PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carla Abellana confirms love team with Geoff Eigenmann will end with Basahang Ginto

Carla gets her feet wet in the movies through the comedy Mamarazzi.
by Rose Garcia
Published Aug 15, 2010
"Isang taon na rin kami ni Geoff nagwo-work together. Pang-apat na show na namin ang Basahang Ginto. [Pero] expected na namin na mapa-partner kami sa iba... Malay niyo, itong separation ay magbigay ng strength or something to make us grow. At least, professionally, di ba? Sa trabaho, tingnan natin," says Carla Abellana.

First movie ni Carla Abellana ang bagong comedy film ng Regal, ang Mamarazzi, na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Ironically, ang Regal ang masasabing isa sa unang naka-discover kay Carla pero bago siya makagawa ng movie, ilang TV shows sa Kapuso network ang nilabasan muna niya.

Para naman kay Carla, her first movie was worth the wait daw.

"Excited na nga akong makita yung movie. I play the role of Mimi in the movie, isa akong aspirant actress. Umiiyak ako na parang dramatic kasi nga, aspirant actress ako," masaya niyang kuwento.

Supposedly, may launching vehicle siyang uunahin. What happened to that?

"Sana po yung Nieves, kaso na-shelved. Pero dito sa Mamarazzi, Andi [Eigenmann] and I are introduced in the movie."

Hoping pa rin ba siya for a launching film?

"Hindi naman, not necessarily. Gusto ko sana, ayoko munang magkaroon ng lead ako. Gusto ko munang mahasa sa Regal bago ako magkaroon ng lead."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

AFTERNOON HIT. Masaya si Carla dahil sa magandang rating na naitatala ng kanilang afternoon series ni Geoff Eigenmann, ang Basahang Ginto.

"Sobra! Masaya. Hindi namin akalain. But we were confident in the beginning that people will really like it, for the story pa lang. Maganda yung story, e. Umpisa pa lang, alam ko na yung story. Nabasa ko na ang script. Alam ko na magugustuhan siya ng mga tao.

"Pero, hindi ko ine-expect na magiging number one siya, di ba, sa hapon? So yun, buti na lang, nagustuhan nila ang story."

Pang-apat na pagtatambal nila ni Geoff ang Basahang Ginto simula nang ma-introduce ang loveteam nila sa Rosalinda. Kaya ang tanong, kung sakali at sa movie naman sila subukan, feeling niya ba ay hinog na sila for the big screen?

"Sana... That would be nice if we will work on a movie together. Kahit naman yung hindi kaming dalawa lang. Kahit magkasama lang kami and with others, that would be nice, siyempre."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Honored naman si Carla na nagkaroon daw siya ng chance to work with Eugene Domingo.

"Ang galing! Hindi ka pupuwedeng hindi tatawa sa eksena. E, yung character ko pa naman dito, umiiyak. So, ang hirap na hindi tumawa sa eksena. Diyan mo makikita na natural sa kanya 'yan. Na hindi 'yan trabaho for her, but it's really who she is.

"It's her nature to make people laugh talaga. Ang galing! Doon mo malalaman na wala nang mas gagaling pa diyan."

END OF LOVE TEAM. Kinumpirma ni Carla na after Basahang Ginto, hindi na raw muna sila ni Geoff ang magka-love team sa next projects nila.

"Hindi na... abangan niyo 'yan. Hindi ko lang alam kung puwede nang sabihin, kasi nalaman ko lang din noong isang araw. Hindi ko pa nga alam ang title. Hindi ko pa nga alam kung anong genre. Si Geoff naman will be working with a different project, too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong pakiramdam na paghihiwalayin muna sila?

"Okey naman. Opportunity yun for me to grow. Na maiba naman. Na maragdagan ko ang skills ko as an actress. Para hindi naman si Geoff lang. Para mahasa naman ako sa isang artista rin."

Pero hoping pa rin si Carla na hindi yun ang end ng love team nila ni Geoff.

"Siyempre maganda rin siguro yung pahinga lang muna. Isang taon na rin kami ni Geoff nagwo-work together. Pang-apat na show na namin ang Basahang Ginto, pero alam naman namin yun. Expected na naming na mapa-partner kami sa iba. Part talaga yun ng trabaho."

On the personal side, ano na talaga ang real score sa kanila ni Geoff ngayon?

"Ganoon pa rin," nakangiti niyang sabi. "Malay niyo, itong separation e magbigay ng strength or something to make us grow. Kung meron naman, di ba, sasabihan ka namin. Pero maganda nga itong opportunity na mahihiwalay kami muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At least, professionally, di ba? Sa trabaho, tingnan natin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isang taon na rin kami ni Geoff nagwo-work together. Pang-apat na show na namin ang Basahang Ginto. [Pero] expected na namin na mapa-partner kami sa iba... Malay niyo, itong separation ay magbigay ng strength or something to make us grow. At least, professionally, di ba? Sa trabaho, tingnan natin," says Carla Abellana.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results