Bb. Pilipinas International 2009 Melody Gersbach and two others die in road mishap

IMAGE 0


Binibining Pilipinas International 2009 Melody Gersbach and two others died after the vehicle they were riding crashed head on with a passenger bus in Camarines Sur at around 11 a.m. today, August 21.


Binawian ng buhay kaninang bandang alas onse ng umaga ang Bb. Pilipinas International 2009 na si Melody Adelaide Gersbach, 24 taong gulang, nang ang sinasakyan nitong Toyota Innova ay bumangga sa sumalubong ditong passenger bus. Naganap ang banggaan sa Baranggay Pawili, Bula, Camarines Sur.

Ayon sa abs-cbnNEWS.com, namatay si Gersbach kasama ang dalawa pang sakay ng Innova, ang makeup artist niyang si Alden Orense at ang driver ng Innova na si Santos Ramos Jr. Nakaligtas ngunit sugatan naman ang pang-apat na pasahero ng Innova na si Ronald Lita, habang apat na pasahero ng nakabanggaang Guevarra bus ang sugatan. Boluntaryong sumuko ang driver ng bus na si Wilson Pontillas sa kapulisan ng Pili, Camarines Sur.

Ayon sa blog entry ng dating Bb. Pilipinas Universe 1985 and RPN 9 newscaster na si Joyce Ann Burton, papunta raw sa Pili, Camarines Sur, mula sa tinitirhan nitong Legazpi City, sina Melody at mga kasama nito. Chairperson si Melody ng Miss Bicolandia Committee doon. Ayon naman sa ibang sources, papunta sina Melody sa Naga City upang dumalo sa pre-pageant event na gown competition para sa Miss Bicolandia beauty contest.

Nakaburol ngayon ang mga labi ni Melody sa Lignon Funeral Homes sa Legazpi City.

"CONDOLENCES AND PRAYERS." Nagpahayag ng lubos na kalungkutan ang chairperson ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) na si Ms. Stella Marquez-Araneta sa inilabas nitong statement ilang oras mula nang pumutok ang balita ng pagpanaw ni Melody.

"Our sincerest condolences and prayers go out to her family and friends. Her death, unfortunate and untimely, has left everyone at Binibining Pilipinas Charities, Inc. deeply saddened.

"Her passing will not only leave a void in our lives, but also in the hearts of everyone who knew her. Melody's memory will always remain deep within our hearts," sabi ni Ms. Araneta.

Ayon naman sa talent manager at beauty pageant expert na si Ces Evangelista, malamang na lubos ding malulungkot ang Miss Universe 2010 bet ng Pilipinas na si Maria Venus Raj. Kaibigang matalik kasi ni Venus si Melody (pareho silang tubong-Bicol). Ito pa raw ang siyang naglapit noon kay Venus sa grupong Aces & Queens na nag-alaga kay Melody noong sumali ito sa Binibining Pilipinas, at siyang nag-alaga rin kalaunan kay Venus na rarampa naman sa Miss Universe Beauty Pageant sa Las Vegas itong darating na August 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to see a video clip of Melody greeting in PEParazzi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN