PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baron Geisler: "Good boy na ako."

He recently broke up with Filipino-Australian girlfriend.
by Rommel R. Llanes
Published Aug 29, 2010
The critically acclaimed but controversial actor doesn't mind playing a "taong unggoy" in the primetime fantaserye Noah. "Okey lang yun. Ang importante may trabaho at kumikita. At yung mga kasama ko sa Noah, ang babait nila."

Wala na sa pangangalaga ng ABS-CBN Star Magic ang aktor na si Baron Geisler. Si Arnold Vegafria na ang manager niya. Pero hindi naman doon nagtapos ang kanyang relasyon sa studio.

"Nagpapasalamat ako kina Sir Deo [Endrinal] at Ms. Linggit Tan [mga Dos execs] dahil binibigyan pa rin nila ako ng project kahit iba na ang manager ko," sabi ni Baron nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 28, sa Max's Restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

Ang show ngayon ni Baron sa ABS-CBN ay ang primetime series na Noah, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Zaijan Jaranilla. Taong unggoy ang ginagampanan niya rito.

"Kahit unggoy ako dun, okey lang yun. Ang importante may trabaho at kumikita. At yung mga kasama ko sa Noah, ang babait nila. Para kaming magkakapatid na. Enjoy akong katrabaho sila."

CONTROVERSIES AND COURT CASES. Kilala si Baron bilang isang mahusay na aktor. Pero kilala rin siya sa mga gulo at kontrobersiyang kinasangkutan niya. Sa ngayon ay may dalawa siyang kasong kinakaharap, na parehong sexual harrasment na isinampa laban sa kanya ng aktres na si Yasmien Kurdi at ni Patricia Martinez, panganay na anak ng showbiz couple na sina William Martinez at Yayo Aguila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, pakiusap ni Baron, "huwag na nating pag-usapan yung mga kaso ko, hindi naman makakatulong yun sa akin."

Hindi na naman daw siya "pasaway" ngayon. "Good boy na ako. Kung magiging pasaway pa rin ako, baka wala nang magbigay ng project sa akin. Kailangan kong mag-ipon. Pangarap kong mabilhan ng bahay ang mommy ko, e. Bahay niya kasi yung nasunog dati."

Ang huling pelikulang ginawa ni Baron ay ang horror film na Cinco na pinalabas last July. Ano ang next movie niya?

"May dalawang indie akong naka-line up. Ang isa ay yung gay film. Si Direk Joel Lamangan ang direktor. Yung isa ay triangle kami nina John Prats at Denise Laurel. Pinag-iisipan ko pang mabuti kung gagawin ko yung gay film."

ACTING, NOT FAME, IS HIS PASSION. Kasabayan ni Baron sa showbiz si John Lloyd Cruz. In fact, may grupo pa sila noon, ang Koolits, kasama si Marc Solis.

Ngayon, sikat na sikat na si John Lloyd, kabi-kabila ang mga proyekto sa TV at pelikula, at mabentang product endorser pa. Pero hindi naman daw naiinggit si Baron sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman, kahit hindi maging superstar o maging sikat na sikat. Ang mas importante pa rin sa akin nandito pa rin ako sa showbiz at umaarte. Yun naman talaga ang passion ko, yung acting. Hindi siguro ako magsasawa na umaarte," sabi ni Baron.

Brokenhearted siya ngayon. Naghiwalay na kasi sila ng Filipino-Australian girlfriend niya.

"Bumalik na siya sa Australia three weeks ago na. Hindi raw kasi niya kayang malayo sa pamilya niya," sabi ng binata.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The critically acclaimed but controversial actor doesn't mind playing a "taong unggoy" in the primetime fantaserye Noah. "Okey lang yun. Ang importante may trabaho at kumikita. At yung mga kasama ko sa Noah, ang babait nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results