Sharon Cuneta mentors aspiring female singers on Star Power

IMAGE 0


"In my opinion, you can judge naman, and you can be critical, but constructive. I'm not gonna ruin someone's spirit, just for my ratings," says Sharon Cuneta about mentoring aspiring female singers in Star Power, one of her three new shows.


Kaninang umaga, September 15, tumulak na ang Megastar na si Sharon Cuneta patungong Europe.

Mawawala siya para sa isang linggong concert tour, mula Setyemre 15-22, kung saan magtatanghal siya sa dalawang siyudad—sa Zurich, Switzerland, at sa Monte Carlo, Monaco.

Kasama ni Sharon sa kanyang biyahe ang kanyang kaibigan at confidante na si Fanny Serrano bilang official hairstylist and make-up artist.

Bukas, September 16, pagdating nina Sharon at Fanny sa Zurich ay magkakaroon muna ng meet-and-greet with the fans—kasama rito ang mga Sharonians at ibang Filipino OFWs and immigrants.

Ang aktuwal na show ng Megastar ay sa September 18, sa Schutzenhaus Albisgutli venue.

Sa September 19 naman ang show ni Mega sa Monte Carlo sa Rainier III Auditorium.

Dalawang araw na libre sina Shawie at Fanny, sa 17 at 20, kaya may time silang mag-shopping doon.

Balak nga daw nilang bumili ng mga damit at iba pang gamit ni Sharon para sa tatlo niyang bagong shows: Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar at The Biggest Loser (Pinoy Edition) sa ABS-CBN, at ang Sharon At Home sa Lifestyle Network.

Sa September 21 ang alis nila sa Monaco, at sa September 22 ay Manila-bound na sina Sharon at Tita Fanny.

SHARON AT HOME. This Saturday, September 18, ang premiere telecast ng Sharon At Home sa cable channel na Lifestyle Network.

Sa tatlong bagong shows ni Sharon, dito raw siya mas nakaka-relax dahil sa isang bahay niya sa Ayala, Alabang, ang mismong taping nito.

Sharon shared some information with PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang local press hinggil sa mga bago niyang shows sa isang presscon na ginanap noong Setyembre 9.

In particular, sinabi ni Sharon na may "bonding" siya with her family—husband Senator Francis Pangilinan and their daughters Frankie and Miel—kahit pa ginagawa niya ang Sharon At Home.

Iyon lang, ang pinakamatandang anak ni Sharon, ang actress-singer-host ding si KC Concepcion, ay di nila nakakasama dahil busy din ito sa kanyang showbiz commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sharon, "At the beginning, alam nila kung gaano ka-demanding [ang work ko].

"Pero in a week also, hindi naman buong araw mo makakain.

"Ito, sobra kaming...the whole day and night kaming magkakasama, lalo sa Star Power.

"'Pag Sharon At Home, I tape one day, sometimes two episodes. We taped already so many episodes in the show.

"In that house, kung saan ako...it's my house and we love being there when we tape.

"So, nama-manage yung time. We're very much aware of that.

"When I tape for Sharon At Home, usually my children are there.

"Miguel [Sharon's adopted son] is with me the whole day.

"Tapos, 'pag Star Power, 'pag regular na, na nasa studio, puwede ko na silang isama.

"Ngayon lang, medyo demanding dahil pumipili pa kami [ng finalists]."

STAR POWER. On the other hand, Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar pilots on October 10 in ABS-CBN.

The show will feature the Megastar as "the ultimate mentor."

Magsisilbi siyang gabay ng mga nangangarap na kababaihan, edad 15 hanggang 21, tungo sa kanilang mga pangarap na maging pop singing stars.

Ayon kay Sharon, may napili na silang finalists—mula sa 20, na-trim down sa 12—na magku-compete para sa unang season ng show.

Kaiba sa mga napapanood ngayong reality shows, ang Star Power ay may magiging banayad na approach sa contestants, sa pagga-guide sa mga ito.

Walang magiging tahasang pagbanggit ng kamalian at kakulangan hinggil sa mga ipamamalas na kakayahan ng would-be singing artists.

Ayon sa isa sa mga namamahala sa show, "Sharon's judging is kind of motherly.

"It's the kind of mother that will tell you when you've done right or when you've done wrong.

"But she will always do it in a loving manner."

Bagay na sinang-ayunan naman ni Sharon.

Aniya, "In my opinion, you can judge naman, and you can be critical, but constructive. I'm not gonna ruin someone's spirit, just for my ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I would certainly put certain people in their places, if they need to be put in their place.

"Like a mother, pagsasabihan mo 'pag sutil ang anak mo, di ba? Kasi, ang daming gustong sumali, e.

"So, kung ang sumali, maglalaro lang, sayang naman."

And as far as her shows' ratings are concerned, Sharon said, "Yeah, I won't...hindi yung maghuhubad ako ng kaluluwa ng bata para lang mag-rate ang show ko!

"Hindi talaga ako gano'n. Pero magsasabi ako ng, 'It's a fun night, grupo natin 'to!'

"I think the way you can say it, instead of saying, 'Wala ka talagang star quality!' Imbes na ganunin mo, di ba, yung, 'Sana, we can improve pa on this...' or 'Maybe, next time...'

"Kung gano'n, I think it's a good mix. Not so phony gushing. It's more concern than anything else."

Bilang isang Megastar, na on top of her game all these years, alam ni Sharon ang damdamin ng isang nagsisimula sa larangan.

"Kasi I had dreams also," sabi niya. "I've had people who nurtured those dreams with me.

"Without them, kung sinira nila ang aking plano sa buhay, by destroying my spirit, mawawalan ako ng lakas ng loob."

THE BIGGEST LOSER, PINOY EDITION. Ang ikatlong show ni Sharon ay ang Pinoy franchise ng The Biggest Loser.

Dito'y magiging empathetic adviser si Sharon ng mga heavyweight Pinoys, giving them tips on how to lose weight through a strict diet and a transformed lifestyle.

It's a wellness and fitness show for many Filipinos, na tulad ni Sharon ay nagkaroon ng weight problem.

Kaya akma raw para sa singer-actress ang pagiging host niya at pagiging inspirasyon sa mga Pinoy na nasa parehong sitwasyon.

Sa susunod na taon, 2011, naitakdang ipalabas ang The Biggest Loser.

Sharon At Home is directed by Pinggoy Generoso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar is directed by Johnny Manahan.

The Biggest Loser: Pinoy Edition will be handled by Laurenti Dyogi and Junjun Santiago.

"I have the best teams! That's another huge blessing!" sambit ni Sharon.

Ngayong Octubre din, kasabay ng Star Power ang paglulunsad ng Celebrations by Sharon ng ABS-CBN Licensing.

Ito ay ang select cooking and home line ng Megastar—kabilang ang mga cookware, bakeware, chaffing dishes, small kitchen appliances, at potted herbs na pinili mismo ng Megastar-mom.

Magiging available raw ang mga ito sa iba't ibang select department stores sa buong bansa.

SHARON MAKEOVER BY FANNY. Speaking of Fanny's official function bilang hair and make-up artist ni Sharon, the beauty guru shared with PEP some tips na kanyang isinasagawa para sa magandang look ng Megastar sa dalawang shows currently being taped—ang Sharon At Home at Star Power.

"Two taping days kami lagi sa Star Power," sabi niya.

"Every Monday will be very light makeup lang, kasi ang kukunan ay mga eksena niya lang with the chosen 20 finalists na mine-mentor niya in preparation sa kanilang grand finals—voice lesson, personality development, like make-up seminar, etc.

"So you will see Sharon in very casual attire, wearing a maong and a very casual top or shirt, or even a cotton T-shirt lang, with no-makeup look.

"I mean, just a major major simple makeup only kasi para lang sila nasa bahay.

"But during our Thursday taping, she will be wearing a fab attire with a glam makeup and hair.

"Those are the taping days when Sharon will be presenting all the finalists, showcasing their talents with the judges.

"Iba ang look niya dito compared sa kanyang former Sharon show. Kaya nga we're planning to buy some stuff from Europe para sa new Star Power."

On Tuesdays and Thursdays naman ang scheduled taping ng Megastar para sa Sharon At Home at her house in Ayala, Alabang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She bought that house a long time ago," banggit ni Fanny.

"Pero, first time namin nakita at napuntahan was during our first taping day ng At Home... and it was a beautiful house na feel na feel ko!

"Simply elegant talaga. Swak na swak para nga sa show niya.

"Siyempre, casual chic ang dapat na beauty niya dito, na nasa loob lang ng bahay niya at nagsi-share ng mga simple household tips para sa mga viewers.

"Simple makeup and hair lang ang look, and very casual but elegant attire.

"Dito n'yo makikita ang the other side ng isang totoong Sharon Cuneta.

"Ipapakita dito ang totoong ginagawa niya sa totoong buhay, na hindi ginagawa ng ibang celebrities.

"Super enjoy na enjoy kami lahat sa taping kasi learning experience din namin because of the guests na katulong niya sa pagsi-share sa viewers niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN