Regine Velasquez says wedding celebrates what she and Ogie Alcasid already have

IMAGE 0


"Simula noong dumating siya sa buhay ko, naging sobra akong masaya. Kagabi lang, nanonood kami ng concert ni Miss Sharon Cuneta, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Parang gustong sumabog ng dibdib ko. I guess when you really, really love somebody that much, the mere presence ng tao na iyon makes you so emotional," says Asia's Songbird about her beloved.


Isang napakaespesyal na announcement ang inihayag ni Ogie Alcasid sa Party Pilipinas kaninang hapon, August 8, sa GMA-7.

Bago siya umawit, habang nakaupo sa tabi niya ang Asia's Songbird at girlfriend na si Regine Velasquez, nagsalita si Ogie.

THE ANNOUNCEMENT. "Bago ako kumanta, bago ko awitan ang aking pinakamamahal, meron lang akong gustong sabihin. Konting katahimikan lang po para marinig ninyong mabuti.

"Kamakailan po kasi, sa telebisyon, sa isang programa, ako po ay tinanong ng tungkol sa sitwasyon ko, sa annulment ko, at kung kami ba ay... kung ano pa ang gagawin namin.

"Hindi ko po masagot yung mga tanong na iyon dahil hindi pa tama yung panahon. At ipinangako ko po sa inyong lahat na 'pag okay na po at puwede ko nang sagutin lahat 'yan ay sasagutin ko. Ngayong araw na ito, tutuparin ko yung pangakong iyon.

"Kailangan ko lang pong ibigay sa inyo ang facts para tama. Yung akin pong petisyon sa annulment ko po, noong June 21 ay na-grant na po. At kami po, kasama ng mga abugado, ay inaayos na po naming lahat para masimulan ko na ang buhay ko kasama si Regine. Kaya bago po matapos itong taon na ito, si Regine Velasquez po ay pakakasalan ko."

At habang basag na ang boses dahil sa matinding emosyon at kaligayahan, patuloy pang sinabi ni Ogie, "Nagpapapasalamat po ako sa pamilya ni Regine, kay Mang Gerry, kay Mommy Tessie, sa mga kapatid niya. At sa mga fans ni Regine, sa inyong pang-unawa, sa pamilya ko, sa mga magulang ko, sa inyong pagmamahal.

"Hindi siguro namin maaabot itong point na ito kung hindi po kayo nagdasal, [kung] hindi ninyo kami ipinagdasal."

Bumaling naman si Ogie sa kasintahan na umiiyak na rin.

"Higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa 'yo, dahil muli akong lumigaya... Salamat po, salamat po. I'm very, very happy and I hope you're happy too, my sweetheart! I love you, honey, and I promise, you'll be the happiest woman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinasalamatan rin ni Ogie ang GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na gawin ang announcement sa Party Pilipinas.

"And I'd like to thank everybody, we ask for your prayers and also thank you, Lord, for all the blessings, for blessing our families, thank you!"

Matapos ito ay kumanta na si Ogie ng "Walang Iba," isa sa mga kantang ayon sa kanya ay isinulat niya na si Regine ang inspirasyon.

A CELEBRATION. Ayon naman kay Regine, wala siyang nakahandang speech kaya kumanta na lamang siya ng isang kanta na naglalaman ng pasasalamat niya kay Ogie, na sa kabila ng lahat, ng kanyang kakulangan at kamalian, ay minahal siya ng kanyang kasintahan, kaya mahal na mahal rin niya ang nobyong songwriter.

Sa pagtatapos ng show, ang naging pahayag naman ni Regine ay, "Actually for me, this wedding is parang celebration na lang ito, kasi parang simula naman noong dumating siya sa buhay ko, naging sobra akong masaya.

"Kagabi lang, kumakanta siya, nanonood kami ng concert ni Miss Sharon Cuneta, hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Parang gustong sumabog ng dibdib ko. I guess when you really, really love somebody that much, the mere presence ng tao na iyon makes you so emotional."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN