Castmates turn presscon into lovefest for JejeMom star Eugene Domingo

IMAGE 0


Young stars Jennica Garcia, Chariz Solomon, Robert Villar and Carl Guevarra learn about professionalism, humility and how to throw a punchline from veteran funnywoman Eugene Domingo (in photo), while Wendell Ramos and Gelli de Belen say her brand of comedy can't be boxed. "At yun ang gusto kong matutunan," says fellow comic and avowed fan Bayani Agbayani.


Nagmistulang tribute para kay Eugene Domingo ang ginanap na presscon kahapon, August 6, sa 17th floor ng GMA TV Complex, para sa JejeMom. Inulan ng papuri si Uge ng mga kasama sa sitcom bilang isang tao at bilang isang katrabaho sa newest comedy show ng Kapuso network.

Ayon kay Jennica Garcia, "Masaya talaga ako noong nalaman ko pa lang na makakatrabaho ko si Ate Uge... Hindi niya talaga alam na sikat siya, na hindi niya pinapasok sa utak niya. 'Tapos may mga punchline, like sa amin ni Chariz [Solomon], marami siyang punchline na puwede niyang gamitin pero sasabihin niya sa amin para mas maganda yung eksena. Hindi niya aangkinin yung... siya na si JejeMom, ha, pero hindi... Ako mismo ay natutuwa at nabibilib kay Ate Uge."

Ang pahayag naman ni Chariz Solomon, "Bukod po sa pagiging matalino ni Ate Uge sa bawat bagay na ginagawa niya, sa little things po, yung detalye, detalyado po at pulido kasi yung brand ng comedy niya. So marami po kaming natututunan in the process...

"Ang pinakanatutuwa po ako na natutunan ko sa kanya is yung ugali po niya towards work... yung professionalism niya po. Kasi po alam po natin si Ate Uge, madami po siyang ginagawa, sobrang busy niya, siguro makakatulog siya nakaw lang. Pero yung dinadala po niyang working attitude po sa set namin... napakamasayahin pa rin, and nakikipagkuwentuhan pa rin siya sa amin, and madalas yung sa set po namin, yung standby area po namin sa isang location namin, napakainit po pero yung standby area niya po, sini-share niya po sa lahat...

"Napaka-down-to-earth niya po. Siguro po iyon ang pinakamagandang napulot ko kay Ate Uge."

HOW TO THROW A PUNCHLINE. Sinabi naman ni Robert "Buboy" Villar, "Siyempre po natutuwa po ako na nakasama ko si Tita Uge, nakasama ko po ang idol ko sa comedy at ang natutunan ko po sa kanya, mag-punchline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At sobrang bait, sobrang bait, wala na pong babait pa po sa kanya. Siya po yung parang mama, na ate, lahat-lahat, na tita, na lola, nasa kanya na po lahat. Talagang mahal ko po si Tita Uge kasi sobrang bait niya po. Nakikihalubilo pa rin siya kahit sa mga mababang tao sa set, kahit sa mga crowd."

Natatawang nag-react naman si Uge kay Buboy. "Lola talaga?"

Sinagot naman agad ni Buboy ng, "Hindi po, lahat-lahat na, yung parang ugali po na ate, mama, kasi po sobrang bait mo po, lahat ng kabaitan nasa 'yo na."

Sinuklian naman ito ni Uge ng papuri kay Buboy na tinawag niyang napakahusay na artista.

Ayon naman kay Carl Guevara, "Nung nalaman ko na kasama ako dito sa JejeMom, siyempre masaya ako, makakatrabaho ko si Ms. Eugene... Kahit alam kong may pagka-sitcom ito, kahit medyo nahihirapan pa ako, at least ngayon medyo natututunan ko kung paano ang pag-punchline dahil kay Ms. Eugene."

Nagpahayag rin ang leading man ni Uge na si Wendell Ramos ng paghanga sa kahusayan ng komedyana.

"Para sa akin, parang walang style si Miss Uge, e. Kaya siguro nagiging parang mas versatile siya... Kung ano lang yung dumating sa karakter niya na bibigay sa kanya, dun na lang siguro lalabas yung acting niya... Kung ano ang kinakailangang ibigay niyang range ng acting niya or ng gagawin niya, iyon lang ang binibigay niya, kaya nagiging maganda, hindi planado."

HER OWN BRAND OF COMEDY. Ayaw lagyan ng brand ni Gelli de Belen ang comedy in Uge. "Hindi masabing slapstick, hindi mo masabing kung ano. Kung ano yung ibigay sa kanya, iyon ang gagawin niya, so I think that's why si Uge ngayon is very successful kasi hindi niya kinakahon yung sarili niya sa mga klase ng gagawin niya. Dumadrama, kumo-comedy, humo-host. Kaya siya uso ngayon kasi kahit saan puwede."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Bayani Agbayani na isa ring mahusay na komedyante ay nagpahayag na fan siya ni Uge. "Isa si Uge sa mga hinahangaan kong komedyante noon pa man, alam naman niya 'yan, e. Lagi ko siyang nire-request na sana makasama ko at nung nalaman ko na kasama ako sa proyekto na 'to, nag-pray agad ako sa church. Pumunta agad ako sa church, nag-thank you ako...

"Ang natututunan mo dito kay Uge e kung papaano umarte ng very, very natural kasi iyon ang gusto kong brand ng comedy na matutunan din kasi hindi siya kumakawala sa karakter niya pero hindi siya pressured sa ginagampanan niya, iyon ang nakakatawa.

"So hindi na kailangan ng slapstick, hindi na kailangan ng sigawan. Kahit mahina lang ang boses niya at may sinasabi siya, maiintindihan mo at matatawa ka. Napakahirap na technique [ito] ng isang komedyante na ginagawa niya pero napaka-effective at iyon ang gusto kong matutunan."

Mapapanood na ang JejeMom simula sa Sabado, August 14, pagkatapos ng Kaya ng Powers, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN