PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Barbie Forteza reveals what she will miss most about Pilyang Kerubin

Barbie wants an action project for her next teleserye.
by Rose Garcia
Published Aug 13, 2010
"Malungkot kasi okay naman yung takbo ng istorya. Okey naman ang samahan namin dito. Masaya lang po kami sa set. Hindi ko rin po alam na kailangan nang tapusin," says Barbie Forteza about the imminent end of Pilyang Kerubin.

Malapit nang magwakas ang primetime series ng GMA-7 na Pilyang Kerubin, kung saan tampok si Barbie Forteza. Aminado ang young star na nalulungkot siya sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nila nina Joshua Dionisio at Elmo Magalona.

"Malungkot kasi okay naman yung takbo ng istorya. Okey naman ang samahan namin dito. Masaya lang po kami sa set. Hindi ko rin po alam na kailangan nang tapusin," sabi ni Barbie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Pilyang Kerubin sa Manila Zoo last August 11.

WHAT SHE WILL MISS. Ilang araw bago ang pakikipag-usap namin kay Barbie ay nagkasakit siya at isinugod siya sa hospital. Kaya biro namin sa kanya, baka overworked siya kaya siya naospital? Ito ay sa kabila ng Pilyang Kerubin lang ang show niya ngayon sa GMA-7.

"Hindi naman po!" natatawang sabi niya. "Kasi, yung fever ko po, on and off. Natakot po si Mama na baka dengue kaya dinala po ako sa St. Luke's. Pero negative naman po at tonsillitis po ang findings nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nararamdaman ba niyang overworked na siya?

"Siguro po, pero masaya naman po kasi ako kaya hindi ko po napapansin. Okey naman po ako," sagot ni Barbie.

Ano ang mami-miss niya sa Pilyang Kerubin?

"Yung pagiging pilya ng production. Yung pagiging maalaga nila sa akin at saka yung story po mismo."

Mami-miss ba niya ang kapareha niyang si Joshua?

"Opo, parang nami-miss ko yung kulit niya," sagot ni Barbie. "Kasi minsan, nakakaantok din po, siya lang ang gumigising sa akin. E, yun nga, nawala siya rito. Nasa ibang lugar siya, kaya yun, kailangang mag-adjust."

Since she portrays the role of an angel, ano ang naging impact nito sa kanya?

"Ano lang, kailangan mong matutunan na pagbayaran ang kasalanan mo. Like yun nga po, gusto mo rito sa lupa, so gumawa ka ng misyon."

THE NEXT ACTION HERO. Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Barbie kung ano ang susunod niyang project. Kaya magkakaroon siya ng chance na makapagpahinga bago simulan ang sinasabi na raw sa kanilang project na by September posibleng simulan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung si Barbie raw ang tatanungin, type niyang gumawa ng teleserye na mala-action ang tema.

"Hindi ko pa po kasi nagagawa yun, e. Napanood ko po yung Salt ni Angelina Jolie, ang ganda po. Gusto ko po ng ganoon, lalo na kung kaya pa ng buto ko!" natatawa niyang sabi.

Read Next
Read More Stories About
Barbie Forteza, Joshua Dionisio
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Malungkot kasi okay naman yung takbo ng istorya. Okey naman ang samahan namin dito. Masaya lang po kami sa set. Hindi ko rin po alam na kailangan nang tapusin," says Barbie Forteza about the imminent end of Pilyang Kerubin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results