Jennica Garcia encourages dad Jigo Garcia to make showbiz comeback

IMAGE 0


"I don't think there's anything wrong with that," Jennica said when PEP mentioned spotting her mom Jean Garcia at The Fort Strip in Taguig City. "It's ok for her to have fun. Wala naman siyang asawa. Ang responsibilidad niya is kaming dalawa ng kapatid ko. At nandito rin naman ako para tumayong magulang para sa kapatid ko. Kumikita na rin ako."


"Si Papa, baka magbalik artista na," excited na sinabi ni Jennica Garcia nang kinumusta tungkol sa kanyang amang si Jigo Garcia na dating mainstay ng That's Entertainment.

"Actually, it was my idea. Sabi ko, 'Pa, why don't you go back to acting?' Sa totoo lang, aminin na natin na maganda at maayos ang pera sa pag-aartista pero madali din mawala kung hindi ka marunong mag-ipon. Pero sa estado ng tatay ko, e, sobra na siyang mature at ang dami niyang anak. Lima kami. Kung maging artista man siya ulit, malaking tulong iyon.

"'Saka ang dami niyang plano. He wants to bring us to Disneyland. He wants to go to Hong Kong with us. Mababaw lang. Pero malaking tulong ang trabahong ito para matupad iyon," pag-amin ni Jennica.

OTHER PLANS FOR JIGO. Kinumusta din si Jennica tungkol sa lagay ng kanyang ama na hindi nagwagi bilang councilor nitong nagdaang eleksiyon noong Mayo.

"Okay naman. Iniisip namin na may ibang plano si God. Pinagpe-pray na lang namin. Pero siyempre, pinag-pray namin na manalo din siya. And nung hindi, siguro, God has better plans. Maybe this is not just the right time. Natatanggap naman namin," sabi ni Jennica last Friday night, August 6, pagkatapos ng presscon ng JejeMom.

Dagdag pa niya, "Basta noong natalo, I made sure na laging 'andoon ako para sa kanya. Kasi siyempre mahirap, mahirap mag-campaign. Nakakapagod. And you have to make an effort for the people to like you. I am very sure na kahit papaano malungkot siya. Pero ngayon, masasabi ko na masaya na siya."

Balik muna sa pagiging barangay chairman si Jigo Garcia ng Barangay Doña Josefa sa Fourth District ng Quezon City kung saan nanunungkulan siya since 2002.

Natutuwa ring ikinuwento ni Jennica na nakabili na ng bagong sasakyan ang tatay niya. Naalala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento noon ni Jigo kung paano nagsisiksikan sa sasakyan ang mga anak niya tuwing lumalabas sila. (CLICK HERE for story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ford Everest daw ang bagong kotse, sabi ni Jennica. "Dati maliit lang ang sasakyan namin. 'Tapos tumitirik kapag umaakyat sa parking. Yung MOA [Mall of Asia], ang taas ng parking. Pero ngayon, hindi na. Feeling ko kahit na bundok pa iyan kakayanin. Malakas na din ang aircon namin. Ngayon, makakasama na din ang yaya at yung dalawang aso. Masaya na kami."

Nakakasama ni Jennica ang dad at mga kapatid niya tuwing Sunday sa church service sa Greenhills Christian Fellowship kapag nabibigyan ng pagkakataon ng schedule niya.

"If I don't have Party Pilipinas, if I don't have a mall tour, or any racket on a Sunday, I make it a point to go with him. Kasi usually, yung mga raket, sinasagasaan yung family time namin. Basta ako, kailangan hindi dapat makakalipas ng isang buwan. Imposibleng mangyari iyon."

Sinisiguro niya na nagkikita sila ng ama at least once a week.

"Hindi naman niya ako pagagalitan kasi yung mga kapatid ko, nakikipag-chat sa akin sa Facebook every night. Lagi kami nag-tsa-chat at nag-uusap. Kung hindi ako nakakadalaw, may mga problem na sila na, 'Ate, bakit ganyan? Bakit ganoon?' Siyempre, babawi naman ako at magdadala ako ng pasalubong sa kanila."

SHOWBIZ IS A BLESSING. Malaking bagay para kay Jennica ang showbiz at ang binigay nitong tulong sa kanyang buhay, lalo pa't natutulungan niya ang kanyang ina, si Jean Garcia.

"Sobrang blessing itong pag-aartista na ito. I wasn't even asking for this at wala sa plano ko talaga ang pag-aartista. As in, wala. 'Saka baka hindi ko natulungan ang mommy ko kagaya ng pagtulong na nagagawa ko sa kanya ngayon," sabi ni Jennica.

Hindi lang inaasahan ni Jennica na magiging ganito kaganda na ang kanyang career noong mag-umpisa siya sa 2007.

Pero nais niya na may mas mabuting kapuntahan pa rin ang kanyang pag-aartista. Isa na rito ay ang makapagpatayo siya ng isang school. Kung natuloy siya sa kolehiyo, gusto niya na maging teacher sa SPED (Special Education).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong bata ako, gusto ko na magkaroon ng sarili kong school. Aim high na. Yun talaga gusto ko, kung mangangarap ka na lang. Malay mo na marinig ni Lord. Kapag lagi mo pinagpe-pray.

Pero walang regrets si Jennica tungkol sa pagsali niya sa showbiz.

"Sana ten years from now, nakapag-ipon na ako nang sobra-sobra para puwede na ako tumigil. High school graduate lang ako. Hindi na ako nakapag-college. Kailangan matapos ko iyon.

"Kasi para sa akin, single mother yung mom ko, so feeling ko kahit sinong single mother, walang ibang gusto kundi makapagtapos ang anak niya. I want that feeling of happiness for her. And I want to make sure that it will happen. Puwede magtrabaho ngayon. Puwede kong pagsabayin. Pero mahirap. May rason ang lahat ng ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN