Katrina Halili says she's slowly gaining back her self-confidence

IMAGE 0


The actress wouldn't let a sex-video scandal wreck her life and career, but she admits it's a long, hard climb: "May times na ayoko nang lumabas ng bahay. Kaya nakakatulong ang dalawang therapists at ang isang pastor na kaibigan ng family namin. Natutulungan nila ako na mabalanse lahat... Kailangan lang na physically, mentally at spiritually, prepared ako sa lahat ng puwedeng mangyari sa akin. In fairness, nabawasan ang pag-iiyak ko."


Tahimik ang lahat ngayon para kay Katrina Halili. Unti-unti na nga raw nagiging maayos ang kanyang buhay pagkatapos ng matinding iskandalo na pinagdaanan niya.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Katrina last August 30 sa taping ng Langit sa Piling Mo sa Aviation Complex ng Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Freezone Port, Pampanga, inamin nito na nagte-take siya ng ilang sessions sa dalawang therapist para mailagay sa tamang direksyon ang kanyang buhay. Bukod sa therapists ay kumukunsulta rin siya sa isang pastor na kaibigan ng kanyang pamilya.

RECLAIMING HER BALANCE. Hindi itinanggi ni Katrina na minsan ay nakakaramdam pa rin siya ng low self-esteem. May mga araw na may kumpiyansa siya sa sarili at may mga araw na parang natatakot siyang lumabas ng bahay.

"Akala ko kasi mawawala na ang takot ko sa maraming tao. Medyo nawala na siya, pero parang bumabalik pa rin," explained Katrina.

"May times na ayoko nang lumabas ng bahay. Pero hindi naman puwede na gano'n kasi kailangan kong magtrabaho. Kaya nakakatulong ang dalawang therapists at ang isang pastor na kaibigan ng family namin. Natutulungan nila ako na mabalanse lahat.

"Sinasabi sa akin ng mga therapist na mind over matter lang daw lahat. Lahat ng takot kailangan ko raw paglabanan. Hindi ako dapat magpatalo kasi ako ang magiging kawawa. Sabi naman ng pastor, ipagpatuloy ko lang ang pagdarasal. Kailangan spiritually ay malakas din ako.

"Kaya unti-unti, bumabalik ang confidence ko. Kailangan lang na physically, mentally at spiritually, prepared ako sa lahat ng puwedeng mangyari sa akin. In fairness, nabawasan ang pag-iiyak ko."

Matagal pa kaya ang paggagamot na ito ni Katrina sa kanyang sarili?

"Depende po, kasi akin lahat 'yan. Kung tanggap ko na ba lahat ng mga nangyari sa akin, mabilis ang healing process. Inaamin ko na mahirap tanggapin lahat. Mahirap ang mag-move on sa nangyari but I am trying my best na matanggap iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Konting panahon pa siguro. Sabi nga nila, time heals all wounds, di ba? Kaya lagi kong pinagdarasal na maayos na ang lahat."

COURT CASE VS HAYDEN'S MOM. Patuloy rin nga ang paghahanap ni Katrina ng hustisya, lalo na sa kaso laban sa ina ni Hayden Kho Jr. na si Mrs. Irene Kho.

Kailan lang ay nagkaharap sila sa isang Quezon City court para sa mediation ng libel case na isinampa ni Katrina laban kay Mrs. Kho. Inakusahan kasi on national television ni Mrs. Kho si Katrina na gumagamit ng pinagbabawal na gamot at tinuruan pa raw nito ang kanyang anak na si Hayden na gumamit ng droga.

Pero wala raw nangyari sa mediation na iyon at tuloy ang kaso ni Katrina laban sa ina ni Hayden. Ang ikinasama pa ng loob ni Katrina ay hindi man lang daw niya nakitaan ng anumang pagsisisi ang ina ni Hayden at maliit pa rin daw ang pagtingin sa kanya nito.

"Mga abugado naman namin ang nag-uusap sa mediation. Pero nangyari na nga iyon at tuloy po ang kaso. Wala na akong magagawa talaga. Kung sana nakarinig ako ng sorry mula sa kanya dahil sa mga sinabi niya at sa ginawa ng anak niya. Pero wala, e. Pakiramdam ko ay minamaliit pa nila ang kakayanan ko.

"Kaya no choice kundi ipaglaban ko ito. Hindi ako papayag na siraan pa nila ako. Ako na ang naagrabyado. Ako na itong hindi pa maka-move on talaga. Pero sila nakakangiti sila sa maraming tao na parang wala silang kasalanan. Kaya pinapaubaya ko lahat kay Lord. Alam ko na muli Niya akong matutulungan sa pinagdaraanan ko ngayon," diin ni Katrina.

NEXT PROJECT. Nagpapasalamat na lang si Katrina na sa nalalapit nang pagtatapos ng Langit sa Piling Mo ay may sisimulan na siyang bagong show, ang Koronang Papel kasama si Iza Calzado. Muli ay kontrabida siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang na parati akong kontrabida. Hindi ako dapat maging choosy," ngiti niya. "Basta may trabaho tayo, okey ang lahat. Marami pa akong bayarin at unti-unti naman ako nakaka-recover financially.

"Kaya salamat sa GMA-7 at nandiyan pa rin ang tiwala nila sa akin. At nandiyan din sila para sa paghahanap ko ng hustisya," pagtatapos ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN