Geoff Eigenmann says he will give the same effort to his new tandem with Glaiza de Castro

IMAGE 0


"One of the roles that my dad [Michael de Mesa] was really good at it was gay role. I want to try something like that na seryoso talaga na gay role," says Geoff Eigenmann.


Nakapag-last taping na ang afternoon soap ng GMA-7 na Basahang Ginto sa Bataan. Ayon kay Geoff Eigenmann, ang leading man ng bidang si Carla Abellana, masaya naman ang naging last taping day nila.

"Enjoy, relax lang... Noong morning, then buong afternoon, nasa beach lang kami. Naghintay kami ng sunset," kuwento ni Geoff nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last September 1 sa Kitchen of Cakes and Coffee sa Tomas Morato, Quezon City.

Noong Monday night, August 30, daw sila nag-cast party.

"Masaya naman. Although siyempre, medyo sad lang din talaga na tapos na yung taping, tapos na yung show."

ALMOST THERE. Tungkol naman sa ka-love team ni Geoff na si Carla, sinabi ng young actress sa isang panayam na konti na lang ay baka sagutin na rin niya si Geoff. Yun nga lang, parang wala nang gustong maniwala na hindi pa sila. Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

"Well, siya naman ang nagsasabi na malapit na. So, tingnan natin the way it is. Hopefully, soon, soon," sagot ng binata.

Formality na lang yata na sagutin siya ni Carla dahil parang sila na talaga?

"Puwede, puwede!" natatawang pagsang-ayon ni Geoff.

"Napa-"wow!" naman si Geoff nang may magsabing bagay sila ni Carla at marami ang nagsasabing magkahawig sila. Halatang kinilig ang young actor.

NEW LEADING LADY. Naka-schedule nang mag-taping si Geoff para sa bago niyang primetime series, ang Grazilda, although nakapag-taping na ang ibang cast nito. Ngayong September na rin ito nakatakdang iere ng GMA-7.

Sa Grazilda ay si Glaiza de Castro ang makakapareha ni Geoff. Kumusta ang tambalan nila?

"Excited, kasi nakikita ko na rin ang plug ng Grazilda ngayon, tapos primetime, ginagastusan. Si Glaiza naman, ever since, bilib ako sa kanya. She's a good actress. Magaling siyang kumanta, she's an all-around performer. And I really look forward to working with her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May ginawa rin kaming screen test. Kaya siguro kami na-pair, they saw something. At saka yung audition scene, parang natural ang delivery, kumportable kami sa isa't isa."

Hindi na rin daw siya na-surprise when he found out na sila ni Glaiza ang bagong magkakapareha.

"Ako, medyo hindi ako nagulat. Kasi sa audition na naka-partner ko as Grazilda, siya yung pinaka-okay."

Tinanong din ng PEP si Geoff kung ine-expect ba niya na ganun din ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa team-up nila ni Glaiza gaya ng naging pagtanggap sa love team nila ni Carla?

"Depende kung magugustuhan ng tao, it's really up to them," sagot niya. "Kung magustuhan nila kami, I guess it's just good for us. Pero siyempre, I'll give my same effort. Pero ang tingin ko kay Glaiza is different from Carla."

CARLA WITH A DIFFERENT LEADING MAN. Wala rin daw problema kay Geoff kung sina Carla at Dennis Trillo naman ang magkakapareha sa susunod nilang project.

"Okey lang, maganda naman ang chemistry nila, ang tandem nila. Nag-start sila sa Lovebug, and they have a TV commercial na na-extend nga raw kasi aliw. Ako naman, okey lang sa akin, it's work."

Dugtong pa ni Geoff, "It's given naman na hindi naman kami ni Carla puwedeng forever na kami lang ang partner."

Pero wala bang kaba sa part niya na ngayong magkaiba na sila ng partners at ibang projects na ang ginagawa nila, may posibilidad na mabago ang kung anumang relasyon meron sila ngayon?

"Ang mababago lang siguro is the time," sabi ni Geoff. "Kasi, from almost every day together for a year, a year and a half, to biglang hindi magkikita kasi magkaiba ng schedules. That would gonna be a difficult adjustment. But hopefully, we'll work through it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN