Zoren Legaspi enjoying his new career as TV host

IMAGE 0


"I am the first to admit na hindi naman ako magaling na TV host. But I am trying to at least be a good host. Kung may mga mali man ako or may palpak ako, tanggap ko naman 'yon. Matututo naman ako sa mga good and bad reviews ko. Wala namang perfect na tao, di ba?" says Zoren Legaspi.


Masayang-masaya si Zoren Legaspi dahil naging maganda ang unang buwan na pag-ere ng talk show nila ng misis niyang si Carmina Villarroel na Love ni Mister, Love ni Misis sa GMA-7.

Maganda ang ratings nila at magaganda rin ang mga naging guests nila. Nakakatanggap nga raw sila ng maraming requests kung sino ang gustong makita ng televiewers sa kanilang show ni Mina

Sabi ni Zoren sa PEP (Philippine Entertainment Portal), gagawin nila ang makakaya nila para maaliw ang kanilang audience mula Lunes hanggang Biyernes.

"Nakakatuwa at na-survive namin ang first month ng Love ni Mister, Love ni Misis. September 9 kami nag-one month at ang bilis pala ng mga araw, di ba? Kailan lang tayo nag-presscon, pero ngayon may one month na pala.

"We are definitely doing okay. Maganda ang mga nakukuha naming feedback from many people through the Internet at sa Twitter. Marami silang requests at ipinaparating namin 'yan sa staff namin.

"Overall, masaya kaming lahat kasi hindi naman namin ini-expect na maganda ang mga sasabihin ng maraming tao sa show namin ni Mina. Kami naman, open kami sa kung ano ang gustong sabihin ng mga manonood. Sila ang nagdya-judge sa kung anuman ang mapanood nila sa show namin," pahayag ni Zoren.

THE NEGATIVE FEEDBACK. Inamin ni Zoren na hindi lahat ng nakukuha nilang feedback ay pinupuri ang show nila ni Mina. May mga negative feedback pa rin naman daw at okey lang daw 'yon. Wine-welcome ni Zoren ang gano'ng mga pintas sa kanilang show.

"We cannot please everybody naman, di ba?" sabi niya. "'Tsaka hindi naman makatotohanan kung parating good reviews ka. Siyempre, may bad reviews pa rin and those are the ones na dapat mong tanggapin.

"Si Mina, sanay na raw siya sa mga gano'ng feedback. Worried siya na baka hindi ko raw ma-take yung mga hindi magagandang reviews sa paghu-host ko. Sinabi ko naman na walang problema sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The very reason na tinanggap ko ang maging talk-show host, it means na open na ako sa mga pintas sa akin. When I did nga Kitchen Battles for QTV-11, good and bad reviews ang natatanggap ko."

Dagdag ni Zoren, "I am the first to admit na hindi naman ako magaling na TV host. But I am trying to at least be a good host. Kung may mga mali man ako or may palpak ako, tanggap ko naman 'yon. Matututo naman ako sa mga good and bad reviews ko. Wala namang perfect na tao, di ba?

"So, good or bad, it's still something to be aware of. Ako, I try my best na ma-meet ang gusto nila na gawin ko bilang TV host. Willing naman ako na matuto pa sa trabaho kong ito.

"Nasabi ko nga kay Mina na 'sticks and stones may break my bones, but names will never hurt me.' Since pumasok ako sa showbiz, marami nang nasabi sa akin na hindi magaganda. Lahat na ng pintas at masasamang words ay nasabi na sa akin. But I'm still here. Kasi nga, unti-unti kong natatanggap 'yon.

"Now that I'm at this age, maraming room for improvement. Yun naman ang goal natin lahat sa ating trabaho. Work to improve," saad ng 38-year-old TV host-actor.

HOSTING IS NOT AN EASY JOB. Dahil sa Love ni Mister, Love ni Misis, na-realize ni Zoren na hindi pala madali ang maging TV host ng isang daily program. Naiintindihan na niya ngayon kung bakit sobrang napapagod si Mina kapag nagte-taping ito o minsan ay live ang dating show nito na SiS, ang morning show noon ni Carmina with Janice and Gelli de Belen.

"Tama, hindi pala madali ang daily show!" tawa ni Zoren. "Mahirap pala talaga. Kasi we tape two episodes at magsisimula kami ng umaga, matatapos na kami, minsan gabi na. Depende kasi sa concept ng episode namin for that day or kung may konting delay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tiyagaan lang talaga sa trabahong ito. Kaya kailangan pag taping, positive kaagad ang attitude mo kasi pahabaan ng pasensiya talaga.

"Kaya tinanong ko kay Mina minsan na, 'How did you do it?' Kasi nga nine years sa GMA-7 yung SiS. At talagang every day, yun na lang ang ginagawa ni Mina tuwing umaga.

"Sabi naman niya kasi, mahal niya ang ginagawa niya kaya hindi rin niya na-realize na tumagal ng gano'n ang show nila. Tama si Mina when she said na mahal niya ang trabaho niya. Hindi ka naman magtatagal sa isang tao, sa isang bagay, o sa isang trabaho kung hindi mo ito mahal."

BB GANDANGHARI. Marami pa rin ang nagtatanong kung kailan magge-guest sa kanilang show si BB Gandanghari, ang dating aktor na si Rustom Padilla na naging asawa ni Carmina. Tiyak daw na matatalo ni BB ang naging rating nang mag-guest sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa show nina Zoren at Carmina. Tiyak na aabangan iyon ng marami.

Pero hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang sagot ang staff ng show mula kay BB.

"Siguro nga, hindi pa panahon para magkita-kita kami," sabi ni Zoren. "May tamang panahon para diyan. If God allows it, mangyayari 'yon. Kung hindi naman, then we all have to wait and we are willing to wait for that day.

"Sa na-gather ko naman na balita, wala raw si BB sa Pilipinas ngayon. May nagsabi nasa U.S. daw siya. Hindi na namin siya ipe-pressure. Kung kelan niya gusto, ipaalam na lang niya sa staff ng show at handa naman kami any time para sa kanya."

DIRECTING. Tinanong din ng PEP si Zoren kung kailan siya babalik sa pagdidirek sa TV. Naging direktor si Zoren ng mga show ng GMA-7 gaya ng Wag Kukurap, Fantastikids, Atlantika, at Fantastic Man.

Ayon kay Zoren, pahinga muna siya sa pagdidirek at ang pagiging TV host muna ang aasikasuhin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal din kasi akong naging director kaya TV host muna tayo ngayon. Though may times na gusto kong magdirek talaga. Yun nga lang, baka hindi ko makaya ang schedule. Mahirap na yung magpatung-patong ang trabaho. May isang work ka na magsa-suffer talaga.

"Kaya dito muna ako sa Love ni Mister, Love ni Misis. I'm enjoying my work as a TV host at marami pa akong gustong matutunan sa ginagawa kong ito," saad ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN