Grazilda kontrabida Stef Prescott reveals breakup of long-distance relationship

IMAGE 0


Stef left La Union to pursue a showbiz career, while the guy stayed behind. Five months after, "Ipinagpalit niya ako!" the 19-year-old looker gamely admitted. "Pero okay lang... Love can wait."


Ten months ago ay naghiwalay sina Stef Prescott at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

"Ipinagpalit niya ako!" deretsahang pag-amin ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday sa presscon ng Grazilda, sa Studio 5 ng GMA TV Complex.

"Long distance relationship kasi, e," sabi niya. Sa La Union nakatira ang dating boyfriend, habang si Stef naman ay nandito sa Maynila para pursigihin ang showbiz.

YOUNG LOVE. Sa high school nila sa La Union nagkakilala ang dalawa. First year si Stef at fourth year naman iyong lalaki.

"Hindi siya nanligaw noong high school pa lang kami. Kaya six years ko na siyang kilala. 'Tapos nagkita lang kami ulit nung pumunta ako sa La Union." Noon lang daw siya niligawan.

Pero five months lang silang nagtagal. Ang dinig niya'y nagkaroon ang ex niya ng bagong girlfriend bago nakipagkalas sa kanya.

"Siya ang nakipag-break sa akin. Sabi ko, 'Bakit?' Wala siyang ibinigay na reason. 'Tapos nalaman ko na sila na daw, matagal na daw sila. Pero okay lang sa akin."

Dating kaibigan daw ni Stef ang naging kapalit niya. Pero sabi pa rin ng aktres, "Ayos lang yun, ganyan talaga."

Mahirap daw talaga ang long-distance relationship. "Nandun siya [sa La Union]. Kung kailan lang siya pupunta dito, dun lang kami nagkikita."

Guwapo ba? "May dating."

Iniyakan ni Stef ang pagtatapos ng kanilang relasyon, "Pero once lang. I don't think it's something to waste your tears on, kapag ganun.

"Buti sana kung yung relationship araw-araw kayong nagkikita. Yung matagal na matagal na kayo. Yung years na. Yun siguro, sobrang masasaktan ako...

"Kaya bilang long distance pa, e, masaktan ka man, e, it's not gonna be that deep.

"'Tsaka ako din, I'm concentrating on my career kaya it's a thing na puwedeng sa isang tabi muna."

Ayaw banggitin ni Stef ang pangalan no'ng lalaki. "Huwag na, baka sumikat pa," natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Stef, "I can say I've moved on pretty much. But I'm not yet quite ready for a lovelife... Kaya kong magmahal ulit, pero ayoko muna."

CAREER FIRST. May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Wala pa nga, e. Pabayaan mo sila. Kesa naman sa ako ang maghabol, di ba? Career muna...

"Gusto ko talagang maging showbiz ang main thing sa buhay ko. So sabi ko sa sarili ko, 'Love can wait.'

"It's not like ang tanda ko na, it's not like matandang dalaga na ako, di ba? Nineteen years old lang ako!"

Isa si Stef sa mga kontrabida sa Grazilda ng GMA-7, na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Si Geoff Eigenmann ang leading man ni Glaiza dito bilang si Eric.

Nasa cast din sina Cherie Gil, Rio Locsin, Joel Torre, Jolina Magdangal, Yasmien Kurdi, Djanin Cruz, Bodie Cruz, Dominic Roco, at ang mga baguhang sina Benedict Campos at Gwen Zamora.

Ang Grazilda ay sa direksyon nina Dominic Zapata at Ricky Davao as second unit director.

Mapapanood na ito simula sa Lunes, September 13, sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN