Kapamilya star Anne Curtis enjoys guesting on Kapuso shows

IMAGE 0


"It's good to be on neutral ground siguro. Wala akong bad blood with any of the network. Nakakapag-guest ako dito, host naman ako sa kabila. So, yun, nakakatuwa lang, and it's good to see old friends and faces here," says Anne Curtis about appearing on Kapuso shows to promote her latest movie.


Nilinaw agad ng Showbiz Central co-host na si Raymond Gutierrez na hindi magbabalik sa Kapuso network si Anne Curtis dahil biglang naging visible ang young actress sa GMA-7 shows. Bukod sa live guesting ni Anne sa Showbiz Central kahapon, August 15, ay live din siyang nag-guest sa Eat Bulaga! at Startalk last Saturday, August 14.

Ang pagpunta ni Anne, na contract star ng Viva Entertainment at ABS-CBN, ay may kinalaman sa promotion ng pelikulang In Your Eyes, na co-production ng Viva Films at GMA Films, ang film arm ng Kapuso network. Kasama ni Anne dito ang Kapuso stars na sina Claudine Barretto at Richard Gutierrez.

Sa "Intriga Crossfire" ng Showbiz Central ay sinagot ni Anne ang mga intriga sa kanya, now and before.

OYO-KRISTINE WEDDING. Ang unang nagtanong sa kanya ay si Pia Guanio. Ano ang initial reaction niya sa balitang magpapakasal na ang ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto kay Kristine Hermosa?

"Kasi, personally, I really don't know what the real score between Oyo and Kristine," sabi ni Anne. "But more than anything, if this happens to be true, then I'll be happy for him. Marami kaming pinagdaanan ni Oyo in the past. Siyempre, first love is first love. Yun, I'll just be happy for both of them."

Wala ba siyang napi-feel na tipong, "Ako naman kaya, kailan?"

"E, hindi pa siguro...hindi pa siguro. I know the time will come, but not yet," sagot ng young actress.

Ayon pa kay Anne, kung sakali man na maimbitahan siya sa kasal nina Oyo at Kristine ay pupunta raw siya. "Oo naman. If ever I'm invited, of course, I'll be there."

BREAKUP WITH SAM Ang tanong naman ni John "Sweet" Lapus sa kanya ay kung totoo ba na si Sam Milby ang nakipag-break sa kanya?

"A, this time around, hindi," nakangiting sagot ni Anne. "Alam naman ng lahat yun, di ba? It was something major before. Yun, but it's all in the past na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero totoo ba na noong nakipag-break si Sam sa kanya, ang ginawa raw na reason nito ay si God?

"Personal journey niya yun. Yes, but naiintindihan ko siya. Kasi parehas naman kami ng pinagdaanan noong time na yun. So, naiintindihan ko naman yung journey na pinagdaanan niya," sabi ni Anne.

LOVE OR CAREER. Ang tanong naman ng Showbiz Central guest co-host at co-star ni Anne na si Claudine Barretto ay kung nae-enjoy ba niya ang pagiging single niya ngayon at kung ano ang first priority niya this time: love or career?

"Actually, wala siguro akong pina-prioritize. More than anything, I'm just enjoying myself. And it's safe to say that I'm happy," nakangiting sagot ng Kapamilya star, na sinegundahan naman ni Claudine by saying that it shows naman because Anne is "glowing."

NEUTRAL GROUND. Ang isa sa pinakamalapit namang kaibigan ni Anne na si Raymond ay nagsabing in-offer daw dati sa aktres ang role na Darna at muntik na itong lumipat sa Kapuso network. Pero ayon kay Raymond, makikitang masaya naman si Anne sa Kapamilya network.

Pero ano ang feeling ng mga pagkakataon na nakakapagtrabaho pa rin siya sa Kapuso network?

"It's good to be on neutral ground siguro," sagot ni Anne. "Wala akong bad blood with any of the networks. Nakakapag-guest ako dito, host naman ako sa kabila. So, yun, nakakatuwa lang, and it's good to see old friends and faces here.

"Nag-enjoy ako. Nag-Eat Bulaga! ako kahapon, nag-Startalk. Tapos ngayon naman, nandito ako sa Showbiz Central. So, wala. I'm just happy that I'm still given the chance to guest here."

MOST DARING ROLE. Ang In Your Eyes na yata ang pinaka-daring role ni Anne ever. Paano siya na-convince to do the movie?

"Siguro kasi, in my roles that I've done in the past, I was so vocal that I want to do roles out of my comfort zone. Something that would be a challenge for me. So, siyempre, iba rin naman ang challenge na kasama ang Claudine Barretto, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, more than anything, this is a gift for me to be able to work with Ate Clau. And then, challenge na rin yung mga eksena. That's why I did it to take on the challenge. Meron ngang isang eksena, si Ate Clau, sabi niya sa akin, 'O, basta ha, kapag hindi ka kumportable, sabihin mo lang, ako na ang bahala. Makikipag-usap ako for you,'" kuwento ni Anne.

What was the most daring scene for her in the movie?

"Well, me and Chard, we have bed scene. But for me, the pinaka-daring and pinaka-sobra akong nag-alangan kung gagawin ko ba 'to was the thing na nasa jeep kami, tapos tumayo ako. Tapos, pumatong ako sa kanya [Richard] habang nagda-drive siya. Sobrang scared ako na parang, ready na ba 'ko to be able to do that on big screen?

"Tapos, sabi ni Direk Mac [Alejandre], aalagaan naman niya ako and he'll make sure it's in good taste. So, yun, natuwa naman ako sa lumabas. Tapos, yun pa ang nire-retake sa akin ng mga tao na, 'Gusto kong maging Anne Curtis, fun, spirited, spontaneous, out of the box.'"

RICHARD'S CALL. Kapansin-pansin na bagamat tatlo silang bida sa In Your Eyes, tanging sina Anne at Claudine lang ang nakikitang nagpo-promote ng pelikula. Ito ay dahil nasa liblib na lugar, sa ibang bansa, si Richard Gutierrez para sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown, ang reality show na hinu-host nito sa GMA-7.

Ayon naman kay Anne, kahit nasa Survivor si Richard, tumawag daw ito sa kanya para humingi ng sorry dahil hindi ito nakakasama sa mga promo nila at sa premiere night ng movie na ginanap kagabi, Aug. 15.

Pero sa Showbiz Central kahapon ay nakausap nila over the phone si Richard. May personal itong tanong sa dating girlfriend at ngayon ay isang leading lady niya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mga na-realize ni Anne while working with him in In Your Eyes?

"Yun, siguro it's safe to say na na-miss ko rin hanging out with you," sagot ng aktres. "And lalo na noong nasa States tayo, super nakapag-bond tayo and everything. So, yun ang mga na-miss ko. Nakita ko how you've grown into a man. Hindi ka na immature."

Hirit naman ni Richard kay Anne: "You're now a lady."

Follow-up na tanong naman ni Raymond kay Anne: Sa tingin ba niya ay okay na magkabalikan sila ni Richard or better off as friends na lang sila?

"Alam n'yo, pinag-usapan din namin ni Chard 'yan. It's better we're friends again. Siguro, given a different circumstance, baka puwede," sagot ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN