Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez can now look back at their young love with laughter

IMAGE 0


"Tama pala sabi nila, kapag nandiyan na, pagtatawanan n'yo na lang ang mga kabaliwan na ginawa ninyo. Noong nag-usap pa kami ni Mark after the interview, we were just laughing about everything. Para kaming mga tanga noon!" says Claudine Barretto about her past relationship with Mark Anthony Fernandez.


Hindi magkamayaw sa kakatili at pagkakilig ang fans na nasa studio ng Showbiz Central kahapon, August 1, dahil sa naganap na one-on-one interview ni Claudine Barretto sa kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez. (CLICK HERE to read related story.)

Pumayag si Claudine na ma-interview si Mark para matapos na raw ang kung anu-anong issue sa kanilang dalawa. Kung matatandaan ay nagkaroon ng sama ng loob si Claudine kay Mark nang hindi matuloy ang pelikulang gagawin nila sana para sa Viva Films at GMA Films.

Pero sa pagkakataong ito ay walang naging problema kay Claudine dahil gusto na rin niyang maging maayos ang lahat between her and Mark. Hindi raw malayong magkatrabaho silang dalawa dahil pareho na silang exclusive contract stars ng GMA-7.

RAYMART'S APPROVAL. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine pagkatapos ng televised interview niya kay Mark, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa kanyang asawa, ang aktor na si Raymart Santiago, dahil pinayagan siya nito. Ipinagpaalam daw niya ito nang maayos at nagulat siya na pumayag kaagad ang kanyang mister.

"Napakabait ng mister ko," sambit ng aktres. "Talagang hindi siya nagsabi ng hindi. Siya pa ang nagsabi sa akin na ituloy ko ang interview para matapos na ang anumang issues between me and Mark. Lahat naman ng mga ginagawa ko ngayon, I always ask Raymart for his approval. Like itong pag-host ko ng Showbiz Central, dumaan ito sa kanya, and he readily approved it.

"Gusto niya kasing mag-enjoy ako sa ginagawa ko and not worry about what he would think. And it just so happens na he likes what I'm doing in the show. Mahal ko talaga ang mister ko for being so supportive. Kahit na sinong babaeng may asawa will be proud to have such an understanding husband like Raymart."

NO COMMUNICATION. Inamin ni Claudine na may halong kaba ang muli nilang pagkikita ni Mark. Hindi raw alam ni Claudine kung kailan sila huling nagkausap ni Mark dahil bigla na lang daw sila nawalan ng communication. Nagkaroon sila ng relasyon noong 16 years old lang sila. Sina Claudine at Mark ay parehong 31 years old na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, hindi ko na matandaan talaga," sabi ni Claudine. "Marami na kasing nangyari noon sa buhay ko at sa buhay ni Mark. Hindi naging madali para sa aming dalawa noon. Marami ang against sa naging relasyon namin. It was really hard for both of us then dahil pareho pa kaming mga bata. Napaka-immature pa namin noon. Tapos, very emotional pa ako. Si Mark, he was so impulsive. Basta naisipan niyang gawin, gagawin niya. Tapos, all of a sudden, nawala siya. There was no closure between us and it was really left hanging for so many years.

"Until this day came na we are finally talking again. And tama pala sabi nila, kapag nandiyan na, pagtatawanan n'yo na lang ang mga kabaliwan na ginawa ninyo. Noong nag-usap pa kami ni Mark after the interview, we were just laughing about everything. Para kaming mga tanga noon!" natatawang sabi ng aktres.

Kuwento pa ni Claudine, nag-sorry si Mark sa kanya ng ilang beses after the interview. Sinabi naman niya na tapos na lahat ng 'yon dahil naging maganda naman ang epekto no'n sa buhay nila.

"I told Mark na he doesn't have to say sorry to me kasi may reason kung bakit nangyari lahat ng 'yon sa buhay niya. Ako na nagsasabi, na walang kasalanan si Mark sa akin. He was a very good boyfriend. Yung nangyari sa kanya noon, he was just confused at naligaw siya ng landas. Dala kasi 'yon noong kabataan namin. No one wanted it to happen, di ba?

"But now, look at Mark. He's one of the top leading men on television today at malalaking artistang babae ang pina-partner sa kanya. Happy ako that things went well for him, lalo na sa personal life niya. Alam ko na masaya ang married life niya. I wish him the best sa mga gagawin pa niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May dalawang anak na lalake si Mark sa kanyang misis na si Melissa Fernandez at isang anak na babae sa isang former non-showbiz girlfriend niya. Sina Claudine at Raymart ay may dalawa na ring anakā€”ang adopted daughter nilang si Sabina at ang anak nilang lalake na si Santino.

THE TATTOO. Idea ni Claudine na i-open up sa interview niya kay Mark ang tungkol sa tattoo na ipinalagay nila noong magkarelasyon pa sila. Nagpa-tattoo si Claudine ng 'fernandez' sa kanyang right ankle samantalang sa left ankle naman ni Mark ay pina-tattoo nito ang 'barretto."

"Isa 'yon sa mga kabaliwan namin noon! Naku, pinagalitan ako because of that!" malakas na tawa ni Claudine.

Dagdag niya, "I thought it was best for me to ask it, kasi 'yon ang naging controversy sa amin ni Mark noon. We were so young then, tapos nagpa-tattoo kami. Wala lang, naisipan lang talaga namin. Then, noong lumabas nga 'yon, marami na ang gumaya sa aming dalawa. Parang nag-start kami ng fad sa lovers that time.

"Pero yung sa akin, nabura na. I had it lasered noon pa, and it took years bago siya mabura. But you can still see little parts of it pa. Yung kay Mark, pinatungan na lang daw niya. It's just so nice to reminisce on it kasi nga pagtatawanan na lang namin."

FIRST BOYFRIEND. May binitawan na pahayag si Claudine during the interview na, if she would live her life all over again, si Mark pa rin ang pipiliin niya to be her first boyfriend. Ano ang ibig niyang sabihin doon?

"Everyone knew what Mark and I had before. Matagal na 'yon, and I feel na it's okay to talk about it. Noong time namin ni Mark, I felt that he was always there to protect me. He was a shoulder to cry on. And at that age, I never met anyone who made me feel so safe. Kaya nasabi ko, na kung uulitin ko ang buhay ko, si Mark pa rin talaga ang gusto ko na maging unang boyfriend ko because of the genuine care that he showed me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman dapat lagyan ng kung anumang malisya 'yon because tapos na 'yon, e. I am living my own life now and so is Mark. Tsaka, alam ni Raymart lahat 'yan. Kami ng mister ko, we don't keep secrets from one another. Ang mga tungkol kay Mark, alam niya lahat," saad ni Claudine.

Claudine is looking forward na raw na makatrabaho si Mark ngayong na-renew na ang friendship nila. Hinihintay na lang daw nila ang episode na gagawin para sa drama anthology niyang Claudine. At, hopefully daw, matuloy na ang pelikulang gagawin nila.

"Yun ang gusto ng marami," sambit ng 31-year-old actress. "Nagulat nga ako na buhay pa pala ang mga Mark-Claudine fans namin at dumating sila sa studio [ng Showbiz Central]. Request nila ay magsama na kami ni Mark sa TV at movies. I only did two movies with Mark. That was Pare Ko and Mangarap Ka. Parehong maganda ang mga pelikulang 'yon, at sana nga, if we reunite on the big screen, isang magandang love story ang gawin namin. So, siguro, hintayin na lang nila iyon kung kelan magagawa. But I feel na malapit-lapit na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN