FIRST READ ON PEP: Mr. M on Angelica Panganiban's silence: "What she has to say would be so compelling and devastating to Claudine's career."

IMAGE 0


At press time, Angelica Panganiban (in photo) has remained quiet despite the accusations hurled against her by Claudine Barretto. Johnny Manahan explains why Angelica has chosen the "path of silence."


Sa tumitinding away sa pagitan nina Angelica Panganiban at Claudine Barretto, marami ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon, ni minsan ay hindi pa naririnig ang tinig ni Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos lumabas ng mga akusasyon ni Claudine laban kay Angelica, naglabas ng magkahiwalay na pahayag sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang unang head ng Star Magic na si Johnny Manahan, o si Mr. M, bilang pagtatanggol kay Angelica.

Ikinukunsidera bilang isa sa pinakamalaking artista ngayon sa bakuran ng Star Magic at ABS-CBN si Angelica. Si Mr. M din at ang Star Magic ang kinikilalang humubog at nagpatanyag kay Claudine, na nasa bakuran na ng GMA-7 ngayon.

Sa unang text message ni Mr. M sa PEP, na lumabas noong August 25, ito ang maikli ngunit makahulugang pahayag niya: "Go Ahead! Sue, Claudine. Make our Day! Para bellum." (CLICK HERE to read related story.)

Kaninang tanghali, August 27, ay lumabas naman ang pangalawang statement ni Mr. M kung saan direkta niyang ipinagtanggol si Angelica kaugnay ng mga naglalabasang akusasyon laban dito: "She is feisty, irreverent, sometimes crude, but never a liar."

Saad pa ng star builder, "Whoever is behind the web of lies and falsehoods being spun in print, Twitter, and other media must be a very disturbed individual. I only hope this nonsense stops before it destroys the perpetrator." (CLICK HERE to read related story.)

Nagsalita na rin ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto, na nadadawit sa isyu. Itinanggi ng aktres na may kinalaman siya sa "gusot" ng dalawa. (CLICK HERE to read related story.)

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig na pahayag mula kay Angelica mismo.

PATH OF SILENCE. Pinaabot ng PEP kay Mr. M ang katanungan ng publiko kung bakit hindi pa naririnig si Angelica upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pamamagitan pa rin ng text message na ipinadala niya sa PEP ngayong gabi, sinabi ni Mr. M na ang tanging dahilan kung bakit hindi lumalabas si Angelica upang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon ni Claudine ay: "what she has to say would be so compelling and devastating to Claudine's career."

Ayon kay Mr. M, ito ang dahilan kung bakit pinili ni Angelica ang "path of silence."

Dagdag pa niya, "Angelica still has compassion for Claudine...."

Narito ang kabuuan ng ikatlong text message na ipinadala ni Mr. M sa PEP:

"The only reason Angelica has not come out to defend herself against Claudine's accusations is because what she has to say would be so compelling and devastating to Claudine's career. That is why she has chosen the path of silence. Angelica still has compassion for Claudine and rejects all the falsehoods attributed to her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN