa mga tao ang kanyang pagpayat. Tuluy-tuloy pa rin daw ang pagbabawas niya ng timbang.
"Yes, kinakain ko na lang ngayon ay salita, pride ko, yun na lang. Ang tingin ko sa iyo ay manok!" biro ni Sharon kay KC, sabay sabing 17.5 pounds na ang nawala sa kanya.
What's her motivation?
"My birthday concert [na taun-taong ginaganap tuwing January]. And my movie, coming movies," sagot niya.
Marami nga raw siyang projects na paparating.
"Yes, plenty-plenty. And I have two new shows. Well, Sharon, the present show, is going to be reformatted. So, we're going to have... I'll announce it siguro later. The other one is a surprise pa," pagbabalita ng Megastar.
LESSONS FROM MOMMY ELAINE. Napag-usapan din ng mag-ina ang tungkol kay Mommy Elaine Cuneta, ang ina ni Sharon at lola naman ni KC. Pambubuko ni KC sa kanyang Lola Mita—short for Mamita, Spanish word for lola, na siyang tawag ni KC kay Mommy Elaine—wala raw itong ginawa kundi hanapin si Sharon.
Sa tuwing dadalaw nga raw si KC sa bahay ng kanyang Lola Mita at magsa-shower, ang tawag sa kanya ay "Sha," at sasabihin naman ni KC, "Mita, si KC ako." Iniisip daw kasi ni Mommy Elaine na si KC ay si Sharon noong kabataan nito.
Kaya naman naitanong ni KC kay Sharon: Kumusta ang childhood niya kasama si Mommy Elaine?
"Same as me, nearly perfect, di ba? I would say that all the time," sagot ni Sharon. "My parents talagang treated me like a princess. At the same time, tinuruan tayo ng humility at saka service to others. Yung hindi lahat pangsarili. And then we loved to cook so much food and we're gonna bring it somewhere. We used to bring you, right? So, I've got the best of my parents. I just wished I was born when dad [the late Pasay City mayor Pablo Cuneta] was a little younger."
Bukambibig daw kasi ni Sharon kay KC ang lolo nito. Naitanong tuloy ni KC kung naging tunay na nanay ba si Mommy Elaine kay Sharon?
"Oo naman. There's like talaga, like lying down beside Mita. Di ba, ang bangu-bango ni Mita? Up to now, when your Mama touches you... Di ba, you were telling me that last night [July 31]?" sabi ni Sharon kay KC.
Kuwento naman ni KC, "Opo, kagabi kasi medyo masama yung pakiramdam ko. Humiga ako sa tabi ni Mama. Sabi ko, iba po talaga ang pakiramdam pag nanay n'yo na ang katabi n'yo."
Pagpapatuloy naman ni Sharon, "Si Mita, she came through for me many times in the past, na when akala mo baka ito yung magagalit siya o ano, biglang magugulat ka, siya yung cool na cool. Siya yung kakausap sa Daddy."
Pahayag ni KC, may lahi raw silang Katipunera, na sinang-ayunan naman ni Sharon. Ipinaalala pa nga ni KC ang ginawa ni Mommy Elaine sa tiyuhin niya na si Chet Cuneta, na ninong niya rin at the same time. Pinalo raw ni Mommy Elaine ng gitara sa ulo ang tito niya at lumusot ang ulo nito sa gitara.
"At saka tinutukan ng baril!" dagdag na kuwento ni Sharon. "Buhay pa naman! Si Tatay, cool na cool. Nung tinutukan ni Mita si Ninong, si Tatay din sa kabila naman. Ako lang yung tagapigil. Pero noong-noon pa yun. Ngayon, okay na si Kuya."
Nasundan pa ito ng rebelasyon ni Sharon noong panahong sila pa ng una niyang asawa at ama ni KC na si Gabby Concepcion.
"Sabi ni Tatay sa Papa mo, 'Pag may ginawang kalokohan ito, naku, ibalik mo na lang sa akin, huwag mong sasaktan.' Tapos, may kinuha sa ilalim ng kama. Meron siyang baby armalite. Sabi niya, 'Ako na lang ang babaril dito!'" sabay tawa ni Sharon.
Pero ngayon daw, wala na silang mga baril sa bahay. Bukod daw sa Valentine's gift ng dati niyang nakarelasyong si Robin Padilla noong 1991.
"Happy Valentine's, I love you...45. Alam mo naman si Robin, kaya nakulong... Wala nang mga baril!" natatawa pa ring sabi ng Megastar.
STRONG BUT SOFT. Sabi ni KC, inaakala raw ng mga tao na parang perfect na sila pagdating sa family life, sa lovelife, at maging sa career. Pero anong side ni Sharon ang hindi nakikita ng mga tao na probably ay namana or natutunan niya kay Mommy Elaine?
"Ay, pag anak na namin... Di ba, si Mita noon... nag-umpisa kay Lola Tisay, yung lola ko yun, mommy ng mommy ko. I think she was very well-known sa showbiz up to now. Noong nag-aartista pa si Tita Helen [Gamboa-Sotto, Sharon's aunt], 'yan ang may dala talagang kung anu-anong balisong. Mga mataray na very protective, tapos si Mama, ganun."
As a woman?
"As women, we're very strong. So, di ba, I always say we're very strong but we're also very soft? So, the strength comes out...and it's a kind of strength that's very quiet. Hindi naman tayo mga bungangera, di ba? Ang pangit nun. Pero pag kailangan, when you have to put your foot down, naturally meron tayong...we know how to stand up for ourselves. I taught you how to do that," sabi ni Sharon, na sinang-ayunan naman ni KC.
Dagdag pa ni Sharon, "Ibig sabihin, okay lang pag may pintas. Pero kapag medyo naaapi ka na at sobra na, sandali lang."
Nakikita raw ni KC na nagiging matapang at palaban ang kanyang Mommy Sharon kapag meron siyang pinagdadaanang pagpapahirap at wala naman siyang ginagawang masama.
"Oo, kasi ang nakakakilala sa inyo, kami," sabi naman ni Sharon. "Lahat ng worst and all. Ibig sabihin, lahat ng good and bad sides, hindi yung tingin namin perfect kayo. Nauuna nga kaming pumuna, e. Pag medyo may nasasabi o ginagawa sa inyo, kami yung nasasaktan. Kaya lang, mapasensiya ako."
PIOLO'S STATEMENT. Nagpasalamat din si KC sa ginawang pagtatanggol ni Sharon kaugnay ng intriga sa pagitan nila ni Piolo Pascual at ng anak nitong si Iñigo. Ayon sa lumabas na balita, isinulat daw ng anak ni Piolo na "b----" si KC sa Twitter account nito. (CLICK HERE to read related story.)
Sa presscon ni Sharon para sa kanyang concert last July 22, sinabi niyang hinihintay niya ang statement ni Piolo kaugnay ng isyung ito, na siyang ginawa naman ng aktor. Ayon kay Piolo, ni wala raw Twitter account ang kanyang anak. Nagpalipad na rin ito ng babala sa mga gumagamit sa pangalan ng kanyang anak, na isang minor. Baka kasuhan niya raw ang mga ito. (CLICK HERE to read related story.)
Sabi ni KC, "Mama, I want to thank you sa mga sinabi mo last week and every time na may nangyayari. Minsan, quiet ka lang, pero a lot of times talaga, nag-uusap kami ni Mama, minsan walang kibo 'yan, pinapalampas niya. Pero pag napuno na talaga siya at lahat, 'yan makikita n'yo sa The Buzz."
Tungkol sa isyu kay Piolo, sabi ni Sharon, "Ang pagkasabi ko is, parang Piolo has always treated KC with respect. And at this point, I know naman na it wasn't really Piolo or it's coming from Piolo. But I also understood... I mentioned this sa presscon, marami namang tao doon. Pagdating sa anak ko, hindi ko naman kailangan magplastikan sa ibang tao, kahit si Piolo siya, dahil hindi ko naman ikasisikat yun. Parang yung anak ko was... I'm just hoping that he says something also kahit alam kong naiipit siya siyempre. And he did. And I appreciate that. I saw him kanina sa ASAP. He came to my dressing room."
Ikinasiya naman daw ni Sharon ang paglalabas ni Piolo ng statement.
"I was very happy," sambit niya. "I was really glad for KC. I was also glad for Piolo kasi parang he stood up for her. I really appreciated that. At the same time, he protected his son na tama rin. But at the same time, sabi ko nga, 'Cristina, I didn't raise you all these years, I didn't make all those sacrifices for you...' okay lang yung pintas sa work... pero pag medyo nagiging personal na, and you don't know my daughter and she's not doing anything to anybody, parang, sandali lang. Because hindi ako nakikialam, e. Kahit anong isyu."
Ayon naman kay KC, "Hindi ko alam kung kailan magsasalita si Mama. I don't always expect na may always sasalo sa akin. Di ba, hindi mo naman ako pinalaki nang ganun? Hindi ako yung tipong, kahit anong gawin ko, okay lang nandiyan naman si Mama. Hindi niya ako pinalaki nang ganun. Minsan ako pa yung nagsasabi na, 'Ma, ano naman...' Sasabihin niya, 'Hindi. Ganyan-ganyan...' Hindi mo alam when she will step in."
KC'S FIRST SHOWBIZ CRUSH. Sa pagpapatuloy ng interview ay si Charlene na ang nagtatanong sa mag-inang Sharon at KC. At dito ay ibinuko naman ng Megastar si KC, na 11 years old pa lang ito ay may crush nang teen actor. Nang malaman ito ni Sharon ay pinauwi niya raw si KC mula sa school para kausapin ito tungkol sa isyu.
Noong una ay hindi agad maalala ni Sharon ang naturang pangyayari. Ang alam niya lang ay panahon ito ng Madrasta, ang 1996 movie niya sa Star Cinema. Hanggang sa ipaalala na nga sa kanya ni KC.
Kuwento ni KC, "Akala ko may emergency, namatayan kami or merong naospital. Talagang nagte-test ako, hindi mo alam yun, Mama, nagte-test kami. Nag-panic yung teacher. Sabi, 'Yung driver ng mommy mo nandiyan. Nagpaalam na siya sa principal.' Sabi ko, 'Why?' Pina-cut ako ng class para pauwiin. Tapos pagdating ko, 'Ano 'tong naririnig ko na may crush ka?'"
At sumabat na si Sharon, "Parang you were something like eleven years old. It's okay to have a crush on someone, pero hindi na yung ganito na nagtatawagan ba? Masaya ka!"
Ayon pa kay KC, meron daw mga kaibigan si Sharon na parang kinikilig na may crush na siya.
"Ayoko ng ganun, eleven ka lang. Pag tinutukso ka, dapat, 'Uy, hotdog ba o burger?' Ganun. Hindi yung ano."
Depensan naman ni KC sa ina, ganun lang daw talaga ka-protective ang Mommy niya.
PROTECTIVE MEGA. Tinanong naman ni Charlene kay Sharon kung saan nanggaling ang pagiging protective niya kay KC. Dahil ba ito sa pinagdaanan niya in the past na maagang umibig, nagpakasal, at nagkaproblema kaya ayaw niyang mangyari ito sa mga anak niya?
"I keep on telling you that since you were two years old. Oo, kasi two years old ka nung maghiwalay kami ni Papa [Gabby], e. Naku, anak, you know how much I love you. You know after all these things I've been through, if in the end okay ka, sa akin na lang ibigay ng Diyos yung dapat naka-set aside na dadaanan mong pain sa buhay mo. Sa akin na lang. Para it would all been worth it in the end for you," sagot ni Sharon.
One thing daw na na-realize ni KC nung lumalaki siya ay mas nakatutok ang kanyang ina sa lovelife niya. Natanong tuloy ni Charlene kung ano ang best advice na ibinigay sa kanya ni Sharon.
"Honestly, it could have worked. I think it worked for me," sabi ni KC. "Pero parang naging ano rin siya, e, maganda naman yung advice. But it's also something that I had to work on. Kasi masyado naman akong naging independent. What she told me was to make sure na kahit ano pang mangyari, ready ka kung sakaling kailangan mong magpalaki ng anak na mag-isa. Kung sakaling iwanan ka, kung sakaling maiwan kang mag-isa, alam mo kung ano ang gagawin mo at hindi ka magmumukhang kawawa."
LETTER FROM KC. Sumunod na bahagi ng interview ay binigyan ni KC ang kanyang Mama ng isang piggy bank bilang regalo at dagdag sa koleksiyon nito. Kasama rin ang isang hand-written letter mula sa kanya. Inayos din ni KC ang schedule ng Mama niya para makasama ito ng mga kaibigan niya sa pagpapa-spa sa abroad or even here sa Philippines. Halos lahat kasi ng close friends ni Sharon ay nasa abroad na.
Sabi ni KC, malaki ang kinalaman ng mga sulat sa buhay nilang mag-ina noong lumalaki siya. Hanggang sa naputol ito nang maikasal na si Sharon kay Senator Kiko Pangilinan, at naging busy na sila pareho sa mga career nila.
Kaya pinabasa ni Charlene kay KC ang nilalaman ng letter, with matching side comments pa from KC mismo.
"To my dearest Mama, this is my first letter to you in a long time. And I'd like to use this time to let you know how much impact you have in my life... Hindi ko kasi nasasabi sa kanya ito. Your letters to me growing up really build the confidence that I have with me now. Lahat ng ginagawa ko ngayon, Ma, kung hindi dahil sa mga sulat mo, hindi ko na siguro magagawa. I get so much strength from just a five-minute phone call from you. Hindi mo kasi ako tinatawagan, Ma, e," at dito na naging emosyonal si KC.
"Hindi kasi ako mahilig sa phone masyado. Only when I need it," sagot ni Sharon.
Pabirong sabi ni KC, "Hindi, may mga talk show naman. Guest ka na lang nang guest para makapag-usap tayo!"
Pagpapatuloy ni KC sa kanyang sulat, "When we talk, I can do anything and conquer the world knowing that I have you. Nothing and no one can take your place, Mama. I'm so proud of you and I love you with all my heart."
SHARON'S MESSAGE. Hiningan naman ni Charlene si Sharon ng message for KC.
Aniya, "Basta, like I always say, in the end, what's going to matter the most is that you are happy. And that, okay, you have to make your own mistakes but I hope that you listen. Ah, naalala ko na yung lagi kong sinasabi sa kanya noon—yung all you have to do is watch. All you have to do is remember all the times you found me crying over someone. And you don't have to go through all those things again. Just so you remember, I went through all of that. Para hindi mo na ma-experience.
"I will always be here for you. I will love you unconditionally. I will always be here to support. I will also be the one to tell you kung merong hindi magandang ginagawa ka or sinasabi. But I will always be there to try and fix what seems to be unfixable. And I will love you unconditionally. No matter what mistakes you may make in your life, I will be here with open arms to always take you back home."
At ang ultimate message ni Sharon for KC ay, "I hope you will marry someone like Daddy [Senator Francis "Kiko" Pangilinan], who's gonna fight for you, and stand up for you, and love you."
Nag-react pa si Sharon nang sabihin ni KC na it's all a matter of time, sa binanggit ni Charlene na maaga pa para pag-usapan ang kasal. Pero sinabi niya ring, "She's of age na." KC is 25 years old.
Proud na proud din daw si Sharon kay KC dahil sa dami ng achievements nito. At kailanman ay hindi raw siya binigyan ng sakit ng ulo at kahihiyan ng anak.