Anne Curtis on her lovelife: "I guess it's safe to say that I'm happy."

IMAGE 0


Anne Curtis reminisced on her failed relationship with In Your Eyes co-star Richard Gutierrez: "When you're that young kasi, sobra ka ring passionate. Iba when you have a young love kasi and medyo bagets kayo. Ang hirap nung time na 'yon tapos after nun, dun na ako nag-start na maging party girl. Dun ko nilabas 'yong pagka-depressed ko."


Bagama't maituturing na heavy drama ang joint movie project ng Viva Films at GMA Films na In Your Eyes, sinabi ni Anne Curtis na sa likod ng camera ay masaya at magaan ang samahan nila ng co-stars niyang sina Claudine Barretto at Richard Gutierrez.

Maraming eksena sa pelikula ang kinunan sa States, dahilan para magkaroon ng maraming bonding moments ang tatlo habang nagpapalipas ng oras o di kaya'y kapag walang shooting schedule.

Kaninang tanghali, August 10, sa isang solo press conference na ginanap sa Greenwich, SM North Edsa sa Quezon City, ay masayang ikinuwento ni Anne ang ilang memorable moments na naranasan niya habang ginagawa ang pelikula.

Isa sa mga nabanggit ni Anne ay ang panonood ng live NBA bastketball game sa Staples Center na siyang homecourt ng eventual back-to-back champions na Los Angeles Lakers.

For the first time ay nakita na rin ni Anne ang Venice Beach na matatagpuan din sa California. Madalas raw kasi na nasa downtown L.A. si Anne every time bumibisita siya roon, kaya hindi niya nadadaanan ang Venice Beach.

SOLIDIFYING THEIR FRIENDSHIP. All throughout the trip ay kasama ni Anne ang ex-boyfriend at co-star na si Richard sa pamamasyal.

Bagama't nanatiling magkaibigan matapos ang kanilang past romantic relationship, inamin ni Anne na nakatulong ang paggawa nila ng pelikula para muling pagtibayin ang kanilang samahan.

"Hindi naman kami nagkabalikan," paglilinaw agad ni Anne. "More than anything, ang magandang lumabas dito sa shooting is that we were able to cover all bases again ang nakapag-catch up kami sa isa't isa."

Naging very open din si Anne nang mapag-usapan ang kanyang past with Richard.

"Ako 'yong nag-end," prangkang pahayag ng aktres nang tanungin kung sino ang tumapos ng kanilang relasyon na napabalitang umusbong noong taong 2004.

Hindi siyempre naging madali para sa dalawa ang mag-move on. Sinabi ni Anne na matagal-tagal din bago sila naging kumportable sa isa't isa tuwing magkikita sa mga social events at functions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre 'yong first meeting namin after ng breakup, hate ko siya," dagdag ni Anne. "Pero after a year, dun lang kami naging okay, tapos napagtatawanan na lang namin 'yong immaturity namin before, 'yong mga away namin, 'yong mga ginagawa namin noon."

Ano para sa kanya ang most endearing trait ng dating kasintahan?

"Ang hindi ko makakalimutan kay Richard, even before tuwing mag-aaway kami, he'll always make an effort to make it right. Naalala ko before, pagkauwi ko sa pintuan, may flowers and may sorry note, 'yong mga ganun. He's very sweet and thoughtful that way."

SUPPORTIVE NEW BEAU. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin direktang inaamin ni Anne kung ano ang tunay na estado ng kanyang relasyon sa Filipino-French businessman na si Erwan Heussaff.

Hindi naman itinanggi ni Anne dati na exclusively dating sila ni Erwan. Sa katunayan ay magkasama pa nga ang dalawa na nanood ng Bench denim at underwear fashion show na ginawa noong July 2 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

"I guess it's safe to say that I'm happy and I'd like to put him out of the showbiz world," matipid na sagot ni Anne tungkol sa kanyang "rumored boyfriend."

Hangga't maaari nga raw ay ayaw sana ni Anne na madawit sa intriga kung anuman ang meron sila ngayon ni Erwan: "He really stays out of the showbiz world and that's a good thing."

Bagama't well appreciated ni Anne ang pagiging supportive ni Erwan pagdating sa kanyang showbiz career, sinabi pa rin ng dalaga na hindi siya sigurado kung ano ang magiging dating kay Erwan once mapanood nito ang ilang torrid kissing scenes niya with Richard sa pelikula.

"Inasmuch as I want to say na suportado niya ako, kahit paano feeling ko baka magselos siya kasi all out kami dito sa movie," seryosong pahayag ni Anne. "Kahit naman ako if meron akong dine-date or I'm seeing someone tapos makita ko sa big screen pa na merong kissing scene na ganun, magseselos din naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN