Sarah Geronimo laughs off rumor that she's switching channels

IMAGE 0


The speculation arose after TV5 started airing her past concerts last September 6, but the singer-actress says it was a deal between the station and her manager Vic del Rosario. The Popstar Princess remains a Kapamilya.


May bago na namang endorsement ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo. Ito ay ang first 3D online videoke game na "Superstar" ng X-Play Online Games, Inc., na matatagpuan sa www.superstar.ph.

Kahapon, September 11, dumalo si Sarah sa live auditions, na ginanap sa SM Manila, para sa mga aspiring singers na gustong maging next superstar.

Ilan sa mga imbitadong entertainment press, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), ang nag-isip kung hindi kaya conflict itong bagong endorsement ni Sarah sa isa pa niyang endorsement na microphone naman at kantahan din.

Ayon kay Sarah, "Hindi naman po siya conflict kasi yun naman po ay mikropono, literal na mikropono. Ito naman po ay online singing audition po. Sa Internet po sila, through Superstar."

Hindi rin kaya siya maintriga sa paggamit ng salitang "Superstar," dahil si Nora Aunor pa rin ang kinikilalang Superstar ng bansa?

"Ako po, happy na po ako sa Popstar Princess, sila na po ang bahala. At saka, ang magiging superstar naman po, ang mga aspiring singers. Sila po ang mga tatanghaling Superstar."

Wala pa raw idea si Sarah kung kailan magaganap ang finals. Ang alam lang niya, after na makapili ng 15 winners, magkakasama-sama silang lahat sa isang concert sa Araneta Coliseum at gagawa sila ng recording album.

"Pinaplano po na magkaroon ng concert sa Idol. Parang yung Bituing Walang Ningning po noon, parang yung finale. 'Tapos, gagawa nga po kami ng album."

TEAM COCO. Nagpapasalamat naman si Sarah sa magandang feedback at rating na nairerehistro ng Idol, ang kanyang primetime kantaserye sa ABS-CBN.

Napansin nga namin na sa SM Manila kahapon, nakakabuo na sila ng following ni Coco Martin.

Lumabas ito nang papiliin ni Sarah ang audience kung kaninong team ba sila—sa character ni Sam Milby o ni Coco Martin.

Marami ang excited na tumili nang ang character ni Coco ang binanggit ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Nakakagulat. Nakakatuwa na first time naming magkatrabaho ni Coco, pero tinanggap kaagad ng mga tao."

Kanino siya mas close sa dalawa?

"Si Sam naman po kasi, nakakausap ko na noon pa. Si Coco naman po, nakikilala ko pa lang po, slight. E, mahiyain naman po talaga si Coco sa lahat. Ang galing-galing niya pero mahiyain po."

Para bang naiilang sa kanya si Coco?

"Opo... kapag may mga eksena lang na sweet-sweet-an, e, naiilang siya. E, ako rin naman, naiilang din."

Kuwento pa ni Sarah nang natatawa, "E, may eksena kami kagabi na hahawakan ko ang kamay niya, naiilang siya. Kaya sabi ko, 'Ano ka ba, may love scene ka na nga!' Natawa lang siya."

Dugtong pa ng blockbuster star, "Sa umpisa lang naman po kami nagkakailangan, pero after naman po, okay naman po."

STAYING PUT AT CHANNEL 2. Natatawang inamin ni Sarah na nagkaroon ng ispekulasyon kung lilipat na rin ba siya ng estasyon nang umpisahang ipalabas ang kanyang mga concert sa TV5.

Aniya, "Nagulat na nga lang din po ako. I guess ang negotiation po kasi, sa Viva."

Ang big boss ng Viva Entertainment ay si Mr. Vic del Rosario, na manager din ni Sarah.

Kung gaano katagal magra-run ang concert series sa TV5 na nag-umpisa noong September 6 ay hindi alam ni Sarah, pero ang kino-confirm niya ay Kapamilya pa rin siya.

"Sa press ko na lang din po nalaman na, 'Uy, lilipat ka na raw?' Sabi ko, 'Hindi po!' So, yun po pala ang dahilan kaya nila tinatanong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN