Boy Abunda dismisses report that Mariel Rodriguez has already married Robin Padilla

IMAGE 0


"Mariel is very special to me. We have a certain relationship that is very different, she's very close to me... I trust her and I don't think she will ever lie to me about something as important as marriage," says Boy Abunda (inset) about the rumored wedding of Mariel Rodriguez and Robin Padilla (main photo).


Bago pa man ang pagtatapat ni Robin Padilla kay Mariel Rodriguez on live TV—kung saan binigyan ng action star ang TV host ng diamond ring na nagkakahalaga diumano ng P1.2 million—hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon ang manager ni Mariel na si Boy Abunda tungkol sa balitang nagpakasal na raw ang dalawa at ang lahat ay palabas lamang para iligaw ang publiko. (CLICK HERE to read related story.)

"Bago pa man nag-umpisa yun sa Pilipinas Win Na Win!, narinig ko na yung tungkol sa singsing, pero hindi ko nabasa yun sa 'Net," sabi ni Boy habang kausap namin siya sa dressing room ng SNN last Wednesday, August 4. "Mayroon lang akong nagsabing kaibigan dito sa ABS na diumano'y nagpakasal nga si Binoe at si Mariel, and this was after mapag-usapan sa The Buzz yung sinasabi na diumano'y isang engagement ring.

"Sinabi ni Mariel, 'it's not an engagement ring.' At sinabihan ko siya na, 'Kung isusuot mo, ipaliwanag mo, sabihin mo sa akin ang kuwento. At kung ayaw mo namang pag-usapan, huwag mong isuot coz a ring is a ring.' Matagal na yung tsismis na nagpakasal daw ang dalawa, so tinawag ko si Mariel bilang manager. Sabi ko, 'Gusto kong malaman ang totoo, ikaw ba ikinasal ka na kay Binoe? Totoo ba ang usap-usapan at bulung-bulungan?'

"Hanggang nag-usap kami sa dressing room nang personal, sabi ko sa kanya, 'I wanna know.' Hindi sa hindi ako naniniwala kay Mariel, kasi siyempre, mayroon tayong kaba, may mga bagay na gusto mong nasiguro. Ipinatawag ko siya sa dressing room, nag-usap kami and she denied it.

"It's not something I think itatago sa akin ni Mariel," patuloy ng TV host-talent manager. "Hindi na ako papayag sa interview na ito, makikiusap ako sa iyo na 'huwag mo na muna akong kausapin' at ayokong magsinungaling. Humaharap ako dahil hinarap ako ng artista ko na hindi totoo na sila ay nagpakasal na. Hindi totoo na siya ay nag-asawa na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A SERIOUS THING. Ipinaliwanag din ni Boy na sa sagradong bagay tulad ng kasal sa mga Muslim, malaki ang partisipasyon ng ama ng babaeng magpapakasal. Wala raw kaalam-alam ang ama ni Mariel sa kumalat na balitang pagpapakasal ng anak.

"Pag ikaw ay pumasok sa isang marriage, kailangang handa ka," sabi niya. "Handa ka, meaning, pinag-isipan mong mabuti. Tulad ng kasabihan, 'Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa mo pag ikaw ay napaso.' Sa regular na pananaw, dapat itong pinaghahandaang mabuti.

"Isa pa, nung napabalita ang nasabing pagpapakasal, nag-comment agad ako na, di ba, pag ang isang Mulsim ay nagpapakasal, the marriage is between the groom and the father of the bride. Naka-attend na ako ng isang Moslem wedding. Kung yun ang pagbabasehan, wala dito ang tatay ni Mariel. At kahit alam natin na hindi na magkasama ang dad and mom ni Mariel, the father of Mariel is extremely protective of her. I don't think a marriage can happen without the knowledge of the parents."

TOO FAST. Hindi rin itinago ng TV host na kung totoo nga ang nasabing balita, siya ay nabibilisan sa mga pangyayari.

"Tama ka dun," sambit ni Boy. "Kumbaga sa bilis, yeah, napakabilis naman. I think ang pananaw ko diyan, in the context yung panahon, kung kailan kayo nagkakilala, kung totoo yung balita, napakabilis. At dun ka papasok, give it time, enjoy it, huwag kang magmadali. Pero ako, pinaninindigan ko pa rin ang aking opinyon, na hangga't maaari. Pero hindi ko ipagdidikdikan ang aking palagay sa buhay ng aking alaga. Buhay nila yun."

Nagkakilala sina Mariel at Robin nang mag-guest co-host ang action star sa Wowowee, ang pinalitang noontime show ng Pilipinas Win Na Win!, for two weeks last May 2010.

"Mariel is very special to me," sabi ni Boy. "We have a certain relationship that is very different, she's very close to me. Nung nabalita yun, nakikiramdam talaga ako, yung lukso ng dugo na, 'Mayroon kayang katotohanan ang balitang 'yan?' Parang nire-review mo yung instinct mo na, 'Ano kaya? Hindi.' I trust her and I don't think she will ever lie to me about something as important as marriage."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boto ba siya kay Robin para kay Mariel?

"Alam mo, wala talaga sa karapatan natin ang magsabi kung sino ang okay at kung sino ang hindi," sabi ni Boy. "Madalas kong sinasabi na ang relasyon ng dalawang tao, mayroong malaking bahagi sa relasyon ng dalawang tao ang kailanman hindi natin malalaman. Bilang kapatid, bilang manager, bilang manonood, at yung elemento na yun, yung espasyo na yun, sila lang ang nakakaalam.

"Ang puwede lang siguro nating gawin, mag-advise base sa mga karanasan natin from the past, base sa mga kuwento na narinig natin sa buhay, dahil mas nakakatanda ako kay Mariel. Pero ang mag-insist kung ano ang tama at hindi, hindi ko gagawin yun, ayoko.

"Ang parati kong sinasabi diyan, pag si Binoe ang pinag-uusapan, hindi ako objective dahil gusto ko siya bilang artista, bilang isang tao. So, napakahirap mag-comment. Mas madali sana kung hindi ko type o kung may di kayo magandang pinagsamahan. I mean, magpakatotoo lang tayo. But it's very, very hard for me to comment coz he's really a friend and he's really a nice guy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN