PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame insists that ABS-CBN made clear offer for him to return to Wowowee

ABS-CBN issues press release standing by Linggit Tan's statements.
Published Aug 22, 2010
"Ang gusto niya [Linggit Tan] mas maaga sana sa July 31. Sa pagkakaalam ko, sa sobrang bagsak ng ratings ng Wowowee. So gusto nilang maka-recover agad, maisalba na. Lahat po nang ito ay napag-usapan na namin ni Ms. Linggit kaharap ang lawyer ko at ang business unit head na si Jay [Montelibano]," says Willie on Paparazzi today.

Mariing pinabulaanan ni Willie Revillame ang mga pahayag ni Ms. Linggit Tan, senior vice president for TV entertainment ng ABS-CBN, noong Biyernes, August 20.

Sinabi ni Ms. Linggit sa news program ng network na walang kasunduan ang ABS-CBN at si Willie na babalik na ang host sa Wowowee noong July 31. Sinabi naman ni Willie na naka-ready na ang mga set, papremyo, at bagong games na gagawin, at parang pinapalabas raw ngayon na walang offer ang estasyon sa kanya, at siya ang naghahabol.

"Nagulat ako kay Ms. Linggit Tan dahil nirerepesto ko 'yan," bungad ni Willie sa panayam niya kay Cristy Fermin sa Paparazzi ng TV 5 kanina, August 22. "Mga ala-singko ng hapon, July 10, dumating siya ng bahay kasama ang aming [ABS-CBN] business unit head na si Jay Montelibano. Siyempre, kasama ko rin ang legal counsel ko, si Atty. Ferdie Domingo, at the same time ang aking kaibigan na si Rey Reyes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Umikot daw ang usapan nila sa pagbabalik niya sa Wowowee at ang mga bagong segments nito. "Lahat ng ito ay nakaplano na," aniya.

"Ang gusto niya mas maaga sana sa July 31. Sa pagkakaalam ko, sa sobrang bagsak ng ratings ng Wowowee. So gusto nilang maka-recover agad, maisalba na. Lahat po nang ito ay napag-usapan na namin ni Ms. Linggit kaharap ang lawyer ko at ang business unit head na si Jay."

POKWANG AND MARIEL. Nilinaw din ni Willie ang demand niyang tanggalin sina Pokwang at Mariel Rodriguez sa pagbabalik niya sa Wowowee.

"Actually, the word is not tanggalin—ang sabi ko reformat. 'Magbago tayo,' sabi ko. 'Pagbalik ko,' sabi ko... Walang personal ito. Sina Valerie [Concepcion] at Mariel, text nang text sa akin. Kung papalitan natin lahat, 'yan ang gusto ko, magbigay ng break sa mga tao na... kasi ang gusto kong co-host yung mga tao na sa studio. Ang ibig kong sabihin, eto ang venue, eto ang stepping-stone ng mga nangangarap na maging artista. Alam niya 'yan. Sinabi ko 'yan sa kanya. Ang iniisip ko pa rin dito yung publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JULY 31 RETURN? Nagsara nga ba sila ng pag-uusap na babalik si Willie sa July 31?

"Tuesday, July 13, nagkaroon kami ng meeting kay Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN Corp. president], kasama sina Tita Arlene [de Castro, dating manager niya], si Ms. Linggit Tan, at si Direk Bobot Mortiz [Edgar Mortiz, Wowowee creative consultant]. Lima kaming lahat. Nag-usap-usap kami sa isang kuwarto."

Sa pahayag ni Linggit Tan sa TV Patrol at SNN: Showbiz News Ngayon noong August 20, sinabi niya: "Wala pong naging kasunduan ang management ng ABS-CBN at si Willie na babalik na siya sa Wowowee noong July 31. Ang suspensyon ni Willie ay matatapos po sa August 24 pa. Si Willie ang may gustong bumalik na siya sa Wowowee noong July 31." (CLICK HERE for related story.)

Ang sabi ngayon ni Willie, "Basta ako, sa inyong lahat, hindi ho ako magsisinungaling. Ako mismo, hindi ko lolokohin sa lahat ang sarili ko. Kasi pag nagsalita ako sa inyo ng kasinungalingan, hindi na ako makakatulog pa mamayang gabi, kasi nagsisinungaling ako sa sarili ko. Bago ko kayo lokohin, hindi ko muna lolokohin ang sarili ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Basta ako malinis ang aking konsensya. Kung anuman ang nakikita niyo sa akin sa TV, yun po ang pagkatao ko. Ni minsan hindi po ako naging plastic kahit kanino. Kung masama ang loob ko, masama, kung masaya ako, masaya. Pero hindi ako yung nasa harap ng kamera, magbabasa ng teleprompter at may kaba na hindi totoo ang sinasabi.

"Ang sabi nila, ang sabi ni Ms. Linggit Tan sa kanyang interview at statement, hindi pa raw ako kailangan magbalik, kailangan magbago ako. Bakit po ako magbabago, hindi naman ako masamang tao? Hindi naman ako mamamatay-tao, hindi naman ako drug pusher. Ang tanging gusto ko lang ay pasayahin ang mga Pilipino at lalong-lalo na yung may mga karamdaman at may sakit...

"'Eto po ang tanong ko: Nung umalis po ako sa Wowowee—hindi po ito pag-aangat ng bangko, alam ko po ito at alam niyo po 'yan—ang ratings po ng Wowowee ay 20 up. Hindi po bumababa 'yan. Ang pinaka-less ay 19. Pag 19, tumatawag agad kayo, kinakabahan agad kayo, kailangan mag-isip ng bagong gimik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi po bumababa ng 15, 16, 17 ang ratings ng Wowowee for five year and one half [years]. Pero nung mawala ako, nagsi-single digit na po ang show, nagiging 9, kaya gusto niyo ako ibalik, di ba?" deklara ni Willie.

Ano ang reaksyon niya sa mga sinabi ni Ms. Linggit Tan?

"Siguro... pinepersonal na ako. Yung totoo lang ang puwede nating sabihin... Kasi pag nagsisinungaling tayo, ewan ko kung makakatulog ka sa gabi-gabi. Habang buhay mong dadalhin yan. Ako napakalinis ng kunsensya ko. Wala akong nararamdaman ni isang kaba. Nakakaharap ako kahit kanino. Nakataas noo ako kahit kanino, maliit o mataas, kasi in my heart, in my conscience, in my soul, sa mata ng Diyos, kahit sa mata ng tao, alam Niya kung ano ang totoo at alam mo 'yan," pagwawakas ni Willie.

ABS-CBN STATEMENT. Heto naman ang statement na ni-release ng ABS-CBN ngayong araw, August 22, na nakapangalan kay Bong R. Osorio, head of Corporate Communications, ABS-CBN Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"ABS-CBN stands by the content of the letter sent to Willie Revillame last August 19 and what Linggit Tan, ABS-CBN Head of TV Entertainment Production, said in her August 20 TV Patrol and SNN interviews."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang gusto niya [Linggit Tan] mas maaga sana sa July 31. Sa pagkakaalam ko, sa sobrang bagsak ng ratings ng Wowowee. So gusto nilang maka-recover agad, maisalba na. Lahat po nang ito ay napag-usapan na namin ni Ms. Linggit kaharap ang lawyer ko at ang business unit head na si Jay [Montelibano]," says Willie on Paparazzi today.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results