"Actually, as much as possible, I don't wanna comment about it. Anything na hindi masyadong masaya, quiet lang."
Ito ang naging sagot ni Claudine Barretto nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nababalitang away nila ng young actress na si Angelica Panganiban. Nakausap ng PEP si Claudine sa presscon ng In Your Eyes noong Martes, Agosto 17, sa Annabel's restaurant.
Hindi malinaw kung ano o kung tungkol ba saan ang pinagmulan ng kanilang away. May nagsasabing nagsimula ito nang magkaroon ng iringan sa pagitan ni Angelica at ng kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto. Pero kailan lang ay nagkaayos na ang dalawang Kapamilya stars. (CLICK HERE to read related story.)
Maging sa Twitter ay nagsasagutan din daw sina Claudine at Angelica, na nagkasama sa teleserye noon ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang (2008), ang huling proyekto ni Claudine bago siya lumipat sa GMA-7.
Ayon pa sa lumabas na reports, idedemanda raw ni Claudine si Angelica dahil sa mga sinasabi diumano nito laban sa kanya.
Pero hangga't maaari ay ayaw magbigay ng pahayag ni Claudine tungkol dito.
"I'm not gonna confirm or deny anything, but it's not needed sa pelikula namin bilang respeto kay Anne [Curtis] na rin. Pag hindi kailangan, huwag na lang," iwas ng aktres. (Si Anne ang co-star ni Claudine sa In Your Eyes).
Nang tanungin ulit kung totoo ngang may away sila ni Angelica ay ngumiti lang si Claudine. Ngiti lang din ang sagot niya sa iba pang mga katanungan tungkol sa isyu sa kanila ng Kapamilya actress.
Pero sa huli ay nagbigay rin si Claudine ng matipid na comment tungkol sa nararamdaman niya sa pangyayari.
"Hurt lang. Yun na yun," sabi niya.
Hanggang ngayon naman ay wala pa ring naririnig na pahayag mula kay Angelica tungkol sa diumano'y isyu nila ni Claudine.
DOING SEXY SCENES. Kapansin-pansin naman ang pagtindi ng love scenes ni Claudine sa pelikula, gaya na lamang ng mga eksena nila ni Richard Gutierrez sa In Your Eyes. Kahit madalang gumawa ng pelikula ngayon ng aktres, pag nabibigyan, isinasalang naman siya sa mga maiinit na love scenes.
Hanggang saan lang ba ang kaya niyang gawin pagdating sa mga ganitong mga eksena?
"As long as talaga na kailangang-kailangan ng character ko at role sa pelikula, gagawin ko," sagot ni Claudine. "But like to go sexy-sexy talaga, yung ganyan, hindi ko magagawa, e. Yun lang. Yung hanggang kaya lang ng age ko, kung ano ang hinihingi ng character ko. Pag nakita ko siyang hindi na siya tama, hindi naman ako papayag."
Sinabi ng 31-year-old actress na hindi nila pinag-uusapan ng asawa niyang si Raymart Santiago ang anumang love scenes, kissing scenes, o intimate scenes niya sa kahit na anong pelikulang ginawa niya o gagawin pa lang.
"Hindi. Hindi talaga," pagpapatunay ni Claudine. "Respeto na lang siguro bilang nakilala naman niya when I was doing Milan, when I was doing Kailangan Kita, when I was doing Nasaan Ka Man. Noong hindi pa kami, nakakagawa naman ako ng mga love scenes. So, parang ngayon, ganun pa rin naman dapat. Kasi at the end of the day, I'm still an actress. At hindi naman ako lumalagpas sa linya na nakakalimutan ko na may mga anak ako. I think, fair enough yun."
EXPLAINING TO SABINA. Speaking of anak, aware ba ang six-year-old adopted daughter nilang si Sabina sa ginagawa niyang intimate scenes sa pelikula?
"No, hindi. Hindi namin siya pinapapanood," sagot ni Claudine. "Pero I'm not so sure, baka dalhin ko siya sa Thursday [Aug. 19, special screening of In Your Eyes] para slowly... Parang slowly kasi, sinasabi na namin kay Sab na, 'Eto ex-boyfriend ni Mommy, eto ganito-ganyan.' Ini-introduce na namin siya sa mga shows namin. Kahit hindi niya naiintindihan, kasi nga hindi siya masyadong nagta-Tagalog bilang nag-aaral siya sa isang international school.
"Kasi, we always think of this way na 'eto ang bread and butter namin. Both Raymart and I, ang mga pamilya namin, galing sa industriyang ito [showbiz]. Lalo na si Papa Pablo [Santiago, Raymart's father], direktor; si Kuya Rowell...Direk Rowell [elder brother ni Raymart], sina Kuya Randy. Para sa kanila, wala, e. Actually, sila pa nga yung nagsasabing parang may kulang o kung parang hindi maganda yung nakunan, yun yung sa mga past love scenes ko."
Paano sila nagkaroon ng agreement ni Raymart na as early as six years old ay kailangang maging aware na si Sabina sa scope ng trabaho nila at sa mga nakarelasyon nila noon?
"Wala lang. Parang kapag nakikita niya yung mga DVD sa bahay, 'Mommy, who's that man with you? Who's that guy? There's another guy here? Why are...' Parang naguguluhan siya. Tapos nakita niya yung kay Mark [Anthony Fernandez, ex-boyfriend ni Claudine]. Nakita rin niya yung movie ko na Got 2 Believe [with Rico Yan] sa Cinema One nga yata last year. Tinatanong niya kung sino yun. Ikinukuwento ko naman sa kanya. Ikinukuwento naman niya kay Raymart.
"We try to be as open as possible sa kanya. Kasi napakatalinong bata, e. Matanong. So, siyempre, may mga bagay na hindi namin masagot. Hindi namin sinasagot. Sinasabi namin na, 'We can't answer now.' Pero yung ibang ano naman, kami na mismo ang nag-e-explain na, 'When you grow up, you'll find out kung bakit why Mom and Dad get to get what they're doing because we're actors.'"
Hindi naman itinatanggi ni Claudine na hilig ni Sabina ang mag-artista.
"Actually, gusto niya. Gusto niya talaga. She goes to Showbiz Central na feeling niya sasayaw siya sa araw na yun. Sinasabi niya talaga yun. Pero sinasabi ko sa kanya na, 'You go to school first and you enjoy also.' Baka phase lang 'yan, di ba? May times na gusto niya astronaut siya, bukas iba naman, doktor, nurse, di ba? Gusto ko, kung talaga yung gusto nilang maging.
"Ang isa sa mga prayers namin ni Raymart, as early as what, grade school o bago sana sila mag-high school, alam na sana nila, kumbaga, kung ano ang gusto nilang maging. Ayokong dumating yung point na after college, hindi pa rin nila alam kung ano ang gusto nilang maging, kumbaga, yung mag-decide."
SANTINO'S SHOWBIZ SIDE. Kinumpirma rin ni Claudine na ang bunso nila ni Raymart na si Santino ay may hilig ding mag-showbiz.
"Sobra, e!" bulalas niya. "Grabeng sumayaw ng Usher, ng Justin Bieber. Mana talaga. Hindi naman namin mapipigilan kung ano ang gusto nila. Basta, finish school lang. Saka kami ni Raymart, ang ginagawa namin, inaano namin sila. Hindi yung... Unang-una, our lives are not normal, di ba? We don't live like other people. Kasi kahit pumunta kaming Amerika, kahit saan ka magpunta, nakikilala ka ng mga tao. So, we tried to...
"Kumbaga, okey, hanggang dito lang ang makita o magkaroon ng normal na buhay. Pero aside from that, kailangan sila mismo ang mag-adjust sa buhay namin bilang ito naman ang nagpapakain sa kanila at nagpapaaral. So, sila yung dapat mag-adjust. That is why kapag may mga tao, kailangan talagang they have to be nice, to be proper... Alam nila. Alam nila yung mga fans at yung mga friends. Marunong sila. Hindi sila puwede na magmumukmok or umaarte-arte kapag may mag-hello sa kanila, yung mga gano'n."