PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE: Actor-producer Carlo Maceda answers accusations of indie-film director

Carlo to indie-film director Mel Magno: "'Pag may pambayad na siya, saka niya i-claim yung film niya!"
by Mell T. Navarro
Published Aug 26, 2010
"The papers will speak for it, yung mga papeles. Pumirma na ang mga artista, tanungin mo sila, they will testify kung nabayaran sila o kumikbak ba ako. Bottomline, patunayan niya na niloko ko siya. Saka aanhin ko yung pera niya, magkano yun? Yung nagastos sa walong araw? Yung 200 thousand, one shooting day lang yun, e. Pinagkasya ko, hindi ako naningil sa ibang gamit," says Carlo Maceda (in photo) about the accusations of indie-film director Mel Magno.

Noong Mayo 2010, nasangkot ang actor-producer na si Carlo Maceda sa isang kontrobersiya. Ang indie-film director na si Mel Magno ay nagreklamo laban sa kanya.

Ayon sa direktor, ayaw diumanong i-release ni Maceda ang debut film niyang Ripples, na pinagbibidahan ninaNene Tamayo, Charee Pineda, Ella Guevarra, AJ Dee, at Mikel Campos. (CLICK HERE to read related story.)

Nagde-demand din daw ng bayad si Maceda mula kay Direk Magno dahil marami raw pagkakautang sa cost of production ang director.

Bukod sa pagiging co-producer ng pelikula, si Carlo Maceda ang may-ari ng mga equipment na ginamit sa shooting. Negosyo ng dating aktor ang pagpaparenta ng technical equipment sa mga shooting ng pelikula, TV show, events, at iba pa.

Nais bawiin ni direktor Magno ang master copy ng pelikula dahil pera raw niya ang ginastos dito.

CARLO BREAKS SILENCE. Hindi nagbigay ng anumang pahayag noon si Carlo Maceda kaugnay ng mga akusasyon sa kanya ng indie-film director. Pero makalipas ang tatlong buwan ay nagpaunlak siya ng exclusive interview sa PEP (Philippine Entertainment Portal) upang ilahad ang kanyang panig tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam ng PEP kay Carlo noong August 12 sa family business nilang Gerardo's Restaurant sa Panay Avenue, Quezon City, sinabi niyang malinis ang kanyang konsiyensiya at siya pa ang naagrabyado sa mga pangyayari.

"Ewan ko kung saan niya nakuha ang script niyang yun," malumanay na simula ni Carlo, na tila hindi naman apektado sa isyu.

Ayon kay Carlo, nagkaroon ng maraming problema habang isinu-shooting nila ang Ripples at dito na nagkagulo ang magkabilang panig.

Ano nga ba ang first impression niya kay Direk Mel nang una itong ipakilala sa kanya ni Nene Tamayo? Ang kauna-unahang Pinoy Big Brother winner ang nagrekomenda kay Direk Mel na magrenta ng mga equipment kay Carlo.

"Mukha siyang mabait at first," sabi ni Carlo. "Magaling siyang magsalita, wala akong masabi. Tapos, nag-shooting. Okey naman. Tapos, siyempre, nagkaka-problem sila financially bigla. Kasi sabi ko, 'How much money do you have? Itabi na natin ito.' I was giving advice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinunod ba ng direktor ang advice niya?

"Hindi ko alam, e," sagot ni Carlo. "Kasi, ang hinawakan ko lang na pera, ang budget ng film, was just around 800 thousand pesos, na may contingency na 200 thousand. E, wala pang limang-daang libo, ubos na ang pera, e!

"Wala akong nakitang cash flow. Humihingi ako sa kanya ng cash flow. Sabi ko, 'Wait a minute, I trusted you that you have the money. Napangakuan ko ang mga kaibigan kong artista na mababayaran ko sila.' Kasi ang takot ng mga artists is baka hindi sila mabayaran.

"So, what happened, nagbayad ako. In-advance ko ang talent fee ng mga artista. Abono ako. Kasi, nakakahiya, e. I use them [in various shows] frequently, ayokong masira ang relationship ko with these artists, bilang artista at bilang producer.

"E, nagulat ako, sabi ni Nene, aayusin daw niya. Tinawagan niya [Direk Mel] ako, usap daw. Sabi ko, 'Sige, usap tayo. Pero not now,' kasi campaign period noong time na yun, e. I was doing videos for politicians, for clients ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

So, hindi siya nakaharap sa request na meeting sa kanya?

"Sabi ko, 'I-schedule natin next week, kasi right now, nasa out of town ako.' I was in Subic. I did something for a politician. Sabi ko, next week. E, before the weekend, nasa news na. Nagulat na lang ako, nang-harass na siya through the media. He used media people to get the message to me na sisirain daw niya ako."

At that time ay open ba siya sa communication? May hinahabol ba siyang timing?

"Oo, naghihintay lang ako ng tamang oras at communication," sabi ni Carlo. "He has to clear things. Kasi, sabi ko sa kanya, 'Direk, it's not about money anymore. I've heard some things from my fellow actors that you said this and that, na kumukomisyon ako. Let's talk first coz I wanna set things straight to you.' Yun ang sinabi ko. Nasa text yun, e, may record yun. Sabi ko, 'Direk, it's not about the money anymore.' I was willing to edit the film na wala pa ngang bayad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MASTER COPY. Sa naunang panayam kay Direk Mel ay sinabi nitong gusto niyang bawiin ang "master copy" ng pelikula niya mula kay Carlo. (CLICK HERE to read related story.) Ano ang sagot dito ni Carlo?

"'Pag may pambayad na siya, saka niya i-claim yung film niya!" natatawang reaksiyon ni Carlo. "Kaso, sa mga ginawa niya, may mga damages nang kasama yun, e. Hinihintay na lang namin yung legal action niya. Kasi sa akin, basically, I don't need the money. It's not about money anymore, it's about name na, e.

"We were willing kami to help him. Wala namang problema sa amin yun, e, nagpapautang pa nga kami, gano'n. Babayaran daw niya kami, pinakiusapan niya ako. Pero yung ginawa niya, alam mo yun, na even the artists, hindi niya binayaran."

Bakit kinukuha ni Direk Mel ang copy ng Ripples?

"Film daw niya nga yun, 'It's my film!' sabi niya. Sabi ko, 'It's your film if you pay for it!' Parang balut. Bago mo kainin yung balut, bayaran mo muna!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, sabi ko sa attorney ko, I demand three things: The truth, kailangan sabihin yung katotohanan; public apology; bayaran niya lahat ng artista. Bayaran niya yung mga production people 'saka yung mga utang niya sa amin.

"Kahit yung sinabi niyang wala na akong talent fee, gano'n, at yung damages nung pangalan ng company ko. Equivalent to the assets of the company which is around nine million. So, kailangan niyang bayaran yun. Dahil sinira niya ang negosyo ko, e. In other words, sinisira mong negosyo ko, bayaran mo ang negosyo ko."

Para bang moral damages ang ibig niyang sabihin?

"Oo," sagot ni Carlo. "We're just waiting for him to move. Pero sa akin, it's a dead issue. I really don't ano... it's losses. Nandun na yun. Natalo. Wala nang mangyayari. Yung ibinigay niyang pera, akala niya may tinabi na kami. Lahat naman yun ginastos sa shooting."

MONEY MATTERS. Ano nga ba ang kini-claim ni Mel Magno na ginawa niya o hindi nagawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na dinispalko ko raw yung pera, yung 300 thousand, yung for the whole production na, 'saka talent fees, pati pagkain, sa akin daw. Sabi ko, 'Teka muna! Baka nahihibang ka? Pagkain pa lang, magkano na?' I'm not that stupid. Ipinakita ko naman yung accounting namin, which is legitimate, na ang gastos na ito, you can call everybody who signed in these vouchers. They knew what happened," saad ni Carlo.

Pinagbintangan ba siya ni Direk Mel?

"Oo," sagot ni Carlo. "Biruin mo, ang inuulam namin, tuyo at saka kanin, sa shooting, ha, mapa-artist ka, kahit na ano. Maraming hindi na bumalik na crew because of that. Kaya nung last two shooting days, I had to find new people, kasi nag-complain. They didn't show up sa call time. And it was so hard, we were working with new people.

"E, yun na nga, parang ang hirap... Inaasa nila, hindi naman ako art department, ako daw magdala nung mga baril. Sabi ko, 'Teka muna! Hindi ako art department!' May production designer na appointed, e. Tapos, ang nangyayari sa lahat, nagko-call time kami ng 5 a.m. Kasi, sa Pampanga pa ang shooting. Pero binibigyan ka ng call slip, 4 a.m.? O, paano 'yan? E, di darating ang mga artista nang late!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, delayed talaga ang production. They were all ano...ngarag na ngarag kami, nagtatawag ng mga tao, nanggigising kami, 'Uy, call time bukas, ha. Ay, mamaya na pala yun, isang oras na lang!' E, paano kung may shooting next day ang artista? Wala man lang advice a day before.

"Yung mga AD [assistant director] niya kasi, mga baguhan. He doesn't know what he's doing. So, ang nangyari, nagtitipid. Yung scriptwriter, ginawa niyang AD. Nagbibigay ng mga... Kunwari, ako ang PM [production manager], 'Ano'ng kailangan ko bukas? Hindi ko alam kung anong kukunang eksena!' You don't do that sa...lalo na pag indie, matipid tayo. Kailangan natin, very well-planned, or else...

"We're trying to give wisdom, hindi sila nakikinig. Sabi ko, 'You have to change your AD.' We got somebody from ABS-CBN to help, kasi, naku, kung hindi ko ginawa yun, naku, wala na, hindi kami matatapos. Ang liit pa ng budget namin. Kulang na nga kami sa budget, tapos ang lumalabas pang pera, wala pang 300 thousand plus. I'm not sure kung magkano raw ang nilabas niya, e, ang sabi niya, binayaran niya lang daw yung art department, ganun-gano'n...."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na kuwento ni Carlo, "Nung tinext ko, 'Binayaran na ba kayo ni Direk?' 'Wala pa!' Tapos, sa breakdown niya, puro pala, fabricated! Sabi ko, 'We need to talk.' May kalokohang nangyayari. Tinext niya ako, sabi niya, 'Email mo na ako, papakita ko sa kuya ko, maski anong digits na lang.' Sabi ko, 'Ha?! Direk, masisira ako diyan. Di ako ganyan. Alam mo, Direk, kailangan kong makuha ang bawat may pirma...' May mga in-assign ako ng mga may hawak ng mga voucher at petty cash. Kumbaga, lahat ng may hawak ng money, pinagre-report ko. Sabi ko, 'Nagtitipid na nga tayo, lahat pinagsasabay-sabay natin. Multi-tasking na nga kami, biglang... Alam mo yun, binaligtad niya kami!

"Alam ng mga tao ko. Alam nilang lahat ang nangyari. Nagtataka kami. Sabi nga ni Nene, 'O, anong pinagsasabi nito?' Hindi niya alam, ang mga meetings, recorded naman. Tapos, ang dalawang PDs, nag-resign, hindi kaya! Halimbawa, shooting na kinabukasan, madaling-araw bibigay ang requirements! Saan kami maghahanap ng mga gamit na gagamitin sa shooting?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naming PD ng pelikula na ipe-prepare niya para sa isang shooting kinabukasan. Na tipong, 'Ready kami kahit na anong sequence ang tirahin n'yo.' Hindi gano'n, e. Kaya nga may pre-production meeting. Tatawagan siya, 'Direk, meeting na tayo.' 'Teka muna, naggo-grocery pa kami, e.' 'Ha?! Nagugulat ako. E, 'andoon na ang mga pro na mga taga-ABS, 'andun na kami. 'Direk, 'asan ka?' 'E, ang breakfast kasi, inaasikaso ko.'

"Sabi ko, bakit hindi sila mag-catering? Pati nga catering, inaasikaso niya. Kasi nga, to cut on the cost. Sabi ko, 'Ang dapat na ginagawa mo niyan, as a director, mag-concentrate ka na lang. You lead the planning... Ikaw ang leader, e. Pati ba naman groceries and catering?' Para nga mag-cut ng cost."

So, mali ang mga paratang ni Direk Mel sa kanya?

"Ewan ko na lang... The papers will speak for it, yung mga papeles. Pumirma na ang mga artista, tanungin mo sila, they will testify kung nabayaran sila o kumikbak ba ako. Bottomline, patunayan niya na niloko ko siya. Saka aanhin ko yung pera niya, magkano yun? Yung nagastos sa walong araw? Yung 200 thousand, one shooting day lang yun, e. Pinagkasya ko, hindi ako naningil sa ibang gamit. Alam mo ba yun?" sabi ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHOOTING EQUIPMENT. Ayon pa rin sa kanya, abonado pa siya sa mga shooting equipment na pinarenta niya sa produksiyon.

"Fifty percent off yung rates ng mga gamit. May crane [camera] ka, may dolly ka araw-araw... Mga gamit ko yun. Naka-P2 [type of camera] siya, hindi siya yung mga ano... 'Saka yung mga kasamahan niya sa production, mga veterans na sa film industry. Mga taga-Maverick Films, mga taga-Regal...mga gaffer ko, gano'n.

"Natatawa na lang nga kami, kasi pinak-up niya ng 7 o'clock ng gabi, kasi wala na raw siyang makunang eksena. 'Kasi hindi pa tapos ang script, e,' sabi niya. Natatawa na lang nga kami, e. Sabi ko, 'Direk, bakit tayo nagsu-shooting nang hindi pa tapos ang script?' Yung scriptwriter ay yung AD nga niya rin, na baguhan rin. First script niya."

Kung hindi pa tapos ang script, bakit sila nagsimulang mag-shooting?

"Kasi, minamadali niya dahil before Holy Week, aalis ang ibang artista," sabi ni Carlo. "Prinepare ko. Actually, pinak-up ko yung unang shooting day, e. Sabi ko, hindi kaya. 'Tapon ang pera dito, Direk.' Concerned pa nga ako, e. Sa akin, rental yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung hayop ako o dupang ako like sinasabi niya, go!" diin niya.

Kuwento pa ni Carlo, halos all-around ang kanyang naging participation o "role" sa production ng Ripples.

"Naku, hala! Ako ang PM, line producer, AP [associate producer]... Pati nga minsan, PA [production assistant]. Pinapakuha ako ng mga baril, kahit hindi ko na role. Pumi-pick up ako ng mga props, dinadala ko sa set. Sige na, dahil ako na ang 'andun. Wala naman akong ano dun.

"Tapos, yung salary raw, di pa dine-determine. Sinabi niya sa ano, libre lang daw. Wala pa akong talent fee doon, nagagastusan ako ng gas. I'm wasting my time!"

Mariin ding itinanggi ni Carlo ang paratang na nag-take advantage siya sa baguhang direktor. (CLICK HERE to read related story.)

"What taking advantage did I do if it costs me my own money?" sabi niya. "Wala akong benefit, e. Sabihin mo, yung crew namin, 14 pieces. Two services ang nirerentahan namin. Di ba? Ay, dyusko!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinagot din ni Carlo ang tila pinapalabas ni Mel Magno na "nagbulsa" sila ng ilang portion ng ibinigay sa kanilang production budget. (CLICK HERE to read related story.)

"Sige nga, magharap siya sa akin ng PM [production manager], o isang AP [associate produce], at papakita kong binreak-down ko. Sabihin nilang mahal yung ginawa ko sa kanila? Kahit na whoever. Bigay! Bigay yung ginawa ko. Magharap ka nga, CMB o Lightscape, whoever... Tapatan niya yung cost ko, sabihin ko, 'Bigay n'yo 'to!' Tatanggi yun sa gano'n... Unless kamag-anak nila," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FIRST TIME HE HEARD THE NEWS. Ayon kay Carlo, nasa Boracay siya noon nang maglabasan ang interviews ni Mel Magno sa mga pahayagan. Hindi naman siya naapektuhan ng mga ito kaya hindi siya nagsalita, na in the long run ay isasangguni pala niya sa kanyang legal counsel.

"Nasa Boracay ako noon, e, kaya hindi ko nabasa. Dinaan na lang namin sa swimming. Basta, nag-text lang ang isang tao. Yun lang, wala na. Tinawagan mo rin ako, di ba, pero we were too busy with life," sabi niya.

Hindi ba niya akalaing magagawa sa kanya ito ng nasabing direktor?

"Nagalit ako, tapos tinawanan ko na lang. Marami talagang ganyan, e."

Walang naganap na confrontation kahit sa text o telepono?

"Wala. Nagpadala siya ng demand letter. Tinanggap ko, tapos wala, binigay ko lang sa abugado ko. Yung ipinadala niya sa press, yun din 'yon. Meron bang gano'n? Kung magdedemanda ka, magdemanda ka. Baka gustong sumikat? 'Wag mong idaan sa media! E, itong mga media naman, sige, sulat lang!" patama pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang natutunan niya sa pangyayaring ito?

"Sabi nga ng isang friend ko, 'E, saan mo ba kasi nakilala 'yan? Mag-ingat-ingat ka... Maraming magbabait-baitan, mga producer na gustong...alam mo yun?' Gustong ilagay ang anak nila sa pelikula, pero biglang tatakbo. Ang alam ko, nasa abugado na namin, e."

Sa ngayon ay hinihintay pa rin ni Carlo ang susunod na hakbang ng panig ni Magno at nakahanda raw itong ipaglaban ang kanyang prinsipyo, sa tulong ng kanyang abugado.

Abala si Carlo sa marami nitong proyekto: may isang major concert na pagsasamahin ang mga sikat na soloista ng 1990s bands, pati na ang isang bagong indie film na ipo-produce niya, ang Bangkang Papel, directed by Alejandro "Bong" Ramos, na as of press time ay nasa final casting stage na.

Read Next
Read More Stories About
Nene Tamayo
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"The papers will speak for it, yung mga papeles. Pumirma na ang mga artista, tanungin mo sila, they will testify kung nabayaran sila o kumikbak ba ako. Bottomline, patunayan niya na niloko ko siya. Saka aanhin ko yung pera niya, magkano yun? Yung nagastos sa walong araw? Yung 200 thousand, one shooting day lang yun, e. Pinagkasya ko, hindi ako naningil sa ibang gamit," says Carlo Maceda (in photo) about the accusations of indie-film director Mel Magno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results