Siyam na taon na ang marriage nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez at kung si Aga ang tatanungin, it's "only getting better."
May nagbanggit among the movie press na suwerte raw ang lalaki kung ang babaeng mapangasawa nito ay matino, at sumang-ayon si Aga.
"Yeah, yeah. Ang dami naming matinong babae, madami lang loko-lokong lalake," sabi niya.
Bagama't kumambiyo rin siya.
"Hindi rin lahat naman ng mga babae, matitino... Ang ibig kong sabihin, pag sinuportahan ka ng babae sa mga gawain mo, 'yon ang suwerte mo. Para bang, if you are able to get into sports, you get into these. Pag ang asawa mo, nakasuporta lang sa iyo diyan, 'yon, ang suwerte mo.
"Kung tatanungin n'yo kung suwerte ako, oh, yeah! Kaya nga ibabalik mo naman doon, is magpakatino ka na lang talaga."
TEMPTATIONS. Ibig bang sabihin ay wala nang puwang ang temptation sa buhay niya?
"Ang dami naman!" sagot ni Aga kasabay ng malutong na tawa. "Araw-araw 'yan, 'no! Kaya lang, kaya sinasabi ko na, na it's nice, it comes with age also na you have experienced so much before and now at this point of time na ganito nangyayari sa buhay ko, pag may mga temptation na gano'n...ikaw na ang lalagay sa lugar.
"Parang minsan, kunwari clubbing, events...kasi pag nandiyan ka parati, nandiyan lahat ng ano, e. Minsan feeling ko talaga, you try to attend one ganyan, kaya lang pagdating mo, parang...parang I'm done with this, I'm done. So, buti na lang."
Hindi na raw siya nag-e-enjoy sa mga clubbing o pag-attend ng mga parties.
At sakali mang uma-attend siya paminsan-minsan ng mga ganito ay malaking factor daw sa iwas-temptation niya ang pagkakaroon na niya ng "very much married" aura.
"You know when women look at you... It's nice that women look at you with admiration, pero you know ang tingin nila sa iyo ay 'He is so married.'
"And ako naman, pag ganun ang binibigay nila sa akin na reaksiyon, ako din. ' Yes, I am very much married.' '
"Parang, 'You are pretty, you are sexy, but believe me, I am very much married."
Suwerte naman ni Charlene, biro ng isang writer.
"Pareho kaming suwerte talaga sa isa't isa," sagot kaagad ni Aga. "Kasi, that's why, mahirap nang ipaliwanag. Basta it is just nice to be home...talk to the kids. Or we go out, out of town, out of the country. Ganoon lang ang buhay namin."
Pero may nagbiro na naman, lalo raw na-in love kay Aga ang mga kababaihan after mapanood ang nakakaiyak niyang interview sa The Buzz.
"Naglolokohan nga kami ni Charlene, sabi niya sa akin, 'Bi [Baby], ikakandado na kita, ha.' 'Kasalanan mo 'yan, e, ikaw nag-ano ng interview na 'yan, e,' sabi ko.
"Pero alam mo, wala kang magagawa kung mabait ang asawa mo. Ako, kaya ako naiyak noon, masyado akong masaya. Kaya siya [Charlene] naiyak, masyado siyang masaya. Pareho kaming masyadong masaya."
CHARLENE & THE BUZZ. Speaking of The Buzz, mabuti naman at pumayag siyang mag-host si Charlene ng isang maintrigang programa kagaya nito.
"I want to give her that also. Parang she wanted to test the waters and sabi ko, 'Just be careful, you know. Just do your thing. Basta ikaw, play yourself. Hindi porke't talk show siya or sinasabing tsismis siya na show, hindi kailangang maging tsismosa ka.'"
Tama o sakto lang daw sa pagkakataon ang pagdating ng The Buzz sa buhay ng kanyang asawa.
"It took us nine years of marriage and then now because of how it is, now pati pagpasok niya ng The Buzz, okay sa akin.
"'Yong parang it's like a vindication niya, parang, 'I'm happy for you, my love, because you won't even think na ano ba ginawa sa iyo ng ABS? See, you don't complain because you are okay. Biglang ang ending mo, parang flagship pa ang show mo ngayon. Parang flagship pa ng ABS."
Hindi raw siya nagkukulang sa pagsasabi kay Charlene ng mga paalala.
"Basta sinasabi ko, be careful lang. Sinabi ko naman sa kanya, 'Puwede mo naman ibahin, e. If gusto mo itaas 'yong antas niya, e, di itaas mo. Now, if they don't want you anymore, if they don't like your style, then get out.' Di ba? Ganoon lang 'yon, e. E, sa awa naman ng Diyos, e, okay pa din. So, okay naman."
At dahil kay Charlene ay lagi na rin daw siyang nakatutok sa show.
"Binabantayan ko din siya," pag-amin niya. "Sabi ko nga sa kanya, pag nanonood ako, pinapanood ko din 'yong mga suot nilang lahat. Ang mga babae pag nag-usap, 'yong mga clothes nila, their shoes, their makeup, their hair.
"So ngayon, pag nanood ako, 'Ano nga suot ni ganito, anong suot ni ganyan?' Pati ako nahahawa. Hahaha!"
DUAL CITIZENSHIP. Isa pa sa bagong development sa buhay ni Aga at ng pamilya niya ay ang nalalapit nilang pagkakaroong lahat ng Spanish citizenship.
Ito raw ay dahil sa isang bagong law sa Spain na nagsasaad na kung ang ninuno ay Espanyol ay birthright na nga mga kaapu-apuhan nito ang pagiging Spanish citizen.
Aksidente lamang daw ang pagkakadiskubre nila sa batas na ito. Nalaman lamang nila nang mag-apply si Charlene ng Spanish citizenship, na bagama't may Spanish blood ay mas masalimuot pa ang dadaanang proseso.
"May Spanish blood din si Charlene kaya lang, 'yong dad [Bernard Bonnin] niya yata, noong nag-swear in noong 1993, Charlene was over 18 na. So, when she was at the Spanish Embassy, sabi sa kanya, hers will take awhile but tell Aga to come here because 'yong sa kanya madaling maayos.
"Sabi niya, 'Aga? But they are not ano?'
"'No, they are.' Sabi sa kanya. 'Naka-register dito 'yong grandfather. So, that's how it started."
Hindi na raw nilubayan ni Charlene ang pag-aasikaso nito at inabot ng pitong buwan para malikom ang mga kailangan papeles.
Sa ngayon ay naghihintay na lamang sila ng tawag mula sa Spanish Embassy upang makuha ang mga papeles nila.
In effect ay magkakaroon na siya at ang kanyang buong pamilya ng dual citizenship. More than anything, ang desisyon daw nilang kunin ito ay para na rin sa mga anak nila.
"Filipino pa din naman ako, 'no," paglilinaw niya. "Wala namang ano sa akin, pero sa mga bata siguro... Like my daughter goes to the British school, so pag nag-aral siya anywhere sa Europe pag college na siya, puwede siya, madali, hindi na mahihirapan."
Na-enjoy daw nang husto ni Aga ang proseso ng paglakad ng kanilang papeles dahil mas nahalukay din niya ang makulay ng history ng pamilyang Muhlach. Dati ang alam lamang nila ay Aleman ang kanilang mga kaninu-ninuan. Pero dahil nga sa pag-trace nila, ay nalaman niyang ang kanilang kalolo-lolohan ay taga-Santander, Spain pala.
"Muhlacher talaga kami, so German talaga," kuwento ni Aga. "The town is also called Muhlacher. They have this Prussian flag. It's in the border of Russia. It's just a small town. Tagal na, 1600s pa.
"But some of them, they crossed the border to Spain and then doon sila namuhay. I only found that out last year. And because of that new law in Spain, inayos namin."
Ang lolo ni Aga na nagmula na sa Santander, Spain, ay napadpad naman sa Naga sa Bicol kung saan na nagmula ang pamilyang Muhlach sa Pilipinas.
Ayon kay Aga, ang pag-aayos ng papeles nila ang regalo ni Charlene sa pamilyang Muhlach.
"Charlene had a cousin kasi who lives in Spain, who helped us para mahanap lahat ng papers na iyon. Nahanap naming lahat, na-trace naming lahat ng roots namin.
"Kaya iyon 'yong parang naging gift ni Charlene sa buong family namin. Because of what she did, makukuha naming 'yong Spanish citizenship naming lahat from my dad [Cheng] to Alex [Muhlach]. Seven months itong ginawa ni Charlene."
Natutuwa ring ibinalita ni Aga na may nakilala pa siyang ibang Muhlach sa Spain na sa pag-aakala niya ay wala na dahil napaka-unique nga nga apelyidong ito.
"And then may nakilala kaming dalawang Muhlach from Spain. Akala ko, wala nang ibang Muhlach, e. So we're gonna meet up with them when we get our citizenship."