First movie ni Andi Eigenmann ang Mamarazzi ng Regal Films. Pero bago ito, unang nakilala ang anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil sa kanyang primetime series sa ABS-CBN na Agua Bendita.
"Sobrang saya ko!" bulalas ni Andi. "Kasi nga, I expected working in a movie is such a wonderful experience. And I just wish to do a lot more. Kasi, sobrang iba rin po talaga kapag pelikula. Iba rin po talaga ang pakiramdam, dating, vibes. Tapos, yung Mamarazzi specifically, working with awesome people like Tita Uge [Eugene Domingo], Carla [Abellana], Diet [Diether Ocampo], and si Sweet [John Lapus].
"Ang dami ko pong natutunan both kay Tita Uge at kay Direk Joel [Lamangan] kasi sobrang, you know, they are really good and well known in their own field. Tita Uge is one awesome actress na, you know, comedy talaga. Nandoon talaga ang pangalan ni Tita Uge and Direk Joel is such an awesome director."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Andi sa presscon ng Mamarazzi last Friday, August 13, sa Imperial Palace Suites.
May follow-up movie na rin si Andi after Mamarazzi sa Regal pa rin, ang Shake, Rattle and Roll XII para sa 2010 Metro Manila Film Festival.
JACLYN'S COMPLAINT. So far, sobrang enjoy raw si Andi sa mga nangyayari sa kanyang showbiz career. Pero bakit nga ba may mga isyung nagrereklamo ang mother niya?
"Ang dami nga pong nagsasabi na nagrereklamo ang nanay ko. E, yung gusto lang naman po ng mommy ko, maging masaya ako. So, kung hindi ako masaya, saka lang siya magrereklamo. E, masaya ako.
"Siguro it started noong matagal akong lumabas sa Agua Bendita, pero wala yun. Pagkatapos no'n, hindi na siya natapos. Pero okey lang 'yan. I mean, hindi naman natin mapipigilan 'yan. Basta kami ng mommy ko, kahit na [anong] mangyari, normal pa rin kami.
"Natatakot siya sa mga unusual. Kasi noong panahon niya, iba sa ngayon. Di po ba? Iba kasi ang panahon niya kaya hindi siya sanay. Siyempre, kahit naman sino, kahit wala ako sa showbiz, kapag umuwi ka ng umaga, kakabahan din ang nanay. Nakakanerbiyos on her part. But, she just let me be.
"I want her to visit me on taping and to be with me when I go out. But no, she doesn't want. Ayaw niya akong panoorin. Sa TV lang. 'Nakakatamad 'yan,' sasabihin niya. Di po ba, ironic sa sinasabi ko? Sabi nila, ang OA raw ng mommy ko. Pero kapag sinabi kong, 'Ma, bisitahin mo ko sa taping, kinakabahan ako.' Sasabihin niya, 'Kaya mo 'yan. Ayoko nang sumama.'"
Pinupuna ba ng mommy niya ang acting niya?
"Opo, kapag meron siyang masasabi. Pero, yun nga, my parents, they believe in me. And they know what I can do and they trust me enough to know that I can decide for myself. I know what to tell, what's good and what's bad. They raised me well. So, hindi nila ako kailangang i-monitor at gawing robot."
MISS INDEPENDENT. Nabalitang kumuha na siya ng sariling condo unit sa Eastwood, Pasig City. Nakalipat na ba siya? Living independently na ba siya?
"Indpendent na po ako, pero I'm still under her roof," sabi ni Andi, na tinutukoy ang kanyang ina. "Yung sa condo, ako ang bumili no'n, pero siyempre, mommy ko ang nag-aayos. Yung mga yun, itinuro sa akin ng mommy ko at ng daddy ko on how to be independent. Pero hindi ako puwedeng umasa nang umasa. Kailangang matuto rin ako on how to take care of myself and how to be mature and survive in this world alone."
Ayon kay Andi, kahit nakabili na siya ng condo, hindi pa rin naman siya aalis sa bahay nila.
"Hindi pa rin ako aalis sa poder ng nanay ko. Hindi ko siya iiwan. Kahit na sabihin nilang umalis na 'ko. Kahit si Kuya Ryan [Eigenmann, Andi's cousin], late na siya noong umalis sa bahay ni Tita Gina [Alajar], lahat kami ganyan. Love namin ang parents namin. Sa mga interview, inaasar niya [her mom] ako na, 'Sige, umalis ka na.' Pero alam ko naman na ayaw niya akong umalis!" natawa niyang sabi.
Bukod sa condo, nakabili na rin si Andi ng second car niya at house and lot sa Sta. Rosa, Laguna. Nakuha raw niya ang ipinambili niya from Agua Bendita and her endorsements.
TOMBOY. Hanggang sa September na lang ang Agua Bendita. Pero ang alam ni Andi ay may follow-up project na siya pagkatapos nito.
"Meron na po, pero inaayos pa po nila kung anong character," banggit niya. "Sana lang po sa gagawin ko, mate-test pa rin yung ano ko... Like sa Agua, I became my own stuntwoman, like swimming in the middle of the ocean. Jumping in some cliff."
Pero aware ba siya na posibleng dahil sa pagiging sporty or adventurous niya ay maisyu na tomboy siya?
"I heard about that. They said I was a tomboy. The definition of tomboy is cowgirl, boyish. Doesn't mean lesbian. No, that's too different thing," paglilinaw niya.
Sino naka-influence sa kanya ng pagiging boyish niya?
"I guess my six kuya and the neighborhood that I grew up with. Athlete talaga ako. And for me naman, lahat ng ginawa ko sa buhay ko, self-discovery. I tried them out because I want to know. No one pressured me. No one forced me. Everything I did in my life, I wanted to try out and my parents were really there to support me and guide me and be the one to tell me if it's okay or not."
DREAM LEADING MEN. Si Matteo Guidicelli na ka-love team niya sa Agua Bendita ay no-pansin daw sa kanya. Totoo ba ito?
"Hindi, a, close kami niyan!" tanggi ni Andi. "Love na love ko 'yang si Matteo. Nagi-guilty na nga ako kasi palagi ko siyang inaasar at niloloko. Sinasabi ng tao na hate ko siya, hindi po."
Nanligaw ba sa kanya si Matteo?
"Hindi po... Matteo and I are good friends," sagot ng 20-year-old actress.
Sino pa ang mga gusto niyang makapareha?
"Si Jericho Rosales," nakangiti niyang sabi. "Palagi ko pong sinasabi si Jericho kasi ina-admire ko talaga 'yan. Pero ngayon, dadagdagan ko na. Coco [Martin], ikaw rin! Si Coco rin. Kasi, magaling talaga siyang artista.
"E, never ko talagang naisip sabihin. Pero recently, sinasabi ko na. Kasi, friends na kami ni Coco, matagal na. Parang kapatid ko si Coco kaya never ko naisip to say him. Pero totoo, oo, gusto kong makatrabaho si Coco."
Bata pa lang daw si Andi ay kilala na niya si Coco. Close kasi ang aktor sa mommy niya dahil sa indie films na pinagsamahan ng dalawa, tulad ng Masahista at Serbis.
HANDLING HER SUCCESS. Tinanong ng PEP si Andi kung paano niya hina-handle ang success na tinatamasa niya ngayon? Nananatili kasing top-rating ang Agua Bendita at nakakagawa na rin siya ng pelikula.
"Actually, up to now, I'm aware of all the blessings that I've been receiving," sabi niya. "I know how big it is. The big opportunities that I am getting and I grab hold of it with responsibility. I know that I'll take care of it and I'll give my all as long as I can.
"But I don't know what's wrong with me, but I do not think... I can't let it sink in. I know how far I've come, but I don't see it as, 'Oh, my gosh!' So, I don't know if I deserve to be called as a star or a successful actress because I have yet to prove myself.
"Actually, I entered the industry not to be rich and famous. I entered the industry because I wanted to act. So, I'm not like... Yung ibang tao, di ba, sinasabi na yung mga artista raw lumalaki ulo or attitude problem dahil sa success.
"The thing is, how can I have the big head or attitude... I think I'm smart enough to not change. Siguro meron na kayong right na sabihing may attitude ako kapag nagkaroon na ako ng kasing dami ng awards ng mommy ko. Kapag naka-achieve ako ng ganoon. I'm not yet a star. I have to earn it. Agua Bendita became hot not because of me but the entirety of it," pahayag ni Andi.
