Ricky Davao returns to the director's chair with Grazilda

IMAGE 0


"As a director, you have to be at least first on the set and last to go. Kasi you have to prepare and you have to check... A director is the captain of the ship," says Ricky Davao about being a director.


Unang directorial job ni Ricky Davao for GMA-7 ang bagong fantaserye na Grazilda, na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro. Magkatulong sina Ricky at Dominic Zapata na magdidirek nito.

"Sa ABS, I've done a lot na, e, yung mga MMK [Maalaala Mo Kaya]. My last was MMK. Sa serye, Oka Tokat, iyon ang huli ko, tapos Munting Paraiso. Siguro mga four-five years ago na ang mga huli kong ginawa," sabi ni Ricky nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Nag-concentrate muna raw siya sa acting kaya tinalikuran niya sandali ang directing.

Bakit binalikan niya ang pagdidirek?

"For a change, para mabago naman ulit yung ano...para ibang fulfilment."

Bakit sa Grazilda siya inilagay bilang direktor?

"I don't know kung bakit nila ako nilagay dito. At least, it's a fantaserye, at the same time, real drama. So, siguro dun nila ako ilalagay sa mga ano, drama. Although sa fantaserye naman, it's ano...depende sa attack.

"Like ito, pambata na adult na rin dahil may Grazilda, di ba? Tapos adult naman yung mga magiging problema ni Grazilda pagdating niya sa real world," saad ng actor-director.

THE TWIST. Ang Grazilda, na mapapanood na simula Lunes, September 13, ay kuwento ng isa sa evil stepsisters ni Cinderella, si Grazilda, at kung ano ang mangyayari sa kanya kapag isinuot niya ang glass slipper ni Cinderella.

Hindi ba mahirap na baguhin ang isang classic tale? At gawing mabait ang isang karakter na nakilalang salbahe?

"Mahirap yun dahil actually, sinasabi nga nila you don't touch a classic, di ba? But this time, siyempre, ano naman tayo, willing naman to take risks.

"At the same time, nung napag-usapan yung tungkol sa other evil stepsister ni Cinderella, maganda yung idea na, 'Ano ba nangyari sa kanya? Is she really evil? Wala bang goodness? Ang mga tao bang evil nung araw, e, wala man lang bang nananalaytay na goodness sa kanilang katawan?' So, she was given a chance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And it's perfect that we've got Glaiza de Castro to do it because the role of Grazilda, akala mo kontrabida, yun pala, bida. And si Glaiza, as an actress, karamihan ng mga ginagawa niya nag-e-excel siya as kontrabida, e.

"But you know, she has a very, very deep, kumbaga, machinery, if you may call it, as an actress. Na kaya niyang maging sympathetic, puwede mo siyang kainisan, puwede mo siyang mahalin, puwede mong kaawaan... And it's very seldom that you can find actors who can excel in those things—both. Merong isa hanggang nakakaawa lang, ito naman nakakainis.

"Ito [Glaiza], marami, e. Pagtatawanan mo siya, kakakainisan mo pa rin siya, kakaawaan mo siya, mamahalin mo siya," papuri ni Ricky tungkol sa pangunahing bituin ng Grazilda.

ACTING/DIRECTING. Ano ang mas madali para kay Ricky—acting or directing?

"Of course, sasabihin ko acting, kasi ito ang forte ko talaga, matagal na," sabi niya. "Ang directing is very hard. Sa actor kasi, dadating ka sa set, actor ka, kung kailan yung call time mo, puwedeng umaga, tanghali, gabi.

"Sa JejeMom [his comedy series with Eugene Domingo], madalas nga ako after 12 ng gabi [nakukunan]. Kasi yung mga locations ko, pagkatapos na nung mga bahay ng mga ibang kaeksena ko.

"Pero as a director, you have to be at least first on the set and last to go. Kasi you have to prepare and you have to check... A director is the captain of the ship," sabi niya.

Hindi naman daw nahihirapan si Ricky sa schedule niya.

"Well, I'm lucky na my director in JejeMom is also Direk Dom and T-Th-S naman yung schedule namin sa Grazilda. Sa JejeMom, every Friday," banggit niya.

REMEMBERING HIS DAD. Kinumusta rin ng PEP si Ricky after ng pagkamatay ng ama niyang si Mr. Charlie Davao.

"Okay naman, ano na rin, almost more than three weeks na. Okay-okay na naman," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subsob daw siya sa trabaho para maka-move on agad sa pagkawala ng kanyang ama.

"Kailangang ganun, e," sabi niya. "Nagbakasyon din ako ng a few days sa probinsiya, sa Subic. Tapos 'yon, sumusubsob ako sa trabaho ngayon."

Ano ang nami-miss niya sa daddy niya?

"Yung tawa niya, yung kakulitan niya. 'Yon."

May sakit pa rin ba siyang nararamdaman?

"Hindi nawawala 'yon, e," sagot ni Ricky. "Makakalimutan mo tapos kapag nag-iisa ka, tapos may picture siya sa bahay... Yung isang picture niya nung huling party namin na nandun siya [sa ospital], naka-display yun sa table ko, nakikita ko, siyempre naaalala ko."

Ano ang natutunan niya sa pagkawala ng father niya?

"Wow, ano ba? Kailangan talaga mag-alaga habang bata pa tayo. Health is wealth. Hanggang kaya natin, mag-alaga, at saka if you can afford it naman, magpa-check-up ka nang magpa-check-up.

"Kasi—may he rest in peace—medyo matigas ang ulo ng Daddy ko, e. Ayaw niyang magpa-check-up, yung mga ganun. Minsan, 'O, next week na 'yan! O, bukas na 'yan! O, huwag, ayoko diyan!' Ganun siya, e. Hindi mo rin mapipilit dahil katawan niya yun, di ba?

"Iyon, pero sana... Easier said than done, kasi matigas rin ang ulo ko minsan. Ako rin ganun, e. Siguro lahat naman tayo. Pero meron nga akong sinasabi na hindi na baleng OA, basta okay ka, di ba?

"Ako, meron ding ganun. Depende rin sa priorities, e. Like minsan may taping ako bukas, e, may check-up ako sa doktor, uunahin ko na yung taping. Kikita ako dun 'tsaka enjoy ako. So, yung doktor, available ulit next week. Yung mga ganun ba. Pero so far, wala namang grabe."

SARI YAP. Patuloy pa rin ang pagli-link kay Ricky at sa magazine publisher na si Sari Yap. Pero sa isang interbyu sa misis ni Ricky na si Jackie Lou Blanco sa taping ng Basahang Ginto, sinabi nitong hindi ito naniniwala sa isyu, at magkaibigan lang daw ang dalawa. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo," sagot ni Ricky sa tanong namin kung friends lang sila talaga ni Sari.

Magkaibigan pa rin ba sila hanggang ngayon?

"Oo naman, oo naman."

Hindi naapektuhan ng intriga ang friendship nila.

"Hindi."

Bakit sila natsismis?

"E, kasi palagi kaming magkakasama, e," sabi ni Ricky. "Katulad ngayon, wala siya... Galing ako sa isang event, siguro pag-alis ko, 'tsaka siya dumating. E, kung dumating na sabay kami, e, di ano na naman, di ba?"

Ayon pa kay Ricky, pinagtatawanan lang nila ang isyu dahil hindi naman daw totoo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN