Andi Eigenmann will take a break from TV to focus on movies

IMAGE 0


Young actress Andi Eigenmann is the cover girl of the September issue of Cosmopolitan magazine.


Going places na talaga ang Agua Bendita star na si Andi Eigenmann.

Bukod sa pagiging matagumpay ng launching TV series niyang Agua Bendita, isa rin si Andi sa paboritong cover girl ng glossy magazines ngayon. Ang latest nga ay sa Cosmopolitan kung saan siya ang cover ng September issue.

During the presscon proper for this issue of Cosmopolitan and for the Cosmo Bachelor Bash yesterday, August 31, Andi said she is honored na maging cover girl ng nangungunang women's magazine sa bansa.

LAST WEEK OF AGUA BENDITA. Malaki naman ang pasasalamat ni Andi sa mga sumuporta sa Agua Bendita, na naglunsad sa kanya bilang isa sa pangunahing young actresses sa bansa.

"I'm really thankful to those who supported us, who really admires us and support our show and what we do. Sobrang nakakatuwa talaga ang feeling at sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

"Marami pang magaganap na interesting twist at pangyayari. Four days to go, four episodes to go. Sana abangan n'yo. 'Eto na yung teleseryeng makakapagpaluha sa inyong lahat. At the same time, magpapangiti rin ng puso n'yo," saad ng anak nina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Mami-miss kaya niya ang leading man niya rito na si Matteo Guidicelli?

"Of course, mami-miss ko si Matteo," sagot ni Andi. "With Agua Bendita, I gained a new friend whom I can trust. And you know, have fun with. So, nakakalungkot na, ngayon, hindi ko na siya makikita as often as before.

"Of course, all the others, ang dami kong nakilala. At saka, ang dami kong na-build na friendship. Sobrang naging close ako sa kanilang lahat. They became sort of my second family."

Posible kayang maging first and last team-up nila ni Matteo ang Agua Bendita?

"Sa team-up naman, hindi pa natin malalalaman kung last. Pero, kung hindi pa kami magwo-work together, we'll know any time soon. I guess, that would be okay. Kasi, hindi naman namin kailangan maging partner para i-keep yung friendship namin," sabi ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When asked about her next teleserye after Agua Bendita, na magtatapos na sa September 3, sinabi ni Andi na wala muna siyang gagawin.

"I'll be busy focusing on movies po kasi. I have two movies to do for MMFF [Metro Manila Film Festival], yung Shake, Rattle & Roll at yung Temptation Island," paliwanag niya.


MATTEO'S SEXY PICTORIAL. Ano naman ang masasabi niya sa sexy pictorial ni Matteo bilang isa sa mga Top 10 Celebrity Centerfolds ng Cosmo?

"Ay, nagulat ako!" bulalas ni Andi. "Sabi pa niya, 'Hey, hey, you've got to look at my picture. Tell me if it looks nice!' Tapos sabi ko, 'Patingin nga. Hay naku, fake yata 'yan, a!'

"Ang ganda! Nagulat ako. Hindi ko ine-expect. Ang laki ng ipinayat ni Matteo, in fairness."

Magtsi-cheer ba siya kay Matteo sa Cosmo Bachelor Bash on September 9?

"Naman! Babarilin ko pa nga raw siya ng water gun, e!" natatawang sagot ni Andi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN