Karel Marquez returns to showbiz after giving birth

IMAGE 0


"Hindi pa naman huli ang lahat. Yung iba nga, mag-i-start pa lang. Yung iba nga, they're fortunate to start early. And I think my age is not naman that old. May pag-asa pa naman ako to show my talent, di ba? Puwede naman akong maging ate ng mga baguhan ngayon!" says Karel Marquez about her showbiz comeback.


Matapos ang halos tatlong taong pamamahinga sa showbiz, muling nagbabalik ang young actress na si Karel Marquez.

Nagsimula si Karel sa ABS-CBN at naging video jock ng MYX. Lumipat siya sa GMA-7 kung saan nakagawa rin siya ng ilang shows at ang pinakahuli nga ay ang Zaido noong 2007.

Ngayon ay dalawa na ang anak ni Karel sa mister niyang si Armand Go: sina Kailey Adriana (1 year and 5 months old) at Kyler Armand (4 months old).

Tampok si Karel sa musical stage play na Ang Guro, produced by Stairs Theater and Imagination Beyond in cooperation with the Department of Education (DepEd).

Last Saturday, August 29, ay inilabas sa SM Megamall Cinema 9 ang nasabing play kung saan may guest appearance ang asawa ni Karel at ang kanyang ina na si Pinky Marquez.


KAREL'S COMEBACK. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the play, ipinaliwanag ni Karel kung bakit stage play ang una niyang public appearance.

"Nagkataon lang kasi na bago pa lang akong nanganak, in-offer na ito sa akin. Nakaabang na ito. And this play is to run until December. Actually, since accredited ng DepEd, so most of the schools bought na our shows. So, meron na sa Visayas, Cebu, Mindanao.

"Though hindi naman ito araw-araw, parang stepping stone na rin ito para bumalik ako sa showbiz. Hindi naman kung theater, theater lang. Kung babalik ako, babalik rin talaga ako sa showbiz... Actually, any time puwede na, e."

Kailan lang ay nakipag-meeting si Karel sa ABS-CBN at GMA-7 para sa pagnanais niyang bumalik. Hindi pa lang siya makapagbigay ng detalye kung saang network siya magsisimula uli.

Kuwento niya, "Sa ABS ako nanggaling tapos nag-GMA-7 ako. And then, I got pregnant and I took a break. So, ngayon, although I've been talking to ABS na rin, lalo na yung family ko sa MYX, at saka sina Mr. M [Johnny Manahan] at si Ms. Mariole [Alberto, Star Magic head].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kulang daw sila sa mga kontrabida. Sabi nila, 'Naku, we need more. We need more people like you. Oh, you're back! You're here, you look, okay, ha?' Parang gano'n sila. So, sabi ko, 'Opo, just letting you know. Kung meron po kayong mga projects...' Welcome naman."

Mas mature roles na ang planong tahakin ni Karel sa kanyang acting career. Ang gusto raw niyang tularan ay si Jodi Sta. Maria.

"I like the way Jodi, yung takbo ng career niya, dahil kahit hindi siya bida, meron siyang mother role, meron siyang kapatid ni ganyan, kontrabida. 'Saka yung meeting namin with both channels, yun ang gusto nila sa akin. Parang doon ako nababagay.

"Yung pagbi-VJ, open pa rin ako sa gano'n. Kaya lang, sabi nila graduate na raw ako sa gano'n. But kung merong gano'n, why not? Pero parang handa na rin ako sa more mature roles...

"Yung singing naman, yun talaga ang passion ko. Pero hindi pa yun naiisip. Siguro puwede yung sa ganito lang, like 'etong musical stage play namin." sabi niya.

Binigyan daw muna si Karel ng ilang buwang pahinga matapos siyang manganak sa kanyang bunso bago niya simulan ang Ang Guro.

"Inantay lang kasi dahil I gave birth four months pa lang. So, I had to relax for a while dahil both caesarean yun. So, matagal yung recovery no'n. After about two months pa lang akong manganak, I started rehearsing na [for Ang Guro]. Tapos, last week pa lang yung meeting sa mga channels," kuwento ng 24-year-old singer-actress.

LIFE OF A MARRIED WOMAN. Ikinuwento rin ni Kare sa PEP na tatlong taon na siyang kasal kay Armand. Ikinasal sila sa isang civil ceremony. "Masarap na mahirap" ang description ni Karel sa kanyang married life.

"There's no perfect marriage. Pero it's hard talaga kasi you have to raise your kids and then give lahat yung needs na kailangan nila. Siyempre, ayoko namang silang pagdamutan sa gano'n kaya rin naman ako babalik sa showbiz. Hindi lang ito passion ko kundi para na rin ito sa pamilya ko," pag-amin ni Karel sa tunay na rason ng pagbabalik niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa buy-and-sell business ng mga kotse at gadgets ang kanyang asawa, pero nais din daw nitong subukan ang modelling.

"Yun ang gusto raw niyang pasukin," sabi ni Karel. "Napagkamalan nga siya, e, before. Yung dati na mga rumors-rumors, pinagkamalan siyang si Will Devaughn, pero hindi naman."

Wala raw planong pasukin ng kanyang mister ang showbiz. Susuporta lang daw ito sa kanyang pagbabalik sa industry.

"Sabi niya, he's just there to support me kung papasukin ko nga uli. Basta, bagay lang daw sa akin yung mga roles na gagawin ko. Why not? Why not, di ba? 'Eto ang buhay ko, e. Yung passion ko."

POSITIVE OUTLOOK. Positibo ang pananaw ni Karel sa inaasahang pagsisimula uli niya sa showbiz. Ayaw na raw niyang isiping nagkamali siya nang mabuntis siya noong nagsisimula na siyang magkapangalan.

"Well, hindi naman dahil nangyari na," sabi niya. "'Saka blessing ko naman talaga ang mga anak ko. All I have to do is think positive. Hindi pa naman huli ang lahat.

"Yung iba nga, mag-i-start pa lang. Yung iba nga, they're fortunate to start early. And I think my age is not naman that old. May pag-asa pa naman ako to show my talent, di ba? Puwede naman akong maging ate ng mga baguhan ngayon!" tawa niya.

Dagdag pa ni Karel, "You know what I mean? Hindi pa naman huli ang lahat, di ba?"

Nililinaw lang ni Karel na sa acting siya mas magiging mature at sa pagtanggap ng roles, hindi yung mapapa-sexy siya.

"Hindi yung bold. Acting-wise, heavy drama yung gusto ko. Kaya ko rin naman yung mga yun. Like nga yung Jodi Santamaria type, Dimples Romana...those are character actresses na hinahangaan rin ng marami. So, parang gano'n rin ang gusto ko," paliwanag niya.

Gusto rin ni Karel na mapabilang sa mga musical TV series.

"Oo nga e, yung napapanood ko sa TV, yung Idol [of ABS-CBN] There's one coming in GMA-7. It's one of my dreams na, one day, kahit hindi lead pero maging part ng musical, pero soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, any kind of soap I'm ready, e. Actually, eager na talaga akong umarte after two years of resting." excited niyang sambit.

Gusto rin ni Karel na ituloy na rin ang naumpisahang stage acting career dahil naka-lineup na sa kanya ang isang musical play naman para sa mga grade schoolers sa 2011.

Maging sa commercials ay bukas din si Karel. Kahit bida ang kanyang mga anak o kahit kasama pa siya.

Sa ngayon, sila ng kanyang ina ang nagpapalakad ng kanyang career. Pero open daw si Karel sa co-management sa alinman network na kukuha sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN