Regine Velasquez on her wedding gown: "Basta, ang alam ko lang, I don't wanna wear white...hindi na rin naman ako 16!"

IMAGE 0


"Kasi, kinasal na rin ako ng ilang beses sa movie. at saka hindi na rin naman ako 16," she quipped about the wildly rumored P1.5 million gown she's ordering from Hollywood designer Monique Lhuillier.


Last week ay pumunta sa Amerika sina Regine Velasquez at isa sa tatayong ninang sa kasal nila ni Ogie Alcasid, na si Dra. Vicki Belo. Nasa States sila kamakailan para ipagawa ang wedding gown ni Regine sa L.A.-based Filipina designer na si Monique Lhuillier.

Sinundan sila doon ng Startalk host na si Ricky Lo, na may lakad din sa States kaugnay ng interbyu sa foreign stars, para makakuha ng ilang detalye tungkol sa kasal.

Ang unang tanong niya ay kung bakit si Monique ang napiling designer, na sinagot naman agad ni Dra. Vicki ng, "Dream niya."

Ayon naman kay Regine, "Actually, si Ogie ang namili no'n kasi alam niya talaga na gusto kong mag-wear ng Monique Lhuillier creation. But I didn't know na gagamitin ko sa kasal ko."

Tulad sa unang nabalita, si Dra. Vicki nga ang sasagot sa gown ni Regine bilang regalo niya sa kasal, at sumang-ayon naman daw si Ogie.

Sabi pa ng pamosang cosmetic surgeon, "Siyempre, every time they'll see the picture, they'll remember, 'Ay, bigay 'to ni Ninang Vicki.'"

Si Monique ay kilalang designer ng mga celebrities sa Amerika. Ilan sa mga nagawan na niya ng wedding gown ay sina Natalie Imbruglia, Heidi Montag, Pink, Carrie Underwood, Britney Spears, at ang asawa ni Kevin Costner na si Christine Baumgartner.

NO TO WHITE. Sabi ni Ricky Lo, kilala na raw si Regine for providing surprises to her public. Kaya anong klaseng gown daw kaya ang gusto nito?

"Hindi naman," sagot ni Regine. "Basta, actually, I don't know pa. Kasi, I'm gonna meet her pa lang. So, hindi ko pa alam kung ano ang magiging design.

"Basta ang alam ko lang, I don't wanna wear white sana. Kasi, kinasal na rin ako ng ilang beses sa movie, at saka hindi na rin naman ako 16," natatawang sabi ng mahusay na singer at aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Regine, dahil si Ogie ay endorser ng M. Lhuillier pawnshops, ito na rin ang personal na kumontak sa mga magulang ni Monique, na dalawa sa mga principal sponsors sa kasal nila sa December.

Hindi pa rin daw alam ni Regine kung kakailanganin niyang bumalik ng Amerika para naman sa fitting ng gown.

P1.5M PRICE TAG JUST A RUMOR. Natatawang dagdag ni Dra. Vicki, parang si Ogie daw ang mas excited sa dalawa. Si Regine naman daw ay parang prinsesang darating na lang sa kasal, at yun na ang kontribusyon niya.

Bilang tugon sa tsismis, di raw nila alam kunsaan nanggaling ang idea na nasa P1.5 million ang presyo ng wedding gown.

Tungkol naman sa entourage, sabi ni Regine, "We have eight or nine pairs of ninong and ninang. Pero a lot of them are really close friends talaga."

Pinabulaanan din ni Regine na sinisikreto nila ang wedding plans. "Pinag-uusapan pa talaga namin. Hindi naman siya secret. We're still deciding on... kung anong lugar, yun. Unang-una kasi, 200 lang ang guests."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN