PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Regine Velasquez on Ogie's promise to make her the happiest woman on earth: "Kailangan niyang panindigan yun, 'no!"

Asia's Songbird will take it slow next year.
Published Aug 30, 2010
"Since I also have a career, meron rin akong career na dapat asikasuhin kaya minsan hindi ko siya masyadong naaalagaan as much as I would like to. But, ngayon nga na we're getting married soon, and next year we'll be a couple already, mag-asawa na kami, I'll just really have to find time and effort to take care of him," says Regine Velasquez about future husband Ogie Alcasid.


Nasa U.S. ngayon ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez para makipagkita sa Hollywood-based Filipino designer na si Monique Lhuillier. Umalis siya noong Sabado, August 28, isang araw pagkatapos ng birthday celebration ng kanyang fiancé na si Ogie Alcasid.


Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine bago siya umalis, sinabi niyang tatlong araw lang siyang mamamalagi sa U.S. Magpapasukat lang kasi siya kay Monique para sa gagamitin niyang wedding gown sa kasal nila ni Ogie sa December.


Sa pagkakaalam ng marami ay sa December 22, 2010 ang date ng kanilang wedding ni Ogie, pero tumanggi si Regine na sabihin sa amin ang eksaktong date ng kanilang kasal.


Hanggang ngayon, ayaw pa ring magsabi ni Regine ng iba pang detalye sa magaganap niyang kasal. Gaya ng napag-usapan nila ni Ogie, sabay na lang daw nilang sasabihin sa publiko kapag buo at ayos na ang lahat.


THE PROPOSAL. Ayon kay Regine, three years ago pa nang mag-propose sa kanya si Ogie. Nakapag-file na rin daw ng petition for annulment si Ogie bago ito nagsabi sa kanya ng "Will you marry me?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Naulit ba uli yung "will you marry me?" noong lumabas ang petition for annulment ni Ogie?


"Hindi na, kasi sinagot ko na siya, e," mabilis na sabi ng singer-actress.


Kapansin-pansin sa daliri ni Regine ang isang singsing na may malaking bato ng brilyante. Mukha itong antigo at may malaking halaga.


Nang tinanong siya kung ito ba ang sinasabing engagement ring ni Ogie sa kanya, mabilis naman siyang sumagot nang nakangiti, "Oo, 'eto na yun."


Biniro namin si Regine kung wala na bang sumunod pang singsing na ibinigay sa kanya si Ogie matapos ang announcement nito sa Party Pilipinas noong August 8. (CLICK HERE to read related story.)


"Sabihin mo sa kanya, baka type niya pa akong bigyan ng isa pa?" natatawang sagot ni Regine.


"Hindi, maganda na ito," bawi niya. "Kasi this is from his mom. She gave him a ring for me. Kasi he told them na he's gonna propose. He told her... Siyempre, he has to tell his parents na that he's proposing. 'O, ibigay mo ito sa kanya.' It's a family heirloom. It's an old diamond."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


WEDDING SONGS. Maraming naiisip sina Regine at Ogie para sa kanilang wedding, pero wala pang final kung ano talagang awit ang gagamitin sa seremonya.


"Right now, hindi pa napa-finalize ang mga songs, e, kasi sa bandang dulo na 'yan, e. Nandoon pa muna kami sa kung anong motif. We have to finalize all that first. Kakanta siguro ako sa reception kasi sa party naman yun."


Kung siya ang papipiliin, anong song ni Ogie ang gusto niyang marinig sa mismong wedding nila?


"Marami naman kasi siyang isinulat na kanta for me, di ba?" sabi ni Regine. "Gusto kong ma-surprise. Gusto kong ma-surprise kung kakanta ba siya or ipapakanta ba niya doon sa wedding march. Parang gusto kong ma-surprise, I don't wanna know."

MAKING HER HAPPY. Maraming magkasintahan ang na-inspire sa linya ni Ogie kay Regine: "I promise you, I will make you the happiest woman on earth." Ano ang reaksiyon niya rito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


"Oo, kailangan niyang panindigan yun, 'no! Itutulak ko siya sa bangin, 'no! Walang bangin sa bahay, sige, sa pool na lang!" biro ni Regine.


Pero dugtong ni Regine sa seryosong tono, "He has made me the happiest woman in the world for the past eight years. I think he just needs to continue that coz he has been making me happy for the past eight years."


Gaano siya kasaya ngayon?


"I guess yung feeling ngayon, it's a little bit different from before. Kasi now, exciting, kasi may wedding. Plus, we're free. Yun ang nararamdaman ko, we're free.


"Masaya naman kami kahit no'ng nagtatago kami. Kasi we wanted the people to know. Pero, at the same time, exciting sa akin yun, e.


"Plus, parang no'ng ako lang ang may alam, masaya rin na ako lang ang may alam. Parang it was the only thing that I have. Parang being in the business, parang alam na lang lahat ng tao. So, parang it was the only thing na ako lang ang may alam. Parang it's mine, parang gano'n. It was exciting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"But now, it's out and the annulment is granted already, I feel free. Kasi different levels, e," paliwanag niya.


Paano siya nai-inspire ngayon compared before na "nagtatago" pa sila ni Ogie?


"Siguro more than ever, I am more conscious to be a better person for him. Mas conscious ako na maging mabait ako. I hope, God, I won't change. Siyempre, iba na yun pag mag-asawa na kayo," sabi ni Regine.

HER FEARS. Aminado si Regine na maliban sa excitement na nararamdaman niya, may takot din siya sa bagong buhay na papasukin niya.


"Siyempre, iba na yun pag mag-asawa na kayo, e. Kasi changes. Not so much with him, but with me.


"Alam ko na siya, e. He's been married before and he knows kung ano ang pagdadaanan ng mag-asawa. Ako yung hindi ko alam. Natatakot ako siyempre.


"But I know it will be a fun ride. Whatever happens, it will be a fun ride and we'll just probably have some fights, some really bad fights. But in the end, I'm sure there always be laughter. That's what we do, we laught all the time...all the time," saad ni Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hindi naman yata sila nag-aaway ni Ogie? Mukhang wala silang pinagdaanang matinding tampuhan dahil madalas silang nakikitang masaya.


"Meron naman," pagkontra ni Regine. "Kasama naman yun, e. That's how you know your partner, di ba? Doon mo nakikilala kung anong klaseng pagkatao meron ang partner mo, kung saan siya nagtatampo. Kung ano ang ikinasasama ng loob niya. Kasama yun e."


Paano ba nagtatampo si Ogie?


"Hindi yun nagtatampo. Ako yung matampuhin. Hindi yun matampuhin. Hindi siya nagtatampo," sabi niya.


Dagdag pa ni Regine, "Hindi rin siya nagagalit kasi sabi ko, 'Ayokong makitang magalit ka.' Sabi ko, 'I don't wanna see that side of you.' So, he's very patient with me. As much as possible also, I know he's patient, pero ayoko ring i-test kung hanggang saan yung patience niya, alam mo yun?


"Hopefully, I don't get to see that side of him kasi masamang magalit 'yan, e. Actually, nakita ko na. Hindi sa akin siya sa nagalit kundi sa ibang tao. Pero nakita ko na. So, hopefully, hindi niya ilabas yun sa akin kasi nakita ko na. Ayokong makita yun. Kasi hindi ko naman siya inu-uret.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"'Saka, I'm very malambing, maalaga naman ako. Pero sana, more. Since I also have a career, meron rin akong career na dapat asikasuhin kaya minsan hindi ko siya masyadong naaalagaan as much as I would like to. But, ngayon nga na we're getting married soon, and next year we'll be a couple already, mag-asawa na kami, I'll just really have to find time and effort to take care of him."


REGINE'S SACRIFICE. Hindi rin nagbabago ang plano ni Regine na isakripisyo ang malaking bahagi ng kanyang career para kay Ogie.


"Next year I have to slow down a little bit because I want to have a baby. Yun naman ang next step. Anyway, we've been together for eight years," sabi ng 40-year-old singer-actress.


Hindi pa raw final ang planong magkakaroon siya ng Valentine's concert na sasabayan ng anniversary celebration niya. "Na pinaplano ng kapatid na hindi ko pa alam," na ang tinutukoy ni Regine ay ang kapatid at manager niyang si Cacai Velasquez-Mitra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Yun ang pangarap niya kasi," dugtong niya.


Malamang na wala na siyang anniversary concert?


"Oo nga. Hindi ko pa alam kung gagawin ko nga 'yang Valentine show na 'yan, I'm not sure. But hanggang January, if ever nga siguro na hanggang February, kasi I'm doing another soap, e. It's supposed to start in October. Two months na naka-can, hopefully ipalalabas na rin nila kaagad. Hindi ko pa alam kung kailan," sabi ni Regine.


Hinahabol ba ng GMA-7 na magkaroon siya ng soap ngayon para in case na mabuntis siya ay may mapanood pa rin ang mga tagahanga niya sa kanya?


"I was hoping nga na maka-can nga nila para ilabas next year. Pero apparently, two months lang maka-can at December na nila ilalabas yung show... Ang tagal na walang mapapanood sa akin yung mga tao pag nabuntis ako. A, di bale, may Party Pilipinas naman. Kasi mahirap yung soap, e. Saka yung pelikula with Aga [Muhlach], maipalabas na rin. Sinagad ko na this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Pero nagpaalam naman ako kay Ogie. Siyempre, I have to let him know kung ano yung mga plans ko. Siyempre, may mga plano rin siya. Sabi ko, 'Puwede ko na lang bang sagarin this year?'


"'Saka para kasi din, I just think the work, yung soap. I don't have to think about the wedding. I just wanna go there glamorous and beautiful. Sinasabi ko lang sa kanya na ayoko ganyan, ganito. Ganito, ganyan ang gusto ko, plain and simple. Ayoko ng masyadong maarte," sabi ni Regine.

Read Next
Read More Stories About
Regine Velasquez, Ogie Alcasid
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network
Close
© 2026 Philippine Entertainment Portal Inc. All Rights Reserved
"Since I also have a career, meron rin akong career na dapat asikasuhin kaya minsan hindi ko siya masyadong naaalagaan as much as I would like to. But, ngayon nga na we're getting married soon, and next year we'll be a couple already, mag-asawa na kami, I'll just really have to find time and effort to take care of him," says Regine Velasquez about future husband Ogie Alcasid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
  • 50%