Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Krista Ranillo and her husband plan a bigger wedding in Manila

by Rommel R. Llanes
Aug 15, 2010
"Gusto talaga namin magkaroon ng isa sa Manila para lahat ng mga friends and family, and lahat ng friends even from the press and friends from showbiz, maka-attend naman sa aming very special day since hindi namin sila nakasama dito," says Krista, who has settled down with childhood sweetheart Jefferson Niño Lim, at an intimate ceremony attended only by family and close friends.

Private and intimate ang ginanap na Jewish interfaith wedding nina Krista Ranillo at Jefferson Niño Lim noong Linggo, August 8.

Childhood sweetheart umano ni Krista si Jeff na isang negosyante at chief executive officer ng isang supermarket sa Los Angeles

Walang saksi na media sa ginanap na kasal ng dalawa sa Hotel Maya sa Long Beach, California dahil pinagbawalan ang mga TV networks.

Sa phone interview kay Krista ng Startalk kahapon, August 14, ang unang tinanong kay Krista ay kung bakit tila biglaan ang kanilang pagpapakasal.

"Ha? Hahaha! E, pinlano na namin, itinuloy na rin lang namin, e. Kasi nga, ikakansel [sana] kasi nga nung nalaman lahat, parang ang dami siyempreng nagtampo, ganyan, na hindi na-invite.

"Kaya lang sinabi namin, since nandun na rin lang kami, itinuloy na namin kahit maliit lang yung wedding. Sabi namin next year na lang."

Ikinuwento ni Krista sa Startalk kung paano nag-propose si Jeff.

Continue reading below ↓

"Nasa bakasyon kami sa Sta. Barbara and then he just asked me. And of course I said yes, kasi nga very happy naman ako with him, ayun. We're really in love."

SECOND WEDDING. Ayon pa rin sa report ng Startalk, the church wedding was preceded by civil rites last July 14 in Norwalk, California.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Magpapakasal uli sina Krista at Jeff dito sa Pilipinas.

"Gusto talaga namin magkaroon ng isa sa Manila para lahat ng mga friends and family, and lahat ng friends even from the press and friends from showbiz, maka-attend naman sa aming very special day since hindi namin sila nakasama dito."

Kailan ang kasal nila sa Pilipinas?

Sagot ni ni Krista, "I think around November."

Hindi kinumpirma ni Krista ang balitang siya'y nagdadalang-tao. Itinanggi niyang nagkakaroon na siya ng morning sickness.

May tsika kasing by April 2011 ay may anak na sila ni Jeff. Basta ang sinabi ni Krista, pareho sila ni Jeff na April ang birthday.

Continue reading below ↓

"Two days apart ang birthday namin sa April. Siya 25, ako 27."

Read Next
Read More Stories About
Krista Ranillo
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Gusto talaga namin magkaroon ng isa sa Manila para lahat ng mga friends and family, and lahat ng friends even from the press and friends from showbiz, maka-attend naman sa aming very special day since hindi namin sila nakasama dito," says Krista, who has settled down with childhood sweetheart Jefferson Niño Lim, at an intimate ceremony attended only by family and close friends.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results