PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Radio jock Laila Chikadora on transfer to Wow FM!: "Dito, feeling ko, malayang-malaya ako!"

But she says she hasn't burned her bridges with ABS-CBN, her former network.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 22, 2010
"Darating talaga sa buhay mo, may mga mag-o-offer. Ayoko ring dumating ako sa punto ng buhay ko na nagkaroon ako ng what if's, what should've been me, na, 'Hindi ko lang kinagat pero dapat ako 'yan'... ayoko ng pagsisisi," says Laila Chikadora who feels she can really spread her wings at her new station.

Hindi lang sa mga artista uso ang lipatan. Maging ang mga DJs ay nangingibang-bakod na rin.

Si Laila Chikadora na unang nakilala sa mga radio programs ng ABS-CBN sa DZMM ("Laugh Out Loud"sa TeleRadyo at Showbiz Radyo Patrol Balita), bilang DJ sa FM 101.9, at sa late-night TV show na Games UpLate Live, ay nag-ober-da-bakod na sa 103.5 Wow FM! ng The Radio Partners, Inc.

Kahapon, August 20, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang media si Laila sa presscon ng Wow FM! sa Chili's restaurant sa Tomas Morato, at tinanong namin kung bakit siya lumipat.

"Kailangan, e... I was very honest naman in telling them na yung kontrata ko was preventing me to explore, to do a lot of things. Kasi iyon nga, kapag nasa ABS ka, siyempre doon ka lang dapat, hindi ka puwedeng mag-QTV, 7, or cable ng Viva, yung mga ganun. Hindi din ako puwedeng mag-TV5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho nang tapos ang kontrata niya for DZMM at sa FM station na 101.9, pero nagtrabaho siya sa naturang network till early this August kahit wala nang contract.

DEPRESSED. Paliwanag ni Laila, "Kasi yung contract namin with ABS, ano, tawag dun, parang kahit na wala kang contract, it still follows na sa kanila ka nagtatrabaho kasi you're being heard on air, ganun."

"In fairness naman with DZMM, they gave me a contract for me to sign, kaya lang nung early parts kasi ng year na ito, parang I am not, kumbaga, mentally able, hindi ako, parang... Hindi naman sa not happy, pero ano kasi, e, I underwent a certain kind of sobrang depression talaga."

May kinalaman daw ito sa trabaho, pero, ang sabi ni Laila, "Hindi sa hindi happy. It's just parang siguro hindi ko pa ma-accept na wala akong ginagawa, hyper pa naman ako, di ba?"

Hindi raw siya nakukulangan sa trabaho niya sa radio, mas pa "with TV siguro. Pero yung side naman ng TV they never promised me anything. Siguro nag-assume lang akong masyado. Ha! Ha! Ha!...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kasi I was really hoping na babalik ako sa UpLate [Games UpLate Live], kaya lang yung format niya binago, so siyempre bago na rin ako."

Ang pumalit dito ay ang Music UpLate Live.

"So iyon yung time na yun, parang hindi ko naman talaga pagsisinungalingan na hindi ako na-depress kasi for the past how many years, I've been doing UpLate. Pag wala si Jaymee [Joaquin] noon, ako yung rumerelyebo talaga sa kanya.

"'Tapos ilang buwan ko rin siyang hinawakan, na ako na talaga. I've grown to love the show, talagang mahal ko na siya. Kahit maysakit ako talagang gusto kong pumasok dahil nakasanayan mo na. Mahal mo nga kasi yung programa...

"'Tapos bigla, it was taken away from you, but not actually naman taken away... Kasi sabi naman nila babalik. Pero pagbalik, iba na pala so, siyempre, in a way medyo na-depress din ako nun. Pero with radio, wala silang pagkukulang sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BLOG EXPLAINS ALL. Kung siya lang daw, sa TV lang ng ABS-CBN siya aalis at hindi pati sa radyo nito, kaso "you have to let go ang FM and AM kasi dun galing yung kontrata na hindi ka puwedeng magtrabaho sa ibang networks, hindi ka puwedeng rumaket sa ibang cable subsidiaries unless subsidiary siya ng ABS. 'Tsaka kailangan talaga i-let go ko siya, masakit man."

Noong binibigyan siya ng kontrata ng DZMM in March, "sabi ko, 'Puwede po bang pag-isipan ko muna?' Kasi nung time na yun, nag-iisip na ako, e. Magulo na isip ko, depressed ako. Ayoko muna siyang pirmahan just because kailangan ninyo na. Kasi siyempre, for me, gusto ko ring mag-isip, magmuni-muni...

"Marami kasing factors why I also left, aside from being depressed. Siguro tawagin na ninyo akong mukhang pera, ano, kaya lang kasi, ano, kulang, e, di ba? And you know, if you have time you can read my blog, andun lahat as in in-explain ko, sa www.laila.i.ph...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi siyempre ang mga fans they also ask why you left. Some are parang galit sa akin, nagtatampo, masama ang loob. 'Tsaka kahit hindi ko naman kailangang magpaliwanag, nagpaliwanag ako para sa kanila, na eto ang dahilan kung bakit ako umalis."

WHAT SHE'S WORTH. Doble ba ang talent fee niya ngayon sa 103.5 Wow FM?

"With the TF now, ang masasabi ko lang is, alam ko ngayon I am getting what I am worth. Oo, promise, I am really getting what I am worth now, na sa tingin ko, eto talaga ang halaga ko, eto talaga ang presyo ko na, with what I'm getting now napapagamot yung nanay kong may sakit... cardiomyopathy siya, e. Marami akong dinadala sa buhay." Heart muscle disease ang literal na meaning ng cardiomypathy.

Kung kaharap niya ang mga taga-ABS-CBN ngayon, may nais ba siyang sabihin sa mga ito?

"Thank you! Puwera echos. Unang-una, thank you kasi actually nag-usap naman kami ng mga boss before I left. Nagkaroon naman kami ng mga heart-to-heart talk. I told them everything talaga as in lahat-lahat talaga. Sinabi ko naman kasi, I really wanna be honest with them. 'Tsaka sinabi ko rin naman sa kanila na I will never be who I am right now kung hindi naman dahil din sa ABS-CBN. Talagang ina-acknowledge ko yun...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nag-thank you naman ako sa ABS, I never burn the bridge. Hanggang ngayon nagpupunta pa ako dun, tambay-tambay. Wala lang, hi-hello, ganun lang.

AN OFFER SHE COULDN'T REFUSE. "It's just that darating talaga sa buhay mo... may mga mag-o-offer. Ayoko rin akong dumating sa punto ng buhay ko na nagkaroon ako ng what if's, what should've been me, na, 'Hindi ko lang kinagat pero dapat ako 'yan, o, bonggang-bongga'... ayoko ng pagsisisi."

"'Tsaka alam mo, puwera echos 'to, ha, super-pray ako talaga. Pinagdasal ko na i-lead ako ni Lord sa tamang daan. Pinag-pray ko siya, nag-novena ako, nagpunta pa ako sa Our Lady of Manaoag kasi sobrang gulung-gulo ako talaga. There's nothing to hold on to except my faith in the Lord. Lumakas talaga yung faith ko...

"Ngayon yung talagang super kapit na kapit ako sa Kanya na siguro kahit wala akong kainin sa araw-araw, believe ako na may mangyayari, yung ganun. Mas tumibay yung faith ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kontrata daw ni Laila sa Wow FM! ng The Radio Partners, Inc. ay walang duration. "Actually that's what's nice sa kanila... kasi sa kanila, 'Hindi ka na masaya? Sige okay, fly ka na!' Kasi wala kang contract. Sila naman kasi they're asking kung gusto mo ng kontrata. Hindi pa lang ako nakakahingi pero meron naman upon request, kumbaga.

"Pero yun na nga, sa kanila, with most of their talents talaga, sila ang nagbibigay ng leeway. In fairness naman sa kanila, ako nung kinukuha nila ako, sabi ko, 'Meron po akong TV, okay lang ba?' Sabi nila 'Ay, okay, we will fully support you!'

"E, siyempre, dun sa pinanggalingan ko, 'Sir, kinukuha po ako ng ganito.' 'Ay, hindi puwede!' Kasi competing network. Dito, feeling ko, malayang-malaya ako!"

Read Next
Read More Stories About
Inc.
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Darating talaga sa buhay mo, may mga mag-o-offer. Ayoko ring dumating ako sa punto ng buhay ko na nagkaroon ako ng what if's, what should've been me, na, 'Hindi ko lang kinagat pero dapat ako 'yan'... ayoko ng pagsisisi," says Laila Chikadora who feels she can really spread her wings at her new station.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results