PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eugene Domingo shows she's a real trouper after slight accident on Eat Bulaga! challenge

She even ends up the winner!
Published Aug 7, 2010
During the noontime show's "Keri Mo, Teh?!" segment today, August 7, which featured celebrity contestants Tuesday Vargas, Kakai Bautista and Eugene Domingo, the Mamarazzi and JejeMom star slipped on the balance beam and landed smack-dab on her chest. But this just got the comedian even more motivated as she ended up winning the fun event which included handling eels and spiders.

Hindi talaga maiiwasan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa mga live shows sa telebisyon.

Kanina, August 7, sa Eat Bulaga! sa GMA-7, celebrity contestants sa portion na "Keri Mo, Teh?!" sina Tuesday Vargas, Kakai Bautista, at Mamarazzi and JejeMom star Eugene Domingo.

Sa unang bahagi ng challenge, isang obstacle course ang sinabak ng tatlong female celebrities. Walang naging aberya ang unang challenger, si Tuesday, at ang pangalawa, si Kakai. Maayos ring nagawa ni Uge na sumuot sa sala-salabat na garter, obstacle course na mga goma ng sasakyan, ang pagbabaras (monkey bar), ang paghu-hula hoop, at pagpapaputok ng lobo sa pamamagitan ng pagbobomba ng air pump.

Pero sa sumunod na challenge, kung saan kinailangan na tumulay sa isang balance beam si Uge habang pinatatamaan ng malalaking bolang nakasabit, nadulas ang komedyana at bumagsak! Humampas ang katawan niya, partikular ang dibdib, sa balance beam.

Pero dahil good sport and real trouper talaga itong si Uge, mabilis siyang tumayo at tinapos ang challenge na kung saan nagbasag pa siya ng tatlong itlog at pinaghihiwalay ang mga pula sa puti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-45 points si Tuesday sa unang round, si Kakai ay naka-35 points, at si Eugene ay naka-40 points.

EELS. Sa sumunod na round ay maglilipat ang contestants ng mga buhay na igat (eel) mula sa isang aquarium papunta sa isa pang aquarium.

Nakaisang igat lamang si Tuesday na takot na takot humawak ng igat.

Si Kakai naman ay walang nailipat ni isang igat dahil sa takot at panay pa ang sigaw ng, "Hindi ko kaya, parang ahas!"

Si Eugene naman ay relaxed na relaxed na hinarap ang mga igat.

"Hindi po ako takot dito kung anuman ito, mas natatakot ako kay Mother Lily!" sabi ng komedyana sabay promote ng Mamarazzi na produced ng Regal Entertainment, Inc. ni Mother Lily Monteverde at showing na sa August 25 sa mga sinehan.

Nag-promote rin si Uge ng JejeMom na ipapalabas na sa Sabado, August 14, sa GMA-7.

"Kakainin ko kayo!" pagpapatawa pang sigaw ni Uge sa mga igat bago niya sinimulan ang naturang challenge.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapaglipat ng tatlong igat si Uge at pagkatapos ay kinausap pa ang mga ito at sinabihan ng, "I'm sorry, I'm really sorry!" habang hinihimas.

Sa second round, si Tuesday ay naka-45 points, si Kakai ay naka-35, at si Uge ay naka-60.

SPIDERS. Sa third and final round, ang challenge ay ang paghiga sa isang parang Styrofoam na inukit para humulma sa hugis ng katawan ng challenger.

At habang ini-spell ang salitang tarantula, deadly, caution, attack, at poisonous, tatlong malalaking gagamba ang nakapatong sa ibabaw ng bawat female celebrity challenger.

Maayos naman na nagawa ito ng tatlo at si Eugene nga, idinagdag pang i-spell ang mga salitang Mamarazzi, JejeMom at Eat Bulaga!, sabay sabing, "Number 1, Eat Bulaga!"

Sa third round, si Tuesday ay naka-100 points (total of 190), si Kakai ay naka-85 (total of 155 points), at si Uge ay naka-100 (total of 200 points).

Sa final tally ng scores, minus the violations (tulad ng pagsigaw o pagtili at maling pag-i-spell), nakakuha si Kakai ng total of 90 points, naka-150 points si Tuesday, at naka-190 points si Eugene, making her the winner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
During the noontime show's "Keri Mo, Teh?!" segment today, August 7, which featured celebrity contestants Tuesday Vargas, Kakai Bautista and Eugene Domingo, the Mamarazzi and JejeMom star slipped on the balance beam and landed smack-dab on her chest. But this just got the comedian even more motivated as she ended up winning the fun event which included handling eels and spiders.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results