The Real Deal: Vic Sotto and Pia Guanio

IMAGE 0


This photo of Vic Sotto and Pia Guanio was taken during the trip of Eat Bulaga! to Anaheim, California, last September.


Bagama't pinili nina Vic Sotto at Pia Guanio na huwag magsalita tungkol sa napabalitang paghihiwalay nila, nabuo na sa isip ng mga PEPsters na tapos na nga ang mahigit apat na taon nilang relasyon.

Sa POLL na inilathala ng PEP (Philippine Entertainment Portal), 69.08% out of 553 voters ang sumagot ng "Oo." Ibig sabihin, kahit walang kumpirmasyon ay naniniwala silang break na ang dalawang Eat Bulaga! hosts.

Hindi naman sa ipinagdarasal ng publiko ang kanilang paghihiwalay, subalit nakasanayan na ng marami ang pattern ng relasyon nina Vic at Pia—break up, 'tapos kiss and make up, 'tapos break up ulit.

Simula noong naging sila, March 2006, taon-taon ay nagkakaroon ng ispekulasyon tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Una ay noong June 2007—inireport na may kasama raw na "foreign-looking girl" si Bossing (tawag ng karamihan kay Vic) sa isang restaurant sa Serendra. May nagkuwento pa raw na nagsigawan ang couple sa condo ni Pia.

Klinaro ni Pia na siya ang kasama ng kanyang boyfriend sa Serendra.

Pero walang anumang nabanggit tungkol sa pangalawang kuwento, na wala rin namang ebidensiya.

Noong April 2008 naman ay na-link ang pangalan ng sikat na comedian kay Riza Santos.

Subalit lumabas na gimik lamang ito para sa kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) entry that year, ang Dobol Trobol, kung saan nakatambal niya si Riza.

Noong June 2009, kumalat ulit sa mga tabloid na nagkakalabuan na ang dalawa. Pero sa interview ni Pia sa Showbiz Central, sinabi nitong, "We were pretty shocked ourselves to find out. The plain truth is: We're still together and we're very much going strong, and we're very much in love and happy with each other."

At noong July naman, taong kasalukuyan, inamin mismo ni Pia na ang kanilang relasyon ay "under construction."

Three months later, isang source ang nagbulong sa PEP, "It's over."

Samantala, may 30.92% naman ang naniniwalang "Hindi." Marahil, iniisip nila na isa lamang ito sa mga rough patches na kailangang pagdaanan ng magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O baka naman, gaya ng sinasabi ng ilang PEPsters sa comments section, isa ulit itong promo stunt para sa pelikula nina Bossing at Bong Revilla sa December.

Ano sa tingin mo?

Isang bagay pa lang ang malinaw na isinasaad dito sa "The Pulse": Kahit hindi magsalita ang mga artista, malakas ang kutob ng publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN