Printing company sues Diether Ocampo and business partners for P3.6 million in debt

IMAGE 0


Diether Ocampo's reaction, sent to PEP through text message: "I have already divested my shares from UNO (5 leaf publishing Inc.). Its best that they get in touch with 5 leaf's management (Butch Romero) to address this issue. I asked my lawyers to look into it to make sure everything's okay."


Kinasuhan ng isang printing company ang aktor na si Diether Ocampo at ang kanyang business partners matapos nilang hindi mabayaran umano ang pagkakautang na P3.6 million para sa pag-imprenta ng ilang issue ng isang men's magazine.

Sa kasong isinampa ng Velprint Corporation sa Quezon City Regional Trial Court, hiniling nito na pagbayarin si Diether at ang mga partner nito na si Neil Angelo Romero at 5 Leaf Publishing Inc sa kanilang pagkakautang.

Ayon kay Leonardo Uy, general manager ng Velprint, inilathala raw nila ang mga issue ng UNO magazine mula Hunyo hanggang Disyembre ng nakaraang taon. Ayon sa kontrata, P4.1 million dapat ang kabuuang bayad na matatanggap ng Velprint mula kina Diether.

Dagdag ni Uy, P490,000 pa lamang umano ang natanggap nilang bayad. Na-reject daw ng bangko ang ilang postdated checks na ginamit na pambayad para sa mga transaksyon.

Ang nasabing kaso ay nasa sala na ni Judge Bayani Vargas ng Branch 219 ng QCRTC.

Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Diether ng komento, at sumagot naman ito sa pamamagitan ng dalawang text messages (published as is).

Aniya, "I have not received a copy of the complaint which was allegedly filed in the QC courts as reported in the news. I have already divested my shares in 5 Leaf Publishing. Its best that they get in touch with 5 leaf's management (Butch Romero) to address this issue. I asked my lawyers to look into it to make sure everything's okay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN