Chavit Singson cries "setup" in son's Hong Kong drug bust

IMAGE 0


"Confirm na may nagsulsol dito, naglagay, at pagkatapos, pinahuli rin do'n. Isang bagay lang 'yan—pulitika, negosyo, or yung mga taong naiinggit sa kanya," says Ilocos Sur Governor Chavit Singson, who brought Lovi Poe (inset) to son Ronald Singson's (right) August 19 bail hearing in Hong Kong.


Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang madakip si Ronald Singson sa Chek Lap Kok international airport sa Hong Kong nang makitaan ito ng 26 grams of cocaine sa kanyang mga gamit noong July 11.

Pinahintulutan na ang Ilocos Sur representative na makapag-bail ng HK$1 million, katumbas ng P5.7 million, noong Thursday, August 19.

Nakapanayam ng Startalk si Ronald sa Hong Kong, at ipinalabas ito kahapon, August 21.

Hinaing ng congressman, "Kailangan bang maging mahirap ako para mabigyan ng tamang hustisya? Nagulat din kami do'n sa amount."

Doon din sa bail hearing nagkaroon ng pagkakataon na magkita sina Ronald at ang sinasabing girlfriend na si Lovi Poe. Kasama si Lovi ng ama ni Ronald na si Luis "Chavit" Singson, ang gobernador ng Ilocos Sur.

LOVI SHOWS SUPPORT. Nandoon daw si Lovi para ipakita ang kanyang suporta. "Kasi, ever since naman, he knows that naman, na nandito ako para suportahan siya," ang sabi ng aktres.

Sa umpisa pa nga ay akalang si Lovi ang sumigaw ng "Yes!" nang ma-grant ang bail ni Ronald at napagalitan tuloy ng judge. Pero agad namang nalaman na ang sumigaw pala ay isang nagngangalang Annie Shek, na isa sa dalawang Hong Kong residents na nag-secure ng cash surety bond para ma-release si Ronald sa kanilang custody.

Tungkol sa kasong kinasasangkutan niya ngayon, ang sabi ni Ronald: "Hayaan po nating umandar ang gulong ng hustisya dito sa Hong Kong. Mabuti naman po ang patakbo dito ng hustisya. Wala naman whitewash."

Umaasa ngayon ang kampo ni Ronald na posibleng maibaba ang kasong drug trafficking na unang isinampa sa kanya to drug possession, matapos lumabas sa laboratory test na 6.7 grams lang ang actual weight ng cocaine na nakumpiska sa kanya.

CHAVIT CRIES "SETUP." Suspetsa naman ng ama ni Ronald na si Governor Singson na baka na-set up ang kanyang anak.

"Tingin ko nga, e, parang sinet-up lang siya," sabi ni Singson na nakausap din ng Startalk habang ito'y nasa Hong Kong. "Ilang beses na akong pumupunta sa Hong Kong, wala namang sumisita. Para bang inabangan na lang siya ro'n, so, may possibility na may nag-set up. Either political or business 'to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Confiscated ang mga travel documents ni Ronald, kaya kahit na nakapagpiyansa na siya ay mananatili pa rin siya sa Hong Kong. Sa September 7 ang susunod na hearing.

Ang sabi ng congressman tungkol sa kanyang release: "I can do anything except that to talk to witnesses of the prosecution. And, of course, not to leave Hong Kong. Hopefully, humihingi ako ng pasensiya. Unang-una sa lahat, sa pamilya ko. Lalong-lalo na sa aking ama."

Pahayag naman ni Chavit: "Yun ang consequence ng nangyari, so, bahala na kung ano ang mangyayari. Hintayin na lang sana nila na matapos ang kaso."

Sa Startalk pa rin kahapon, nakapanayam nang live ni Ricky Lo ang gobernador by phone pagkauwi nito sa Pilipinas.

Ayon sa politico, mabuti naman daw ang kalagayan ng anak sa Hong Kong matapos itong mai-bail. "Nakatira sa kaibigan niya, si Derrick Wong," sabi nito. Si Wong ay isa sa mga nag-secure ng bond ni Ronald.

Magkasama pa rin daw nang mga oras na yun sina Ronald at Lovi. Kaya ang tanong ni Ricky, maayos na raw ba ang dalawa at natapos na ang tampuhan?

"Oo... oo... awa ng Diyos," sabi ng gobernador.

Ano ang masasabi niya sa hinihinging paumanhin ng anak?

"Well, tama lang yun. Bagama't ganoon ang pangyayari, hindi magandang ehemplo 'yan. Bagamat ako nga, nakumpirma namin na setup yun dahil ako nga, ilang beses na... at saka tayo, wala namang ganyan. E, siya nga, pagpasok pa lang niya, pinatabi na siya.

"So, confirm na may nagsulsol dito, naglagay, at pagkatapos, pinahuli rin do'n. Isang bagay lang 'yan—pulitika, negosyo, or yung mga taong naiinggit sa kanya. Pero confirm akong may nag-set up, kasi agad-agad, identified na... Na-single out agad. Maliwanag yun."

LET THIS BE A LESSON. Ano naman daw ang mensahe ng governor sa kanyang anak?

"Malaking leksyon itong nangyari sa kanya at marami siyang ipapaliwanag pagdating dito. Bagamat na-set up lang, yun ang dapat pag-aralan ng lahat. Yung pakikisama, dahil do'n siya napahamak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, it's not worth na itataya mo ang buhay mo sa mga kaibigan. Minsan yung mga ganyang pangyayari, well, napakalungkot ng pangyayaring 'yan at dapat maging leksyon sa lahat."

Dugtong pa niya, "Sana, pagdating niya, gumawa siya ng batas na lalong istriktuhan ang mga pusher and user as well dito sa ating bansa, kagaya diyan sa Hong Kong na napakahigpit."

Hiningan din ni Ricky ang governor ng mensahe para kay Lovi.

Ang sabi ng governor, "Nabalita nga na nag-away sila, e, hindi naman pala ganoon... Well, ganoon naman ang magkasinatahan, hindi mo naman maa-avoid 'yan. So, nagpapasalamat ako kay Lovi at sa pamilya niya sa suportang ibinibigay nila kay Ronald dahil higit sa lahat, ngayon niya kailangan ang suporta, ni Ronald sa pagparusa sa kanya sa mga nangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN