Nadine Samonte will side with Marian Rivera if rumored rift with Endless Love co-star Bela Padilla is true

IMAGE 0


"Hindi ko po alam kung nagagalit na sila sa akin. Hindi po kasi ako lumalabas ng bahay kapag nakauwi na ako mula sa taping. Ang nararamdaman ko lang, may mga hindi na namamansin sa akin!" says Nadine Samonte about the reaction she gets to her role as Shirley in Endless Love

.


Nag-sorry si Nadine Samonte sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket interview na ipinatawag para sa kanya ng GMA Artist Center kahapon, September 2, sa Executive Lounge ng GMA Network Center. Na-late kasi nang dating ang young actress dahil sa sobrang traffic sa EDSA.

Galing pa raw siya sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna. Nag-freshen up lang daw siya mula sa taping niya ng Endless Love sa Nasugbu, Batangas.

Sa Endless Love ay ginagampanan ni Nadine ang role ni Shirley, ang karibal ni Jenny (Marian Rivera) sa pagmamahal ng kanyang mga magulang (Tirso Cruz III at Sandy Andolong). Kaya biro agad sa kanya ay kung may nagalit o nanakit na sa kanya dahil sa labis na "pang-aapi" niya kay Marian sa soap.

"Hindi ko po alam kung nagagalit na sila sa akin. Hindi po kasi ako lumalabas ng bahay kapag nakauwi na ako mula sa taping. Ang nararamdaman ko lang, may mga hindi na namamansin sa akin!" natatawa niyang sabi.

Ibig sabihin, effective ang pagganap niya bilang Shirley, sabi namin. Nagpapasalamat naman si Nadine.

Kahit si Marian, nakakatikim na rin ng pananakit niya. Hindi ba nagagalit si Marian sa kanya?

"Nagsasabi naman ako bago kami mag-take kung ano ang gagawin ko at okey lang sa kanya. Pero minsan, 'yong eksena namin sa may swimming pool, bigla ko siyang binatukan na hindi ako nagpaalam sa kanya. Nag-sorry ako sa kanya pagkatapos. Hindi siya nagalit, kasama raw 'yon talaga sa eksena," saad ni Nadine.

Anong mangyayari sa character niya sa Endless Love?

"Lalong sumasama ang character ko!" natatawang wika ni Nadine. "Sana hindi magalit sa akin ang mga fans ni Marian. Ginagawa ko lang kung ano ang hinihingi ng script at sa ipinapagawa sa akin nina Direk Mac [Alejandre] at Direk Andoy [Ranay].

"Ngayon, tinuturuan ko po si Yumi [Bela Padilla] kung paano magpakamatay para mabaling ang atensiyon ni Kuya Johnny [Dingdong Dantes] sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro rin si Nadine dahil sa kissing scenes nila ni Dennis Trillo sa Endless Love. Nagpaalam ba siya sa girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado, na kaibigan at ka-batch ni Nadine sa StarStruck?

"Naku, friend ko si Jen, hindi na ako kailangang magpaalam!" nakatawang sagot ni Nadine. "Na-take two nga ang eksenang 'yon na hinahalikan ko siya. Noong una kasi, dinadaya-daya ko, pero ayaw ni Direk Mac. Kailangan daw totoo, kasi ako ang nagse-seduce kay Andrew [Dennis]. Ngayon, ako naman ang ginagamit ni Andrew para pagselosin si Jenny."

Nasa week nine na raw ang tini-taping nila, pero tatagal ang Endless Love hanggang week 14, at matatapos ito sa October 15.

MARIAN VS. BELA. Naging maingat naman sa pagsagot si Nadine nang tanungin siya kung may tension nga ba sa set ng Endless Love dahil sa issue kina Marian at Bela Padilla, na gumaganap bilang Yumi, girlfriend ni Johnny (Dingdong). (CLICK HERE to read related story.)

"Actually, sa lahat naman ng set, nagkakaroon talaga ng tension," sabi ni Nadine. "Hindi ko nga alam kung may issue nga sa kanila.Kung mayroon man, wala akong pinaniniwalaan sa mga issue sa kanila.

"Close ako kay Marian dahil matagal na talaga kaming magkasama, simula pa nung Super Twins. Nasundan pa ito ng Marimar at Darna. Bale ito [Endless Love] na ang fourth project naming magkasama."

Si Marian, may naikukuwento ba sa kanya?

"Meron din, pero between friends na lang 'yon," sagot ni Nadine.

Kung sakali ba na magkaroon talaga ng issue kina Marian at Bela, sino ang papanigan niya?

"Siyempre kay Marian ako kasi mas kilala ko siya. Wala kaming problema, mabait siya sa akin," diretsong sagot niya.

Hindi ba niya puwedeng maging friend si Bela?

"Puwede, pero hindi ko pa kasi siya masyadong kilala. Sa eksena lang kami nagkakasama."

NADINE'S LOVELIFE. Kinumusta rin kay Nadine ang lovelife niya. Kailan ba sila magpapakasal ng non-showbiz boyfriend niyang si Emerson Chua?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa rin namin napag-uusapan ang kasal. Pero totoo po, sa akin, na gusto ko by 2012, magpakasal na kami," sabi niya.

Nagpapatayo na raw ng bahay si Emerson para sa kanila?

"Hindi po, wala pa pong ganoon," tanggi ni Nadine. "Ako po, tinatapos na ang condo unit ko sa may Ortigas Center. Kapag natapos na 'yon, lilipat na kami doon. Mahirap din po sa akin kapag nasa Sta. Rosa ako, tapos nasa Manila ang trabaho ko.

"Wala po kasi akong driver, ako ang nagda-drive ng car ko. Every Wednesday lang ako may driver dahil libre ang driver ng boyfriend ko at ipinahihiram niya sa akin."

Bakit nga ba hindi siya kumukuha ng driver?

"Ewan ko po ba. Kapag may driver po ako, lagi akong naaaksidente. I feel safe po kapag ako ang nagda-drive," paliwanag ng young actress.

INHERITANCE. Biniro rin si Nadine kung natanggap na niya ang kanyang mana mula sa grandparents niya sa Germany, at magkano ba ang aabutin nito. Iyon ba ang dahilan kaya siya pumunta ng Germany last year?

"Hindi ko po alam, hindi pa po yata napag-uusapan. Hindi po naman ako tumuloy sa Germany, kasi sabi ng daddy ko, iho-hold daw niya ako kapag nagpunta ako doon, hindi na niya ako pababalikin ng Pilipinas.

"Kaya sa Amsterdam at Paris lang ako pumunta. Si Daddy po ang umuwi dito last April. Okey lang po sa akin kung wala man akong matanggap na mana. Mas maganda pa rin sa akin na pinaghirapan ko ang pera ko," sabi ng Filipino-German actress.

RELATIVE OF MENDOZA. Sa isang footage ng burol ni Rolando Mendoza na ipinalabas sa primetime newscast na 24 Oras ay ipinakitang nandoon si Nadine. Si Mendoza ang namatay na hostage- taker sa madugong trahedya sa Quirino Grandstand noong August 23 na kumitil sa buhay ng siyam na Hong Kong nationals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit nasa burol siya ni Mendoza?

"Second cousin ko po siya," banggit ni Nadine. "Hindi ko nga po alam na relative namin siya.

"Ang lola ko lang ang nag-aya sa akin na pupunta raw kami sa burol. 'Sino ang namatay?' Yun, noon ko lang nalaman na siya pala 'yong napanood ko sa news. Bata pa kasi ako noong pumupunta kami sa Tanauan, Batangas, at hindi ko na siya natandaan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN