Geoff Eigenmann not in a hurry to "propose" to Carla Abellana

IMAGE 0


"Maaaring madali akong ma-in love, but doon sa talagang gusto ko. And iyon ang napi-feel ko kay Carla at alam niya 'yon," says Geoff Eigenmann about his feelings toward Carla Abellana.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang press si Geoff Eigenmann sa set ng Basahang Ginto sa Victoria Place sa Potrero, Malabon, last Wednesday, August 25. Ang unang tanong agad kay Geoff ay kung kailan niya gagawin ang hinihintay na "proposal" sa nililigawan at ka-love team niyang si Carla Abellana.

Kailan niya tatanungin ang dalaga ng: "Will you be my girlfriend?"

Sagot ni Geoff, "Hindi po dapat madaliin 'yon. Gusto ko kasi maging very special 'yon kaya paghahandaan ko 'yon. Gusto ko in a special place talaga, sa gabi, with rain effect pa."

Mangyayari pa ba 'yon kung magkakahiwalay na ang love team nila ni Carla? Ano ang feeling niya sa paghihiwalay nila kahit hindi pa naman sila tapos mag-taping ng Basahang Ginto?

"Inihanda na rin namin ni Carla ang sarili namin sa possibility na magkakahiwalay din ang love team namin, pero nalungkot pa rin kami," sabi ni Geoff. "We believe naman na hindi forever na magkakahiwalay ang love team namin. Baka sa susunod na project namin, kami na ulit ang magkatambal.

"Basta ako, mag-e-effort to be with her. Kahit pa nga five days a week ang taping namin ng Grazilda. Saka every Sunday, magkasama pa rin naman kami sa Party Pilipinas."

Kung sa Grazilda ay si Glaiza de Castro ang katambal ni Geoff, si Carla naman ay ipapareha kay Dennis Trillo sa susunod niyang project.

Hindi ba mapuputol ang communication nila kung iba na ang schedules nila?

"No, hindi po mapuputol ang communications namin ni Carla. Kapag may problema po ako, siya agad ang una kong sinasabihan," sagot ng young actor.

So, wala naman siyang takot na baka ma-in love si Carla kay Dennis, o siya naman sa iba?

"I've been busted before, but this time, sigurado na ako," sabi ni Geoff. "Maaaring madali akong ma-in love, but doon sa talagang gusto ko. And iyon ang napi-feel ko kay Carla at alam niya 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GRAZILDA. Mukhang walang time si Geoff na makapagpahinga sa taping dahil nag-overlap na ang taping niya ng Basahang Ginto at Grazilda.

"Yes, after ng taping namin dito, tutuloy po kami ni Dom [Dominic Roco] sa pictorial namin ng Grazilda. And tomorrow [August 26], first taping day na namin," banggit ni Geoff.

Mag-o-overlap din daw ang airing ng dalawang shows ni Geoff. Ang Grazilda ay magsisimulang ipalabas sa September 13, samantalang ang Basahang Ginto ay sa September 24 pa matatapos.

First time makakasama ni Geoff sa isang show ang tita niya na si Cherie Gil, na kasama sa cast ng Grazilda.

"Opo, nagkagulatan nga kami nang magkita kami sa story conference. Hindi po namin alam na magkasama pala kami sa project. She will play the wicked stepmother sa real world," sabi ni Geoff, na gaganap namang Prince Charming ni Carla sa real world.

Sino pa ang gusto niyang maging leading lady, bukod kay Carla at Glaiza?

"I'm open to work with Heart Evangelista since Kapuso na rin siya ngayon," sagot ni Geoff. "Twice na kaming nagkasama ni Heart noong nasa kabilang network [ABS-CBN] pa kami, una sa Hiram at nasundan ito ng Hiram Na Mukha."

Pero nilinaw ni Geoff na hindi niya niligawan si Heart noon dahil during that time ay boyfriend ng young actress si Jericho Rosales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN