PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Arci Muñoz on rumored breakup of ex-boyfriend Kean Cipriano and Rachelle Ann Go: "Problema na nila yun..."

The StarStruck alumna will join Binibining Pilipinas next year.
by Rose Garcia
Published Aug 16, 2017 | Updated Aug 18, 2010
"As much as possible kasi, ayoko ring umasa sa kanila. I want to show them na kaya ko rin naman. Ayoko rin naman nang nasasabihan na, 'Ay, sumikat lang 'yan kasi kamag-anak niya si ganito,' di ba? At saka, ayaw rin naman nilang ipaalam na, yun nga, relatives namin ang head ng GMA-7," says Arci Muñoz about being related to GMA-7 executive Jimmy Duavit.

Nagulat ang young actress na si Arci Muñoz nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press tungkol sa balitang break na diumano ang ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano ng Callalily at ang singer na si Rachelle Ann Go. Ito ay sa kabila nang hindi kailanman inamin nina Kean at Rachelle ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

"Ha? Hindi ko naman na alam 'yan. Wala naman na akong alam diyan. Hindi na ako nakikialam," pag-iwas ni Arci nang makausap namin siya sa taping ng GMA-7 soap na Langit sa Piling Mo last Friday, August 13.

Biro sa kanya, baka bumalik sa kanya si Kean ngayong wala na si Rachelle?

"Hindi nga lumalapit sa akin, ayaw nga akong kausapin, babalik pa!" natatawa naman niyang sagot.

Pero sa seryosong tono, sinabi ni Arci na kung anuman ang meron sa pagitan nina Kean at Rachelle ay labas na siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Problema na nila yun kung anuman ang reason kung bakit sila nag-break. I don't consider myself being a part of it," aniya.

ANNABELLE'S TALENT. Nalaman din namin mula kay Arci na wala na pala siya sa poder ng GMA Artist Center. Nasa pangangalaga na siya ngayon ng talent manager na si Annabelle Rama at ng talent management nitong Royal Era.

Dahil dito, hindi lang siya sa GMA-7 napapanood ngayon kundi maging sa TV5.

"Like yesterday po, may guesting po ako sa show ni JC de Vera for his last episode na Five Star. Tinanong ko rin naman po si Tita Annabelle kung magkaka-conflict kasi dito naman talaga ako nag-start sa Channel 7. And my relatives din, they are head of GMA," sabi niya.

Ang tinutukoy na "relative" ni Arci ay walang iba kundi ang Executive Vice President at COO ng Kapuso network na si Mr. Jimmy Duavit.

"He's my uncle. He's my dad's cousin," banggit ng StarStruck 3 alumna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami tuloy ang nagsusog kay Arci na dapat daw pala ay sikat na siya ngayon lalo na kung gagamitin nito ang connection niya. Pero ayon sa dalaga, "Ayaw ng dad ko, e. As much as possible kasi, ayoko ring umasa sa kanila. I want to show them na kaya ko rin naman. Ayoko rin naman ng nasasabihan na, 'Ay, sumikat lang 'yan kasi kamag-anak niya si ganito,' di ba? At saka, ayaw rin naman nilang ipaalam na, yun nga, relatives namin ang head ng GMA-7."

BINIBINING PILIPINAS. Nabanggit din ni Arci na plano niyang sumali sa Binibining Pilipinas next year. Isa raw ito sa dahilan kung bakit hindi siya nako-convince na mag-pose for men's magazines tulad ng FHM.

"Magti-train na po kami. Mag-i-start po kami ng training ng September," sabi ni Arci, na ang tinutukoy ay ang mga kapwa niya GMA-7 artists na sina Bela Padilla, Rhea Nakpil, at Rich Asuncion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailan pa niya naisipang sumali sa Binibining Pilipinas?

"Yung makeup artist po ni Heart [Evangelista, Arci's co-star in Langit sa Piling Mo], siya yung nagpu-push sa akin na sumali. Kasi, yung mga last few years, hindi pa ako confident. Although, it's really my dream. When I was a kid, gusto ko po talagang sumali."

Twenty-one-years old na ngayon si Arci, kaya kung tutuusin, tamang-tama ang age niya for the beauty pageant.

"Noong 19 po ako, feeling ko, sobrang immature ko pa. Feeling ko, hindi pa ako ready," pag-amin niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"As much as possible kasi, ayoko ring umasa sa kanila. I want to show them na kaya ko rin naman. Ayoko rin naman nang nasasabihan na, 'Ay, sumikat lang 'yan kasi kamag-anak niya si ganito,' di ba? At saka, ayaw rin naman nilang ipaalam na, yun nga, relatives namin ang head ng GMA-7," says Arci Muñoz about being related to GMA-7 executive Jimmy Duavit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results